Shiminy's Pov;
"Alam niyo, meron akong crush pero hindi niya ako gusto. Ang mas saklap pa do'n is hindi niya ako pinapansin at ang suplado niya pa at ang sungit." malungkot na sabi ni Kyline sabay punas sa luha niya kuno. May pinakita siyang picture sa amin.
Muntikan ko namang maibuga 'yong iniinom kong tubig.
"Teekkaa! Si Joseph 'yan ah." napasigaw ako nang maalala ko ang mukha na nasa picture.
"Your answer is correct. Ay kilala mo?"
Natawa na lang ako.
"Crush 'yan ng kapatid ko ay mali love niya pala." Agad naman na freeze si Kyline sa kinauupuan niya. Nagkatinginan naman kami ni Yuhan tapos tumawa. Yung mukha kasi ni Kyline parang nakainom ng suka na may halong kalamansi.
"Kaya pala hindi niya ako pinapansin." malungkot niyang sabi at yumuko siya. Umubo ako para tumigil na sa kakatawa.
"Ano ka ba, pati nga 'yong kapatid ko hindi niya pinapansin e. Hay, bakit kaya ang daming nagkakagusto sa kanya." sabi ko at humikab. Tinaasan naman niya ako ng kilay.
"Hindi mo ba napapansin? Bakla 'yan siya, hindi lang halata kasi lalaki siya pumorma at kumilos. Pero infairness, ang gwapo niya d'yan sa picture."
Pero mas gwapo si Miles ko. Ayshit!
Para namang nalanta si Kyline na parang gulay. Tumawa lang ako at hinahampas-hampas ang likod niya.
"Ok lang 'yan, marami pang iba d'yan. Malay mo na sa tabi mo lang pala." pang-aasar ko. Tinignan ako ni Kyline na 'kala mo'y may imumurder siyang tao. Nginitian ko lang siya at kinindatan. Lumapit ako sa tenga niya at bumulong, "Malay mo si Yuhan na pala 'yon."
Agad niya akong hinampas-hampas kaya lumayo ako. Tumawa lang ako at gano'n rin si Yuhan.
'kala niya talaga alam niya ang sinabi ko. Go with the flow lang talaga si Yuhan. >∀<
"Aysus Ky, para makalimutan mo siya makipag-date ka. Ito oh, date kayo ni Yuhan." sabi ko habang nakangiti ng malaki. Hihihi, ewan ko ba para sa'kin kasi ang sarap asarin itong si Kyline. At saka bagay naman sila ni Yuhan pero wala akong nakikitang spark. Tsk tsk, wawang Kyline.
"Manahimik ka nga. Kung irereto mo ko, wag naman sa taong matalino. Hindi 'yon bagay sa'kin." sabi ni Kyline at nagcross-arm. Tumawa lang ulit ako, bigla namang nagsalita si Yuhan.
"At saka may iba akong gusto at siya lang ang gusto kong i-date. Naghahanap lang ako ng tyempo na tanongin siya pero mukhang lagi siyang busy." natahimik ako sa sinabi. Nagkatinginan kami ni Kyline, tinignan ko si Yuhan at nagulat ako nang malaman kong nakatingin rin siya sa'kin. Napaiwas nalang ako ng tingin nang bigla siyang ngumiti.
"Sana nga magustuhan niya rin ako."Napakagat ako sa labi ko.
Ano ba 'to.
Bakit saakin siya nakatingin?
Ako ba 'yong tinutukoy niya?
Pero imposible 'yon.
Waahh! Ang awkward naman nito.
... ...
Pagkalabas ko ng school, agad na akong umuwi sa apartment. Nung una ayaw pa ni mama at dahil pinanganak akong malambing napa'oo' ko siya.
Pagpasok ko sa loob ay may ilaw na maliban sa kusina at kwarto.
Waah! Na miss ko 'to, lalo na yung sofa ko na tinitirahan na ng mga alikabok. Nilibot ko ang tingin at ang tahimik.
Nasan kaya siya?
Namiss niya kaya ako?
"Shim?"
BINABASA MO ANG
Me The Tibo And My Unexpected Ideal Guy
Teen FictionKakaibang astig , kacornihan ,kalibugan, asaran, kahayupan nina Shiminy at Miles. [[ Me The Tibo and My Unexpected Ideal Guy ]] Basahin niyo nalang para masaya (^-^)v