Chapter 22

436 12 2
                                    

Shiminy's Pov;

"Miles."

Nagulat kaming dalawa ni Miles nang biglang bumukas ang pinto at niluwa si Alysa. Naparoll eyes nalang ako.

"Bakit ka nandito?" tanong ni Miles.

Sumulyap ako saglit kay Miles at nakita ko ang pagiging cold ng titig niya kay Alysa. Tinignan ko si Alysa at tila para siyang umiiyak.

Hay! Bakit kaya feeling niya na sa tv siya lagi. Iyon nga lang siya 'yong laging agaw eksena, 'yon kasi ginagawa niya ngayon.

"May narinig kasi ako doon sa hallway na may nahimatay daw at dinala dito sa clinic. And then bigla kitang naisip kaya agad akong pumunta dito." humihikbing sabi ni Alysa at niyakap si Miles. Napailing nalang ako dahil sa ka-oa-han ng babaeng 'to.

"Tsk." 'yan lang ang lumabas sa bibig ko at iniba ang tingin.

"I'm ok. Si Shim ang nahimatay hindi ako." sabi ni Miles sa hindi interesadong tono. Napatingin naman ako sa kanila ng marinig ko ang pangalan ko. Lumipat ang tingin ni Alysa at patungo 'yon sa'kin. Nakita ko naman kung paano tumaas ang isa niyang kilay.

"Ah siya pala." sabi nito at tumingin ulit kay Miles. "So ikaw ang nagbuhat sa kanya?" dagdag niya at lalong hinigpitan ang pagkakayakap kay Miles. Tinignan naman siya ni Miles at tumango.

Para namang tinusok ng libo-libong karayom kasama pa bala ng stapler yung puso ko. Makita ko lang sila dalawa na ganyan masasabi ko na bagay nga talaga sila.

Hay. Isa rin ba 'to sa nangyayari kapag nag-confess ang isang tao?
Gosh, nakakahurt ah.

Napakurap nalang ako at nabalik sa realidad ng may tumulak saakin pababa. Pagkatingala ko ay nakita ko si Alysa. Napahawak ako sa braso niya para pigilan siya pero dahil may sakit ako at mahina agad akong napahiga.

"Dahil may lagnat ka, kailangan mo ng pahinga at kami naman dalawa ni Miles ay papasok na. Ok.?" sabi ni Alysa. Agad naman ako nainis sa inaasta niya. Para kasing nilalayo niya sa'kin si Miles.

Hindi ako nagsalita, tinignan ko siya ng masama na para bang hinahamon ko siya.

Ngumiti siya ng matamis nang tumingin siya kay Miles. Nainis naman ako.

"Halika na Miles, malaki na si Shim kaya niya na sarili niya. At saka may incharge naman dito sa clinic." sabi ni Alysa nang makalapit na siya kay Miles. Parang nag-alinlangan namang tumango si Miles. Agad namang nalungkot ang mukha ko.

Naglakad na sila papunta sa pinto. Pero bago sila makalabas ay dahan-dahang lumingon saakin si Alysa at nginisian ako. Bumuntong hininga nalang ako at hindi nalang iyon binigyang pansin. Inayos ko ang pagkakahiga bago tumingin sa ilaw at pumikit.

Sana pagkagising ko, makalimutan ko na ang lahat.

... ...

Unti-unti kong iminulat yung mata ko. Pumikit-pikit ako dahil sa liwanag galing sa labas. Nang ok na ay nilibot ko ang tingin at unti-unting kumunot ang noo ko. Paano nagkaroon ng poster sa clinic?

Tinignan ko ng mabuti ang mga nasa poster. Teka pamilyar 'tong mga 'to ah.

Kpop? Anime? BTS? Naruto? Ano?

Napatingin ako sa hinihigaan ko.

Kailan pa nagkaroon ng kpop na kumot ang clinic?

Teka nasa bahay ba ako? Pero paano? Pagkakaalam ko na sa clinic ako.

Bumangon ako at para akong matutumba sa sakit ng ulo ko. Dahan-dahan akong tumayo at naglakad papunta sa pinto ng kwarto ko. Pagkalabas ko ay nakita ko si mama, naghahanda siya ng pagkain.

"M-ma?" tawag ko ng makababa ako.

Lumingon siya.

" 'nak bakit ka bumangon? May sakit ka pa, pupuntahan na sana kita para dalhan ng pagkain." sabi ni mama at lumapit sa'kin. Hinawakan naman niya yung leeg ko. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"Mukhang bumaba na ng kunti 'yong lagnat mo." sabi pa nito at inilalayan akong umupo.

"Ma, paano ako nakapunta dito?" tanong ko sa mahinang boses.

"Ahh may naghatid sayo dito sa bahay. Sabi niya kaibigan mo raw siya, teka ano nga pangalan nun?" tinignan ko naman si mama habang siya ay nag-iisip. Nagsandok ako ng kanin at kumuha ng ulam.

Hay, ulyanin na talaga siya. Ang matatanda talaga ang bilis makalimot. Aish.

Magsasalita na sana ako para maiba ang topic ng unahan niya ako.

"Ah! Naalala ko na. Sabi niya, siya si Yuhan."

Nang marinig ko ang pangalan na 'yon ay napatingin kaagad ako kay mama at tumaas ang dalawa kong kilay.

"Sino? Si Yuhan? Paano niya nalaman na dito ako nakatira?" agad kong tanong kay mama.

Tinignan naman ako ni mama na may pagtataka.

"Ewan ko. Akala ko, kaya niya alam kasi nga kaibigan mo siya. Pero maski ako nagtataka rin kasi hindi ko pa siya nakikita. Sa mga oras kasing yun wala na sa isip ko ang magtanong. Ikaw ang inaalala ko. Pero 'nak ha, ang gwapo nung Yuhan." paliwanag ni mama na may kilig-kilig pang nalalaman

Napabuntong hininga nalang ako.

"Ewan ko sayo ma, kay tanda-tanda mo na may nalalaman ka pang ganyan. Tinalo mo pa ako e." sabi ko sabay subo ng kanin. Hindi na nagsalita si mama kaya tulala na akong nakatitig sa pagkain.

Nagugulahan talaga ako dahil hinatid ako ni Yuhan sa bahay , ibigsabihin nasa school nga talaga siya. Pero hindi siya naka-uniform, e ano ginagawa niya doon? Paano siya nakapasok? Hay! Ang gulo.

"Pagkatapos mo d'yan uminom ka ng gamot." Mama. Tumango lang ako bilang sagot.

Inayos ko ang pagkakaupo. Habang kumakain ay naalala ko ang nangyari kanina.

Sinabi ko ba talaga na may gusto ako sa kanya?

Napahampas nalang ako sa noo.

Haaayyy!! Ano bang nangyayari sa'kin? Nagiging babae na naman ba ako? Gosshh!! Shim!! Ano ba! Kung gusto mo siya dapat di mo muna sinabi. Alam mo naman na di pa yung right time na sabihin 'yon e. Nakakahiya tuloy juiceko.

Pero yung reaksyon niya kanina, parang wala akong pag-asa.
Hay. Sabi ko na nga ba, wala siyang gusto sa'kin

Tsk. Ano pa bang inaasahan ko? Isa lang naman akong babae na walang ibang hiling kundi magkaroon ng magandang girlfriend kaso bumaliktad ang nangyari. Kasi nagconfess ako sa isang lalaki na walang ginawa kundi asarin ako, inisin ako. Isang lalaki na gusto ng lahat, isang lalaki na halos 'di na nirerespeto ang kabanalan ko jusqu. 

Uminom ako ng tubig at tinignan ang kalahati ng pagkain ko.

Isang lalaki na lagi kong kaagaw.

Napangiti ako pero agad 'yon nawala at napalitan ng lungkot.

"At isang lalaking nagpapatibok ulit ng puso ko ng ganito." bulong ko.

Napapikit ako at bumuntong hininga.

"Bakit sa kanya pa? Bakit sa lalaking may girlfriend na?"

Me The Tibo And My Unexpected Ideal GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon