Chapter 10

426 12 0
                                    

Shiminy's  Pov;

"M-may sinasabi ka?!" sigaw ko.

Shit taena! Feeling ko pulang pula na ako ngayon.

Di siya sumagot, kaya hinila ko nalang siya. Naramdaman ko namang hinawakan niya ako pabalik.

Woohh! Shim kalma lang! Wag kang magpapaapekto. Hawak lang yan hawak.

Natanaw ko naman si Kyline sa malayo. Tumakbo ako, wala namang magawa si Miles kundi sumunod.

"Bakit ang tagal niyo?" bungad agad samin ni Kyline.

"Pakipot kasi tong si Miles." sabi ko.

Bigla namang humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

"A-ah a-ano tara na." utal-utal kong sabi kay Kyline.

Inang mokong na to kinukuryente ako e.

Bigla naman kaming napatigil ng biglang may humarang samin.

"Hi ma'am and sir, gusto niyo ba itry gumawa ng cotton candy with many design's?"

"Ako Gusto Ko!"

Nagulat naman kami ng biglang sumigaw si Kyline.

"Talaga? Eh kayo pong dalawa?"

Nagkatingina kami ni Miles pero agad akong umiwas. Esh namumula ako e.

"Ah kuya, date nila ngayon kaya pabayaan mo nalang silang dalawa . So saan ako gagawa?" masayang sabi ni Kyline at hinila palayo si Kuyang I  dont know the name. Nakita ko namang kinindatan ako ni Kyline.

Naiwan naman kaming dalawa ni Miles na nakatayo. Bigla namang bumalot ng katahimikan ang paligid.

Shim! Ang awkward. Isip ka nang topic bilis! Isip!

"U-uhm saan m-mo gustong pumunta?"tanong ko sa kanya.

"Ayokong sumakay. Ayokong bumaliktad ang sikmura ko." sabi niya.

Taena! Napakakalmado, wala man lang emosyon! Di manlang nagalit sa sinabi ng bruha kanina o kaya nama'y kinilig. Kasi ako kinilig ako e ehihihi . Oy shhh lang kayo ah.

"Ah ganun ba gusto mo kumain?" sabi ko.

"Libre mo?" napaikot nalang ako ng mata.

"Oo na, tara." sabi ko sabay hatak sa kanya ulit.

Pumunta kami sa may isang kainan at agad na pumasok. Pumunta  kami sa counter.

"Ano gusto mo?" tanong ko sa kanya

"Ikaw?"

Bigla naman ako nabilaukan.

"H-ha?"

"Anong gusto mo? Busog pa ako kaya kung ano ioorder mo yun narin sakin." sabi niya.

Bigla naman  ako nakaramdam ng pagkadismaya.

"Aaahhh ookk." sabi ko at bumuntong hininga.

Ok lang yan Shim! Bakit ka ba malungkot!

Ngumiti yung babae nang turn na namin.

"Hi ma'am and sir." bati samin ng babae. Babati na sana rin ako ng makita kung nakatingin yung babaeng cashier  kay Miles.

Para naman akong nainis , ewan ko ba kung sino sa dalawa. Basta hinarangan ko si Miles  kaya magkaharap na kami ng babae.

Para namang nabalik siya sa realidad at tinignan ako.

"U-uhm sorry. What's  you're  order ma'am?" tanong ng cashier na ngayon ay patingin tingin kay Miles.

"Dalawang french fries at dalawang coke." agad kung sabi at tumitingin sa mga picture  ng pagkain.

Napatingin naman ako sa babae ng hindi siya nagsalita. At bigla nalang ako ulit  nainis. Bigla namang may Pumasok sa isip ko at napangiti.

Humarap ako kay Miles na ngayon ay astig na nakatayo. Napansin ko ring napapatingin yung mga babae sa gawi namin.

Agad akong lumapit  sa kanya at nginitian. Tinignan naman niya  ako na may pagtataka.

Nang makalapit na ako agad kung niyakap ang braso niya.

"Hey sweetheart may iba ka pa bang ioorder?" tanong ko at nilakihan siya ng mata.

"Sumakay ka nalang , bumabaho dito e." bulong ko sa kanya.

"Ah no need and besides nabusog na ako sa luto mo." sabi niya at ngumiti.

Bigla namang kumabog ng mabilis ang puso  ko.
Taena ano ba tong ginagawa ko.

"Ahhihihi." tumawa ako nang mahina sa ilang. Pero deep inside kinikilig ako ayiiee- ehem ehem .

"Ehem yung order namin Ms.?" sabi ko dun sa babae at nakita ko siyang natulala. Huh! Take dat bijj!!

"O-oh yes sorry,uhm yun lang ba order niyo ma'am?" sabi naman niya
Tumango ako.

"Take out-"

"Mismo."
Woh! Sungit ng Shim niyo.

Nang makuha na namin ang pagkain, agad ko binayaran at agad na umalis , hila hila parin si Miles.

Umupo kami sa may bench kung saan marami ring taong kumakain. Nilapag ko ang pagkain sa gitna namin. Tinignan ko siya nang palihim.

Putcha! Ang tahimik na naman.
Bigla akong nakaramdam ng malamig na hangin at ngayon  ko lang napansin pagabi na pala.

Nanginig ako at niyakap ang sarili.
Humarap ako kay Miles at nabigla nalang ako nang makita ko siyang nakatingin sakin.

"B-bakit?" nanginginig kung tanong.
Hindi siya sumagot. Yumuko ako.
"Yung kanina pala, pasensya na sa ginawa ko. Hindi ko alam kung ba-"

Napatigil ako nang bigla niyang kinuha ang pagkain at nilipat sa kabilang pwesto. Napaatras ako ng bigla siyang lumapit.

Nanlaki nalang ang mata ko ng bigla niya akong hilain at binigyan ako ng yakap. Nakaramdam naman ako nang init sa ginawa niya.

"May sasabihin ako sayo Shim."

Hindi ako nakasagot sa gulat.

Kalma lang Shim! Taena Hindi ako makahinga, puso ko wag kang maingay putcha pulso nakikisabay ka pa e.

Napakurap ako nang bigla siyang lumapit sa may tenga ko at bumulong.

"Kahit ganyan ka, ayaw kitang mawala."

Me The Tibo And My Unexpected Ideal GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon