Chapter 21

432 14 0
                                    

Shiminy's Pov;

Lumabas na ang nurse kaya kami nalang dalawa ni Miles ang natira.

"Ok ka na ba?" tanong niya.
Hindi ko siya sinagot. Iniba ko ang direksyon nang ulo ko.

"Hey." tawag niya sa'kin.
Hindi ko pa rin siya sinagot.

Ewan ko ba bigla-bigla nalang ako naiinis  kapag may kausap siyang iba lalo na't babae.

"Hey, talk to me." sabi pa nito, kaso hindi ko parin siya kinakausap nor tinitignan.

"Kakausapin mo ko o iiwanan kita mag-isa dito."

At dahil sa sinabi niya ay hinarap ko siya. Wala naman akong magagawa, ayaw kong maiwan  mag-isa sa clinic. Nakakatakot.

"Ano bang problema mo?" tanong ko sa kaniya na may pagkasigaw.

"Wala naman akong problema, baka ikaw ang may problema." sabi naman niya.

Bumaling ako ng tingin sa ibang direksyon.

"Wala akong problema." mahina kong sabi.

" 'Yon naman pala e. Bakit hindi mo ako sinasagot?"
Lumapit siya saakin, lumayo ako dahil ilang cm. nalang ay didikit na siya sa hinihigaan ko.

"Wala." 'yon lang ang sinagot ko.

"SHIM!"

"Ano ba! Wala nga akong problema. Pakialam ko ba na nag-uusap kayo nang nurse na'yon. Pakialam ko ba na baka naglandian pa kayo, bago kayo dumating. Pakialam ko ba na lagi siyang dikit ng dikit sayo. Pakialam ko ba sa inyong dalawa. Kaya wala akong problema , ayan masaya kana?!" bigla kong nasambit. Tinignan ko siya. Nakita ko namang agad na sumiryoso ang mukha niya.

"Tapatin mo nga ako. Nagseselos ka ba o naiinggit? Kasi sa inaasta at pananalita mo parang dalawa yung sagot." deritsong tanong niya na may halong tawa at inis na pagkakasabi.

Hindi ko siya sinagot.

Hindi ko na kasi alam kung ano ng sasabihin ko. Parang ayaw ng bumuka ng bibig ko.

"Sagutin mo ko."

Hindi pa rin ako nagsasalita.

"Iyan ang hirap sayo. Ang dami mong sinisikreto. Pati yang sakit mo hindi mo sinasabi."

Tahimik lang ako habang pinapakinggan siya.

Pakialam ba niya na may sakit ako.? Hindi ko naman inutos na dalhin niya ako sa clinic. Bakit , alam ko ba na hahantong sa ganito? Kung umasta siya para siya 'yong tatay ko.

"Aalis na ako." rinig kong sabi niya. Pumikit ako. Rinig ko ang yabag nang paa niya at hula ko na papunta iyon sa pinto.

Agad kong dinilat ang mga mata ko at nilingon siya.

"Huwag!" wala sa sariling nasambit ko.

"Ha?" nagtatakang tanong niya.

Para naman akong na stroke dahil sa hindi nakakilos. Saglit akong umubo at tinignan uli siya. Bakas sa mukha niya ang pagtataka. Iniwas ko rin ang tingin ko at tumingin sa bintana na nasa gilid ko lang.

Kahit ako nagtataka kung bakit ako nagkakaganito. Kapag malapit siya, para akong sumisigla. Minsan nga napapaisip ako na uminom ba ako ng enervon sa sobrang kasiglahan . May araw rin na kapag may kasama siyang iba at hindi niya pinapaalam sa'kin kung sino ay bigla-bigla nalang akong maiinis o magagalit, na isa rin sa pinagtataka ko. At yung kakaibang pakikitungo niya saakin na hindi pa niya ginagawa sa iba , maski sa girlfriend niya ay nakakapanghina sa'kin ng biglaan.

"H-ha? A-ano wag mo akong pansinin."

"Pa'no wag kitang pansinin e may sakit ka."

Napayuko ako. Pansin ko sa boses niya ang labis na pag-aalala. Palihim akong napangiti dahil kahit papaano ay concern siya sa akin.

Me The Tibo And My Unexpected Ideal GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon