Chapter 11

418 13 0
                                    

Shiminy's Pov;

"Shim" bigla tumayo ang balahibo ko nang marinig ang boses ni Miles.

Nilingon ko siya na nakahiga sa tabi ko.

"B-bakit?" utal kung sabi.

"Di ako makatulog." mahina niyang sabi.

"Mas mabuti pa yun kaysa di ka na makadilat." tugon ko.

Hindi na siya nagsalita.

Siguro tulog na ang mokong.

"Ayaw kitang mawala."

Napakagat ako sa labi ko nang bigla ko iyon naalala nung lunes.

Tinignan ko yung tabi ko at nakita ko siyang nakatalikod sakin.

Bakit kaya napadpad to siya sa section namin, base sa sinabi ni ma'am matataas yung grades niya e bakit hindi siya nilagay sa section Diamond. Hindi ko naman sinasabi na mga bobo ang sectiong Gold, sa katunayan nga pangalawa ito sa pinakamataas na section. Napadpad lang naman ako sa section Gold dahil sa galing kung kumopya at dumiskarte. Sinasabihan pa nga ako ng iba na sipsip. Sarap murahin harap harapan, kasalanan ko ba na favorite ako ng mga teachers namin.

Tumingin ako ulit sa katabi ko. Napabuntong hininga nalang ako.

Hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi niya, pero pag naaalala ko yun parang ang gaan sa feeling.

Bumuntong hininga ulit ako.
Ako na tuloy hindi nakatulog bwesit.

"Miles oy, gising ka pa?" bulong ko at tumagilid, kaharap ko ngayon ang likod niya.

"Bakit?"

Bigla naman ako nataranta sa gulat.

"Uhm... Diba may girlfriend ka, alam ko namang meron tinatanggi mo lang nahiya ka pa, so anong pangalan?"

Di siya sumagot.

"Oy"

"Bakit?" tanong niya.

"Sagutin mo ko ."

"Bakit"

"Puro ka bakit, wala ka na ba ibang salitang alam" irita kong sabi sa kanya.

"Wala akong pake."

"Tsk, ewan ko sayo "

"Okay." halata sa boses niya ang di pagkainteresado.

"Oy bilis na sino? Gusto ko lang malaman." pamimilit ko.

"Wala nga." nagroll eyes lang ako.

"Bilis na."

"Wala nga, kung gusto mo ikaw nalang."

Napatikom naman ako nang bibig.

Putik napatahimik ako dun ah.

"Psh!" bumuntong hininga ako."Hindi ka ba naaawa sakin? Bigyan mo naman ako kahit isa lang." dagdag ko sa nagtatampong boses at sinisipa ang paa niya.

Napatigil ako nang bigla siyang gumalaw at lumayo ng kunti sakin.

"Matulog na tayo, may pasok pa bukas." napakakalmado niya grabe. Boring talaga ng buhay neto.

Sumunod nalang ako sa kanya at tinaas ang kumot.

Tinignan ko ulit si Miles na hanggang ngayon ay nakatalikod parin sakin.
Tahimik na,wala nang ibang ingay maliban sa aircon.

Mulat na mulat pa ang mata ko at wala pang planong pumikit.

"Ahy! Bakit di na ako inaantok." sabi ko at sinasambunutan ang sarili.

Nabigla ako nang humarap siya sakin. Nagkatitigan kami ng ilang segundo hanggang sa humapdi yung mata ko.

Taena! Paepal naman to! Feeling ko tuloy maiiyak ako.

Napaatras naman ako ng bigla siyang lumapit sakin at niyakap ako.

Napalunok ako bigla. Whoo! Jusko! Puso ko wag kang mag-abnormal itatapon kita sa southkorea .

"Matulog na tayo." mahinang sabi niya at hinigpitan ang yakap.
Hindi ko napansin nakatulog na pala ako.

Me The Tibo And My Unexpected Ideal GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon