Shiminy's Pov;
"Shiminy Yizumhi Arellono , half- pogi , half - astig " nakangisi kong sabi doon sa salamin na nasa harap ko.
"Hoy mali ka half - babae half - barako kamo" tumatawang sabi ng nasa tabi ko.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Wala kang magawa?" asar na sabi ko tsaka binalik ang tingin sa salamin.
"Nako sistah kahit basagin mo pa yang salamin walang magbabago sayo, babae ka parin. Bakit kasi ayaw mong tanggapin." sabi niya na nakahiga sa kama ko habang nginangatngat ang kanyang kuko.
Nagroll eyes ako
"E ikaw, ba't di ka pa tumigil sa kakamake up mo e di ka naman papatulan ng crush mo." pang aasar ko.
Huh! Take that Sistah!
"Hmm! Ewan ko sayo ! Alis na nga ako dito sabi ni mama, mamaya daw bago ka uwi bumili ka daw muna ng delata tulad ng sardenas , 555 blah blah oh ito pera." sabi niya sabay lapag ng pera sa kama ko at alis.
Muli kung inayos yung suot ko na uniform. Hinila ko pababa ng kunti yung lagpas tuhod kung palda sabay pogi pose sa salamin.
"Naks pogi ko talaga."sabi ko sabay kindat.
Kinuha ko na yung bag ko at yung pera na binigay ni Shainy. Ang umaasa kong kapatid.
Habang naglalakad ako papuntang school di ko maiwasang di mapatingin sa mga dumadaan na mga babae.
Minsan halos nganganga na ako kapag may nakita akong sexy at malaki ang hinaharap. Tapos lulubog yung eyeballs ko kapag may nakita akong di kanais nais.
Hay nakakahassle lagi kapag Monday laging maaga, tsk nakakastress, pano nalang kung puyat ,daig pa ang zombie sa laki ng eyebags. Tsk tsk! Buti nalang di ko ginagawa yun. Good girl-este- boy kaya ako. I love myself , my life and my soul.
Pero heto ako , bagsak ang balikat naglalakad papasok ng school. Lakad-pagong at ayaw ko pang pumasok. Maya maya pa ay himikab ako.
"Hoy! Pareng Shim!" biglang bungad sakin ni Kyline.
Si Kyline Sanchez ay bestfriend ko slash kababata ko slash karibal ko minsan slash parner-in-crime ko slash classmate ko. Oh kabog diba daming slash.
"Kiaga-aga busangot na agad nakikita ko sa mukha mo." sabi niya at sumabay sakin maglakad.
"Di ka pa nasanay." naghikab ako tapos nagstretching.
She just rolled her eyes.
"Hay ba't ko ba nakalimutan di mo pala alam meaning ng 'masipag' hm." sarkastiko niyang sabi.
Mas pinili ko nalang manahimik kaysa magsalita. Baka kung saan pa patutunguhan yung usapan namin.
Well, third year high school na ako at tatlong taon na ako sa eskwelahang toh. At sawang sawa na ako sa pagmumukha ng mga estudyante dito.
"Oy ang tahimik mo , di mo ba ako kakamustahin?" pagtatampo niya.
"Ba't naman kita kakamustahin, e mukha ka namang ok, ok sana kapag narape ka, dun kita tatanungin." sabi ko.
Binigyan naman niya ako ng isang suntok sa braso. Buti nalang mahina lang kundi baka pag sinuntok ko to baka makapunta pa to ng ibang planeta.
"Tsk! Sobra ka sakin. Ako na ngalang magtatanong ,ganyan ka naman e. So Kamusta ka na?"
Sira na ata ulo neto.
"Nasa bahay lang naman ok , safe and healthy." sagot ko sabay pasok sa room.
BINABASA MO ANG
Me The Tibo And My Unexpected Ideal Guy
Novela JuvenilKakaibang astig , kacornihan ,kalibugan, asaran, kahayupan nina Shiminy at Miles. [[ Me The Tibo and My Unexpected Ideal Guy ]] Basahin niyo nalang para masaya (^-^)v