Shiminy's Pov;
"Miles tara bilisan mo gutom na ako." sabi ko sa kanya na ngayon ay nag aayos pa ng gamit.
"Bakit mo ba kasi ako hinihintay." sabi niya at pinasok ang libro sa bag.
"Dahil sasabay ka samin." humikab ako dahil di ako gaano nakatulog kagabi. "Hay ayoko talaga nang Monday."
"Tanong gusto ka ba ng Monday?" sabat naman ng bruhang si Kyline sa pilosopong boses.
"Tanong kinakausap kita?" balik ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin at binalik ang tingin sa salamin.
After mag ayos ni Miles ng gamit ay lumabas na kami ng room. Nasa likod kaming dalawa ni Kyline at nasa harapan namin si Miles at ang hinayupak seryoso lang na naglalakad , walang pakialam sa mga babaeng nakatingin at kinikilig sa kanya.
Napanguso nalang ako.
"Psst oy kausapin mo." napatingin naman ako kay Kyline.
"Ha?"
"Kausapin mo siya." sabi niya at ngumuso sa direksyon kay Miles.
"Ayoko nga baka suntukin ako niyan kawawa naman tong gwapo kung mukha." sabi ko at nagpogi sign.
"Gaga ba't ka naman susuntukin niyan tsaka ang tahimik naku papanis laway niyan."
Napakibit balikat nalang ako at inayos yung pagkakalagay ng bag sa likod.
"Fine." nakita ko namang gaano lumawak yung ngiti niya. Napailing nalang ako. Dali dali akong naglakad para masabayan siya, nang magkasabay na kami binangga ko siya.
"What do you want?" cold niyang tugon na di sakin lumilingon.
"I want you charoot hahaha." sabi ko at tumawa, napatahimik naman ako nang hindi siya sumabay. Ano ba to siya ang KJ.
"Oy magsalita ka naman. Magkwento ka." sabi ko at hinampas ang braso niya.
"Di kita syota." maikling tugon niya.
"Malay mo dun tayo pupunta." joke ko.
Ngumisi siya, napaatras naman ako.
"Haha joke lang, wala ka namang boobs e." sabi ko.
Hindi niya na ako pinansin napacross arm nalang ako sa pikon.
"Hoy!!" sigaw ko sa tenga niya ng makapasok na kami sa canteen.
"Iniinis mo ba ako." irita niyang tanong . Tumakbo ako sa bakanteng table.
"Hindi!!" sigaw ko dahil malayo pa siya ay mali sila pala.
Nang makalapit na sila umupo na ako at kinuha ang baunan ko na may lamang Pansit Canton omypeborit. Ganun din naman ginawa ng dalawa.
Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain namin ng biglang may tumunog na cellphone.
Nagkatinginan kami ni Kyline at tumingin kay Miles.
"Hindi sakin yun." sabi niya't tinuloy ang ginagawa.
"Ay sakin pala yun hihihi sorry excuse me." sabi ng bruha at umalis dala ang baunan at bag.
Umiling nalang ako at lumamon ulit . tahimik lang kami at walang gustong magsalita.
Tinignan ko si Miles na ngayon ay tapos nang kumain at nagliligpit na. Agad agad naman akong nagmadali,punong puno ang bibig ko. Nilunok ko yun at uminom ng tubig.
Nang tapos na kaming magligpit, tatayo na sana kami ng biglang may tumawag.
"Miles." napalingon kami sa likuran ko at nakita ko ang isang babaeng papalapit samin.
BINABASA MO ANG
Me The Tibo And My Unexpected Ideal Guy
JugendliteraturKakaibang astig , kacornihan ,kalibugan, asaran, kahayupan nina Shiminy at Miles. [[ Me The Tibo and My Unexpected Ideal Guy ]] Basahin niyo nalang para masaya (^-^)v