Chapter 20

413 12 0
                                    

Shiminy's  Pov;

Tumingin ako sa paligid.

Ang daming taong nakapaligid sa'min.
Hay, ganoon na ba ako ka-hot ngayon?

Nagulat naman ako nang makita si Miles at binuhat ako kaya nabitawan ko si Yuhan.

"O-oi. Anong ginagawa mo?" mahina kong tanong

Nadismaya naman ako nang hindi niya ako sinagot.

"Hoy. Nagpapasikat ka ba? Sino ka ba ha? Ako nga magdadala sa kaniya." rinig kong sabi ni Yuhan. Napatingin ako sa kaniya. At kita ko sa mukha niya ang pagkainis.

"Ganun na ba kaimportante ang pangalan ko? Kasi para sa'kin mas importante itong binubuhat ko."

Bigla namang kumabog yung puso ko ng marinig ko yun.

HUWAAH!! ANO BA BA'T GANITO?! Kalma lang Shim. May  sakit ka baka lumala.

Napansin ko namang nagbulungan yung mga tao. Tinakpan ko ang mukha ko dahil sa hiya o sa kilig?

"Per-"

"Dadalhin ko na siya sa clinic." mahinahong sabi ni Miles. Napahawak nalang ako sa leeg niya nang bigla siyang tumakbo.

Biglaan namang pumasok sa isip ko si Yuhan.

Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito sa school na'to? Wala ba siyang pasok?

Napapikit nalang ako ng bigla na namang sumakit ang ulo ko.

"Bakit hindi mo sinabi saakin na may sakit ka pala?" rinig kong tanong ni Miles.

Napadilat naman ako at sinilip siya.
Feeling ko tuloy mas uminit pa lalo ang naramdaman ko kahit mainit na ako.

Hindi ko siya sinagot. Siniksik ko lang ang ulo ko sakanya at naamoy ko ang bango niya.

Hay. Kahit kailan talaga amoy baby parin siya. Kakainggit.

Doon ko lang napagtanto na buhat niya pala ako pangbridal style. Aish kinikilig tuloy ako. Lol.

Nang makarating na kami sa clinic, inihiga niya ako sa kama. Bigla naman akong nakuryente ng dumampi ang balat ng kamay niya sa leeg ko. At ito namang puso ko nagiging abnormal.

Lumayo siya. Napataas naman ang isa kong kilay nang titigan niya ako. Nagtaka naman ako ng tumalikod siya.

"Hoy!" tawag ko sakanya.

Nagkaroon na naman ata ng saltik sa utak 'tong mokong na'to.

"Y-yung dalawang batones sa pinakataas ng uniform mo nakabukas, k-kita yung strap ng bra mo." nauutal niyang sabi.

Napakunot naman ang noo ko at dahan-dahang tumingin sa uniform ko.  Agad naman akong namula at nanginginig na inayos iyon.

Aarrgghh!! Nakakahiya!! Kaya pala tinititigan niya ako kanina. Manyak talaga.

Nang-ok na ay inayos ko na ang pagkakahiga.

"E-ehem. O-ok na." sabi ko at tinakpan ang mukha .

Humarap siya.

"A-ahm.. Lalabas muna ako, hahanapin ko lang yung incharge dito sa clinic." sabi niya at dali-daling lumabas.

Para naman akong nabaguhan sa inaasta niya. At nakita ko rin sa mukha niya ang kunting pamumula.

Eeiiii!! Ang cute niya. Nakakainlove tuloy-

Huh? What the...

WAAHHHHH!!!!! HANUBAHH!!! HINDI YUN TOTOO. JUICEKO NAKICRAZY NA AKO.!!!

Nalilito lang ako. Oo tama nalilito lang talaga ako. Kasing mokong na'yun e, alam naman niyang tomboy ako, kung anong pangt-trip na ginagawa niya sa'kin. Minsan tuloy yung pagiging babae ko ay nabubuhayan , na para bang bulaklak na namumukadkad. Ok tama ang corny.

Antagal naman nila, siguro gusto pa nila na nangingisay na ako bago sila dumating.

Pipikit na sana ako dahil hindi ko na kaya yung sakit ng ulo ko ng biglang bumukas yung pinto at niluwa si Miles at ang babaeng nurse.

Napa 'V' naman ang kilay ko nang mapansin kong pinipilit dumikit nung nurse kay Miles.

Tsk, kaya pala antagal nila. Nakikipaglandian pa sila sa isa't-isa. Kabwesit. Humanda ka Miles sa apartment mamaya.

"Siya ba yung may sakit?" tanong nung nurse.

Ay hindi. Baka ikaw yung may sakit. Syempre ako, may iba pa bang tao na nakahiga dito? Gigil mo si akiee ah.

"Yes. Kanina pa siya nanghihina." sabi ni Miles at tinignan ang nurse. Yung nurse naman ay kinilig.

Iuntog ko itong nurse na 'to sa lamesa e para matauhan. Halata namang may asawa na, nakikipaglandian parin.

Hinawakan naman niya ang leeg ko. At para siyang napaso sa pinakita niyang mukha.

Psh! Kala mo talaga kagandahan. Hm. Lumayo ka sakin , pashneya.

"Ang init mo."

Ay malamang. Bakit? May malamig bang lagnat? Ano 'to siya, sinaunang tao?

Nakita ko siyang pumunta sa may mga drawer at may kinuha. Bumalik siya sa amin na may dalang gamot.

"Ito yung iinumin mong gamot. Bago mo ito inumin kailangan mo munang kumain. Hindi na kailangan ng thermometer. Sa init mo, malalaman na kaagad na may lagnat ka at hula ko na sa 38 degree o pataas 'yon." paliwanag nung nurse

Wow. Galing naman. Ano siya si Lavagirl?

"Ganoon po ba?"

Tumango yung nurse.
Tinignan ko si Miles.
Hindi ko alam kung sadya lang ba akong pilingera.

Habang nakatingin kasi si Miles sa nurse bakas sa mukha nito ang pag-alala.

Me The Tibo And My Unexpected Ideal GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon