Shiminy's Pov;
Natanaw ko si Miles sa malayo. Bigla namang lumiwanag ang diwa ko. Ngumiti ako at tatawagin siya nang bigla akong naunahan.
"Miles, nandyan ka na pala. Bakit ka nandito? Dito ba daan papunta sa tinutuluyan mo?" masayang sabi ni Alysa at tumakbo papunta kay Miles.
Tinikom ko nalang ang bibig ko.
Nakita ko namang yumakap si Alysa kay Miles at ganun din ginawa nang mokong.
Tsk. Batuhin ko 'tong mga 'to ng bote e.
"Ano ginagawa mo dito?" tanong ni Miles na ngayon ay nakatingin kay Alysa.
Mmph! Tignan mo rin kaya ako , hindi lang siya.
"Nag-uusap lang kami ni Shiminy, at alam mo miss na kita agad." sabi ni Alysa at nagpacute.
Haynaku, pweh! Nasusuka ako.
"Yeah, umuwi ka na , pagabi na." sa may pagka-tonong concern ni Miles.
Hay, puro kacornihan yung lines niyo! Magpatawa naman kayo , yung makaliwanag buhay na linya. Tulad nito, ' Walang Pasok Bukas '.
"Ok, basta ingat ka, wag kang magpapagutom ok?" Tumango si Miles. Napapahikab nalang ako , ano ba'to ? Eksenang mag-ina?
Napa-ikot nalang ang mata ko nang makita kong niyakap ni Alysa si Miles at hinalikan sa pisngi.
"Alis na ako baka nandoon na yung driver ko. Bye Miles." paalam ni Alysa. Ako naman halos makatulog sa kacornihan nang dalawa.
"Bye Shiminy." para naman akong nagising ng marinig ko ang aking my precious name.
Ngumiti ako at tinanguan siya.
Umalis na si Alysa at kami nalang naiwan ni Miles."Hoy, tagal mo ah." reklamo ko.
Bumuntong hininga siya.
"Anong pinag-usapan niyo?"
Okay, seryoso niya grave.
"Wala, yung talambuhay nung naging kayo ."
"Pinakinggan mo?" tanong niya sa bored na boses. Naglakad na siya kaya sumunod ako.
Tumango ako.
"Oo, mabait kasi ako at nandoon ka. Alam mo namang mahal kita diba.?" joke ko."Talaga?" nakita ko siyang ngumisi.
"Joke lang syempre." sabi ko at napaatras.
Agad namang sumiryoso ang mukha niya.
...
Umuwi ako na mag-isa sa apartment. Langhiya, naghintay pa ako sa kaniya sa school tapos uuwi lang pala ako mag-isa, edi sana iniwan ko nalang siya sa school, kaburaot . Tsk! Inuuna niya pa yung 'Important Thing' na sinasabi niya kaysa sakin.
Minsan talaga naguguluhan na ako sa sarili ko. Bigla-bigla nalang kung ano sinasabi.
Wala akong ginawa kundi ang manood lang ng tv. Wala namang assignment kaya walang problema.
Tinignan ko ang orasan. Alas-otso na ng gabi. Di na ako kumain dahil tinatamad akong magluto , kumain naman ako ng lugaw diyan sa gilid-gilid bago umuwi.
At hula ko na uuwi si Miles mga nine na nang gabi. Paano ba naman kasi, mukhang busy talaga ata siya, alas-otso na wala pa.
...
Halos makatulog ako sa kakahintay sa kanya sa sala. Putspa! Alas- dyes na nang gabi wala parin siya.
Inangyan, saan kaya yun siya nagsusuot? Nakatulog na ata yun sa kalsada e.
BINABASA MO ANG
Me The Tibo And My Unexpected Ideal Guy
Teen FictionKakaibang astig , kacornihan ,kalibugan, asaran, kahayupan nina Shiminy at Miles. [[ Me The Tibo and My Unexpected Ideal Guy ]] Basahin niyo nalang para masaya (^-^)v