Chapter 5

575 13 0
                                    

Shiminy's Pov;

"Mmm penge gelplen nymnm." matapos sabihin ang mga katagang yun ay agad kong minulat ang mata ko.

Napapikit ako bigla ng mahagip ng mata ko ang liwanag galing sa labas.
Naghikab ako at babangon na sana ng mapansin kung yakap yakap ako ng hinayupak.

Wait! Haluh! Tinulugan ko pala siya kagabi habang... ... Waahh!! Shite ka memay!! Feeling ko nag iinit yung mukha ko.

Uy! Di ako nagbublush ah!!
.
.
Waaahh!! Oo na nagbublush ako!!
Waahh! Hindi! Ano bang nangyayari sakin?

Habang paatras ako ng paatras para makawala sa yakap niya. Napatingin ako sa mukha niya papunta sa paahan niya at dun ko lang napansin na nakapatong pala ang isa kung paa sa kanya.

Napakagat ako sa labi ko.

Ba't 'toh nandito?
Baka mabigatan siya nakakahiya naman baka pinipigilan niya lang...

WAAAHH!!

Bakit ba ako mahihiya sa kanya
The fuck.

Tinignan ko ulit yung mukha niya.
Eeii ang lapit ng mukha niya sakin panigurado isang maling galaw lang naku makakagawa ako ng makasalanan.

Naamoy ko na naman yung baby scent niya at jusko ang bango .

"Sige , amuyin mo lang hanggang magsawa ka."

Napaupo naman ako sa gulat.

Tungunu ano ba 'tong ginagawa ko.

Jusko nakita niya pala ako
Ba't di ko napansin yun?
Taena nakakahiya.

Bumangon ako sa pagkakahiga at ramdam na ramdam ko ang pamumula ng pisngi  ko sa kahihiyan.

Gulong-gulo ang buhok pagkapunta ko sa bintana. Hinawi ko ang kurtina at boom halos matumba ako sa lakas ng liwanag sa labas.

Inang yan tanghali na ba?
Lumingon ako sa orasan

7:24 palang naman.

"Gutom na ako, bumangon ka na, magluto ka" reklamo ko ng makalapit ako kay Miles  na ngayon ay nakahilata parin sa kama.

"Inaantok pa ako 9 pa naman pasok natin." bulong niya. "Tsaka kung gutom ka edi magluto ka."

Aba ginaganyan niya ako.

"Hoy hinayupak! Gutom ako kaya wag mo kong ginagalit, edecorate ko tong kamao ko sa mukha mo e"

"Tsk."

"Wag mo kong tini 'tsk tsk' dyan , gutom ako, gusto kung kumain." yawyaw ko sakanya

Kaso ang loko tinulugan lang ako.

What the- Whoo!! Kalma Shim kalma
Tandaan mo tao ka hayop siya.

Napatigil ako ng biglang nag ring yung phone niya.

"Hoy may tumatawag sa phone mo." tawag ko sa kanya.
Di siya sumagot

Panay ring naman ang cp niya.

"Hooy! Hello! Loko may tawag ka!!" sigaw ko na sa kanya. Taena napapaos na ako.

At ang putik di man lang gumalaw.
Nagmarcha ako papunta sa may mini table katabi ng kama namin at kung saan nakalagay ang cellphone niya.

Tinignan ko muna ang hinayupak bago kinuha ang cellphone niya at sinagot ang tawag.

"He-" babati na sana ako ng unahan ako sa kabilang linya.

("Hey Miles, it's  me namiss mo ba ako?")
Nagulat ako ng marinig ang boses ng isang babae

'Sino to?' tanong ko sa isip ko.
Nilayo ko muna yung cellphone para tignan ko kung sino yung tumawag pero number lang ang nakalagay.

Me The Tibo And My Unexpected Ideal GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon