Shiminy's Pov;
"Wah! Tinatamad ako ngayon , kaboring." matamlay kung sabi sabay bagsak ng ulo sa table ng inuupuan ko.
Nasa school ako ngayon at itong si Kyline tumatawang nakatingin sa cellphone niya. Kung hindi ko lang 'to kaibigan pagkakamalan ko siyang nakatakas sa mental."Oy Arellono oh ito reviewer mo naiwan mo na naman dito sa school nung Friday, buti nalang nakita ko to kundi lagot ka kay ma'am." napa-angat ako ng ulo at dun ko nakita si Kari at may inabot saking papel. Ito siguro yung reviewer na lagi kung hinahanap nung sabado buti nalang may mabuting tao pa dito sa mundo.
"Ah salamat kala ko di ko na 'to makikita e." sabi ko at aksidenteng napadpad ang tingin ko sa malaking melon-melon niya. Oh-la-la~ su beyutipul byu.
Agad ko naman iniwas ang tingin sa mala-melon niyang boobs. Nakakahiya baka pagmakita niya na nakatingin ako sa melon niya matuturn-off siya sakin.
Tinignan ko nalang ang mukha niya at nginitian.
Sayang 'to siya kung di lang pang-ulam yung pangalan neto, tatargitin ko nato e.Hayst! Ano ba tong iniisip ko wala naman akong pag-asa magkagirlfriend. Pero hangga't nabubuhay ako di ako susuko. Laban lang nang laban AJAA!!
Umuwi ako sa apartment ko-este-apartment namin ni Miles mga 7:30 na ng gabi. Gumala pa kasi ako sa mall baka may matarget na babae. At nung lumabas ako sa mall kumain pa ako ng siopao with siomai with matching coke na malameeeggg, dyan sa gilid gilid ginutom kasi ako at dahil walam pers (pera) sa labas ng mall nalang ako kumain.
Pagkabukas ng pagkabukas ko ng pinto boses agad ni Miles ang narinig ko.
"Late ka." sabi niya na ngayon ay nanonood ng tv.
"Late late ka jan, paki alam mo!?" sabi ko tsaka umupo sa sofa na ngayon ay miss na miss ko na. Minarkahan ko na 'to gamit ang laway ko para wala na talagang mang aagaw sakin.
Tinignan ko si Miles na nanonood ng tv.
Binato ko yung bag ko sa lamesahan at humiga."Ba't ngayon ka lang?" tanong niya na hindi tumitingin sakin.
"Anong bakit ngayon ka lang? Bakit ngayon lang ako dumating sa buhay mo?" tanong ko.
Liningon niya ako at binalik uli ang tingin sa tv.
Whoo! Lamig ng simoy ng hangin!
Yare neto, may regla ata to ngayon paiba-iba ng attitude e."Ganito talaga ang nag-iisang Arellono Miles. Masyado kasi akong matalino at gustong magtour sa kung saan saan para madagdagan ang kaalaman. Dami ngang nagtatanong sakin kung bakit ako ganito katalino e." pagyayabang ko.
"Nangangarap ka na naman ng gising." cold niyang sabi.
Inikutan ko lang siya ng mata.
"Inggit ka lang e." asar na sabi ko sabay pikit ng mata. Hihilik na sana ako ng biglang may bumato sakin. Napadilat ako at umupo. At tinignan ko nang masama si Miles.
"Problema mo?"
"Kupyahin mo yan alam ko namang hindi ka na naman kumopya ng assignment kanina." sabi niya na hindi tumitingin sakin.
I grabbed the notebook at tinignan ang laman.
"Kahit naman kupyahin ko 'to babagsak parin naman ako, di ko naman alam sagot neto e." matamlay kung sabi.
"May sagot yan sa likod nang notebook kupyahin mo kung gusto mo."
Napatingin ako sa kanya at agad na kumislap ang mga mata ko.
"Talaga!?" di makapaniwala kung sabi.
Hindi siya Sumagot kaya agad- agad ko nalang kinupya ang assignment.
Nang tapos na akong kumopya agad kung sinara ang notebook ko at iniwan na nakabukas ang notebook niya.
Harsh ba? Well ganyan ako e. ^_^vMga ilang minuto na ring hindi ako nagsasalita kaya panigurado panis natong laway ko. Tungunu kasi tong mokong na'to di nagsasalita.
"Oi Miles nasa Earth ka pa ba?" basag ko sa katahimikan. Pero taena hindi parin siya nagsasalita.
"Oi Miles Talk to me baby."
At boom wala parin.
"Miles gusto mo gala tayo ngayong sabado?"
Putik ka Shim FC ka FC!!
"Thanks , but no thanks." maikling tugon niya.
Taray neto. May pa-english english pang nalalaman.
"Bilis na saan mo gustong pumunta." pamimilit ko.
"Sa motel." sagot niya.
Agad naman napataas ang kilay ko.
"Taena mo Miles, kung anu-anong kahihiyang ginagawa mo sakin!" sigaw ko.
Lumingon siya sakin at napaatras nalang ako nang bigla siyang ngumisi.
"Turn-on ka nuh?"
"Aba ulol!" napakagat nalang ako sa labi ko sa pikon.
Nilapitan ko siya sa kinauupuan niya at sinipa ang paa niya pero wala lang iyon sa kanya, di man lang siya uma'aray' kaya feeling ko tuloy ako yung nasaktan.
Padabog akong umupo sa tabi niya.
Bwesit na 'to inaasar talaga ako.
"Inet naman oh." reklamo ko. Napatingin ako sa may gilid niya kung nasaan ang electricfan. May aircon naman dito sa apartment kaso sa kwarto lang.
Putcha! Gusto niya ba ako maligo sa pawis. Sa kaniya lang talaga nakatutok e. Idikit ko yang electricfan sa bunganga niya e para hangin lang lamang ng tyan niya .
"Daldal ka kasi ng daldal, baho pa ng hininga mo, nakakadagdag pa yan sa polusyon." sabi niya.
"Aba embento mo ah, excuse me nilalaklak ko na nga yung lesterine tapos sasabihin mo yan sakin kapal!"
Di siya sumagot.
Tinignan ko siya ng masama at tinulak. Bwesit di man lang gumalaw tsaka di manlang pinatakan ng pawis
"Oi buhay ka pa ba? Di ka gumagalaw para ka nang bangkay sa kinauupuan mo.""Sex lang ang nagpapagalaw sakin."
Para naman akong binato ng maraming kamatis sa kapulahan.
"Bastos kang lalaki ka, respetuhin mo naman ang kabanalan ko.!" sigaw ko.
Narinig ko naman siyang tumawa.
Napatingin nalang ako sa kanya ng bigla siyang tumayo.
"San ka pupunta?" tanong ko.
Di niya ako sinagot . Pumasok siya sa kusina. Magsasalita na sana ulit ako ng bigla siyang lumabas na may dala dalang plato na may lamang kanin at ulam at baso na namay lamang malamig na tubig.
Nilapag niya iyon sa lamesa. Tumingin ako sa kanya na nagtataka.
"Oh ayan kumain ka para manahimik kana. Alam ko namang hindi ka pa kumakain kaya tinirhan kita." sabi niya at tumabi sakin.
Para naman akong nakakita ng multo sa sinabi niya.
Nagkatitigan lang kami hanggang sa ngumiti siya sakin.
Taena Shete! Kinilig ako Pakshet!!
BINABASA MO ANG
Me The Tibo And My Unexpected Ideal Guy
Teen FictionKakaibang astig , kacornihan ,kalibugan, asaran, kahayupan nina Shiminy at Miles. [[ Me The Tibo and My Unexpected Ideal Guy ]] Basahin niyo nalang para masaya (^-^)v