Shiminy's Pov;
"Oi ano ba tara na." iritang sabi ko kay Miles habang hinihila siya palabas ng apartment. Kakauwi lang namin sa school at inaya ako ni Kyline na gumala kaya hinila ko ngayon si Miles para sumama. Pakialam niyo ba gusto ko siyang kasama-e-este- sumama e.
"Ayoko nga mas gusto ko dito." sabi niya.
"Ang kj mo naman, ngayon na ngalang tayo gumala magkasama e tsaka diba friends na tayo.?" sabi ko naman.
Nagkasalubong naman yung dalawa niyang kilay.
"Kailan pa kita naging friend?" cold niyang tanong.
"Ay basta sasama ka sakin." sabi ko sabay hila sa kanya.
"Ayoko nga."
"Matutulog ka sa sala pag di ka sasama." banta ko sakanya.
"Oo na,oo na." sabi naman niya sabay taas ng dalawang kamay.
Nang nasa labas na kami ng apartment agad ko na sinara ang pinto. Mahirap na.
"Papayag rin naman pala pakipot pa." sabi ko sabay hawak sa braso niya at tatakbo na sana ng...
"Wag mo nga akong hawakan." irita niyang sabi sakin.
"Ito naman kala mo may germs 'tong kamay ko, tsk yakapin pa kita e" sabi ko.
"Nasaan na yung kaibigan mo?" tanong niya bigla ng nasa tabi na kami ng kalsada.
''Sabi niya hihintayin niya raw tayo."
"Saan?"Di na ako nagsalita.
Pumara ako ng jeep at sumakay na kami. At itong mokong todo reklamo, ang inet daw. Palibhasa laging nagtataxi pag-aalis. Mayaman kasi kaya ganun.
Ako na ang nagbayad, nakakahiya kasi puro papel yung laman ng pitaka at ito pa walang bente o singkwenta puro tig lilimang daan o isang libo, Gosh!! Sana lahat.
"Mi-" pagtingin ko sa tabi ko nakita ko siyang nakatingin sa labas ng bintana ng jeep at nakasalampak ang earphone sa tenga. Walanya toh! Pati ba naman sa jeep astang mayaman parin. Huh! Ibang kalse.!
Pero sa bagay, hayaan nalang. Ako naman yung nagpumilit na sumama siya. Pasalamat pa siya inaya siya ng poging si Ako.
Sinilip ko siya. Kahit kalmado na siyang tignan, hindi mo rin malalaman kung ano pang nararamdaman niya, di kasi naglalabas ng emosyon.
Napatingin ako sa labi niya at naalala ang mga sinabi niya sakin nung sabado.
Napayuko nalang ako nang maalala ko yun.
Waahh! Whoo! Bura piste Taena! Erase! Erase!
Napaiwas agad ako ng bigla siyang gumalaw. Whoo! Inang yan! Ramdam ko yung puso kong tumitibok tibok parin sayo isang halik mo lamang at ako'y tinatablan. Ay!Letcheplan napakanta tuloy ako.
Huminga ako ng malalim, inhale exhale.
Sinilip ko ulit siya at napalunok.
Yan? Yang lalaking yan? Magpapatalo ka dyan? Huh! Wag oy tandaan mo mas gwapo ka pa dyan.
Napatingin nalang ako sa harapan ko at napakunot ang noo.
Putcha! Sa public pa talaga naglalandian. Mga taksil! Di ba nila alam na dapat respetuhin ang mga single.
"Halina babe, isa lang." boy
"Eh babe naman e madaming tao oh nakakahiya hihihi." girl
Tinignan ko sila at naglabas ng black aura.
"Babe oh nakakatakot siya di ko alam kung babae ba siya o lalaki , mukha kasing babae pero pormang lalaki." girl
"Tomboy yan babe, hayaan mo siya inggit lang yan." boy
Kaasar ha! Ipamukha ba sakin na naiinggit ako. Tadyakan ko 'tong mga to e.
"Huh! Kala niyo kayo lang,meron rin kaya ako." bulong ko.
"Diba sweetheart ko." at tumingin kay Miles at nakita ko siyang nakatingin sakin."Oh man shiteu! Ba't ka ba nanggugulat?" halos tumalon ako sa kinauupuan ko sa gulat.
"Tss yung kamay mo tanggalin mo."
Napatingin naman ako sa kamay ko at nakita ko iyon na nakayakap sa braso niya.
Wala pang dalawang segundo ay inalis ko yun agad at tumalikod.
Waahh! Nakakahiya! Nagpepeling ka na naman kasi Shim e yan tuloy. At pisteng kamay to may sariling buhay.
Maya maya pa ay pumara na ako.
Bumaba na kami at agad na bumungad samin ang naglalakihang letra.
''AMUSEMENT PARK?" gulat na gulat na sabi ni Miles.
"Oo ba't ganyan ka makareact? Wag mong sabihing first time mo?" tanong ko at tatawa na sana ng...
"Subukan mong tumawa , uuwi ako."
Napatikom naman ako ng bibig.
"Ito naman biro lang e." sabi ko sabay hatak sa kanya.
"Promise ko sayo, sasaya ka rito." masayang sabi ko nang makapasok na kami sa loob.
"Kahit ikaw lang naman masaya na ako."
Bigla namang tumibok ng mabilis ang puso ko.
BINABASA MO ANG
Me The Tibo And My Unexpected Ideal Guy
Genç KurguKakaibang astig , kacornihan ,kalibugan, asaran, kahayupan nina Shiminy at Miles. [[ Me The Tibo and My Unexpected Ideal Guy ]] Basahin niyo nalang para masaya (^-^)v