Shiminy's Pov ;
Habang naglelesson si Ma'am, inuobserbahan ko lang ang hinayupak. Taenang yan sino siya para pahiyain niya ako ng ganun. Kapal ng muks niya ha.
Tinignan ko lang siya. Mula kanina di ko siya nakitang gumalaw at naririnig magsalita. Siguro naestatwa na sa upuan toh.
Dumating ang break time dun na siya gumalaw. Nagulat pa ako nung pagkagalaw niya. Nakita kung kinuha niya yung bag niya at naglakad patungong pinto.
Alanganin nalang akong napatitig sa kanya habang naglalakad papuntang pinto. Yung mga kaklase naman namin nagpipigil ng tili pagnadadaanan ng hinayupak.
"Suplado na nga masungit pa." bulong ko.
"Diba parehas lang yun?" agad namang sabi ni Kyline sa likod ko.
Umiling nalang ako sa kaslowan netong bruha nato.
Pagkalabas namin ng room ay nakita namin siyang nakatayo sa hallway. Napangisi nalang ako, panigurado di niya alam kung saan yung canteen.
"Oy Miles Ashton Argones!" tawag ko sa buo niyang pangalan. Sinikuhan naman ako ni Kyline.
"Watch me." bulong ko kay Kyline at tumingin sa hinayupak. Lumapit kami.
"Pupunta ka sa canteen? Kung gusto mo sabay ka nalang samin. Nakakaawa ka kasi para kang bata na nawala mall." sabi ko at nilabas ang malaking ngiti.
'Huh! Kala mo magpapatalo ako sayo. Ganti ko yan sa sinabi mo sakin kanina.'
Sabi ko sa isip ko sabay tawa na malademonyo.Tinignan niya lang kami at nginitian.
"No need, alam ko kung nasaan , wag kang mag-alala" sabi niya sabay tingin sakin. Bigla akong napaatras ng lumapit siya sakin.
" Hindi na ako bata, alam ko na kung saan ako pupunta" sabi niya at ramdam na ramdam ko ang pagtama ng mainit niyang hininga sa balat ko.Para akong atakihin sa ginawa niya.
Natatawang lumayo siya sakin sabay talikod samin.
What the- anyare?
Nakanganga akong napatingin kay Kyline.
"Burn now baby burn." kanta niya.
Di ako makapaniwala sa ginawa niya. Putspa wala pang gumawa sakin ng ganun siya pa lang.
Napahawak ako sa dibdib ko.
Taena lakas ng kabog ng puso ko pakshit."Let's just stay away from him kung di mo kayang magtimpi." sabi ng katabi ko.
Tumayo ako ng deretso at inayos ang paglagay ng bag sa likod .
Naglakad na kami papuntang canteen. At di parin mawala sa isip ko yung nangyari kanina.
-----
Naglakad na ako pauwi ng may naalala ako.
"Yung pinapabili pala ni mama muntikan ko ng makalimutan."
Agad akong pumunta sa malapit na grocery store. Habang namimili ako ng bibilhin biglang may nakasabay ako sa pagkuha ng isang natitirang delata ng CDO cornbeef.
Agad naman kaming lumayo.
"Sayo nalang yan." nahihiyang sabi ko. Kasi baka magandang babae yung nakasabayan ko nakakahiya naman kung normal na boses ko ako magsasalita baka matakot pa siya at lumayo sakin.
"Di ok lang, ikaw yung unang nakahawak kaya sayo na." pagkarinig ko ng boses. Agad bumagsak ang dalawang balikat ko. Putek lalaki pala to. May hiya hiya pa akong nalalaman kanina. Hay umasa na naman ako.
BINABASA MO ANG
Me The Tibo And My Unexpected Ideal Guy
Teen FictionKakaibang astig , kacornihan ,kalibugan, asaran, kahayupan nina Shiminy at Miles. [[ Me The Tibo and My Unexpected Ideal Guy ]] Basahin niyo nalang para masaya (^-^)v