Chapter 19

389 13 0
                                    

Shiminy's Pov;

"M...Miles." nanginginig kong sabi sa pangalan niya.

Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga , habang nakayakap parin saakin.

Para akong matutumba sa ginagawa niya. Palakas ng palakas ang tibok ng puso ko. Bigla nalang nablanko ang isip ko. Inangyan! Shim! Gumising ka!

Para akong aatakihin ng halik-halikan niya yung back side ng leeg ko.

Wooh! Pigilin mo siya. Shim sabihin mo, Stop Go away!! Rain rain go away come again another day. Okay ang corny ko na.

"M-miles, may girlfriend ka na." biglang bigkas ko.

Teka, mukhang mali ata yung sinabi ko.

Napatigil naman siya at lumayo sakin pero lumapit siya ulit.

"And so? I don't care." bulong niya at inamoy ang leeg ko.

Taena! Para na akong sasabog.

Waah!! Lord patawad , kung ako'y makasalanan , makasalanang nilalang. Ay teka, tama ba lyrics ko?

"Shim, wag mo siyang isipin. Ang isipin mo ay tayo."

Agad na namang lumambot yung tuhod ko dahil sa maiinit niyang hininga.

Taenamoka Miles!! Walang tayo,
Pelengero!!

Wala akong ibang naririnig kundi ang  paghinga niya at ang mabilis na tibok ng aking puso. Parang feeling ko tuloy nakasakay ako sa rollercoaster at bababa galing sa pinakatuktok.

Asong malupet nga naman ooh. Bakit ba ito nangyayari sakin. Ganoon na ba ako kasama? Langhiya ka Shim, gumalaw ka naman. Isipin mo yung mga babae na may naglalakihang boobs, hindi yung ginagawa ng lalaking 'to, Jusko.

Mabagal kong iniangat ang kamay ko at nakapikit na humarap sa kaniya.

Nang sigurado na akong nakaharap na ako ay agad-agad ko siyang tinulak nang malakas.

"INAMO!!!! HINDI TAYO TALO!!!" Sigaw ko.

Parang biglang kinuryente ata yung utak ko kaya ginawa ko yun.

Dahil nakapikit ako di ko nakita ang ekspresyon niya.

Dali-dali akong lumabas ng kwarto at kinuha ang cellphone sa bag ko at lumabas ng apartment.

Heto ako ngayon sa bahay ni Kyline. Nakahiga sa kama niya. Pagod kasi ako, dakila talaga kasi akong tanga, nakalimutan kong kunin yung pitaka ko sa cabinet. Kaya ayon nilakad ko mula apartment hanggang dito kila Kyline.

Hindi ko rin maintindihan kung may saltik ba talaga si Miles sa utak.

Sobra-sobra na kasi yung pangtr-trip niya sakin. Pati feelings ko nadadamay, nalilito na. Pati tuloy ako nalilito na rin.

Haynaku, grabe na yung pambubully niya, isusumbong ko talaga siya kay mama.

Pero yung ginawa niya na nakakakuryente. Pati cells ko sa katawan apektado.

Tumagilid ako sa pagkakahiga.

Lumalambot na ba ako?
Bakit ang lakas nang apekto niya sakin?
Bakit ganoon? Hindi Pwede Mga Tol!

Dalawang araw ang lumipas ay kinalimutan ko na ang nangyari.

Mabilis lang ako makalimot lalo pag may nagpapasaya saakin at yun ay ang - alam niyo na yun. Masyado na kasi akong  honest kaya di ko na sasabihin sa inyo, kayo nalang mag-isip.

Lunes nang umaga , nakaupo ako sa sala at hinihintay si Miles.
Humiga muna ako dahil parang nag-iba ang pakiramdam ko.

Pagkabukas ng pinto ng kwarto ay agad ko siyang sinalubong.

"Tara sabay tayo." sabi ko.

Napako ang titig niya sakin. Magsasalita pa sana ako ng banggain niya ako sa braso at naglakad. Muntik pa akong matumba pero napigilan ko iyon.

Agad ko naman siyang hinabol.

Nang makalabas na kami ay wala kaming imikan hanggang sa makarating kami sa school, at para akong magkakasakit dahil mas lalong nag-iba ang pakiramdam ko at sumakit ang ulo ko.

Habang naglalakad kami sa hallway ay pagiwang-giwang akong nakasunod kay Miles. Parang lumabo bigla ang paningin ko.

Napahinto ako sa paglalakad at napahawak sa pader sa isang room.

Ramdam kong nag-iinit ang katawan ko at sobrang lamig ng kamay ko. Nahihilo na rin ako at mas lalo pang sumakit ang ulo ko.

Huwag naman ngayon!

"Okay ka lang?" rinig kong tanong.

Napatingin naman ako sa harapan ko at nakita ko si Miles . Nakita ko naman sa mukha niya ang pag-alala.

Napapikit ako. Imposible 'yon.

Tinanguan ko lang siya at nginitian. Tumayo ako ng deritso kahit ang hirap gawin.

"Ok lang ako." sagot ko sa kaniya.

Nang makita ko siyang tumalikod ay pinikit ko uli ang mga mata ko.

Hindi ako ok.

Bakit hindi ko kayang sabihin iyon sayo.

Muli kong dinilat ang mga mata ko at medyo nagdidilim na ang nakikita ko. Wala na masyadong kulay ang mga tao, kahit ang paligid ko.

Napansin kong malayo na siya kaya tumakbo ako para habulin siya kahit nahihirapan na ako.

"H-hintay!!" sigaw ko sa kaniya.

Mahahawakan ko na sana siya nang bigla na akong natumba. Hindi na kaya ng mga paa ko. Akala ko sahig na ang sasalo sa'kin pero mali ata ako.

Isang matipunong braso ang sumalo sa'kin. Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko si Yuhan. Anong ginagawa niya dito.

Bakas sa mata niya ang pag-alala. Nakita ko naman sa peripheral view ng mga mata ko ang nakaigting na mga panga at sobrang talim na mga mata ni Miles na papalapit sa'min.

Pinikit ko muli ang mga mata ko.

Bakit ganoon nalang ang ekspresyon niya. Bakit parang galit siya. Dapat nga matuwa pa siya.

Hinigpitan ko ang hawak ko sa polo ni Yuhan nang maramdaman kong parang binibiyak ang ulo ko.

"Ang init mo, nilalagnat ka. Dadalhin kita sa clinic." rinig kong sabi ni Yuhan. Bubuhatin na sana niya ako nang biglang may nagsalita.

"Back off, I will the one who will bring her in the clinic." rinig kong sabi ni Miles.

Me The Tibo And My Unexpected Ideal GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon