Chapter 25

642 17 10
                                    

Shiminy's Pov;

"Haaayy!"

Ano bang nangyari kanina. Hindi ko talaga maintindihan. Nababaliw na ata siya. Kung ano-ano nalang sinasabi.

"Don't leave me."

Napalunok nalang ako habang inaalala ang mga nangyari kanina.

Flashback:

"Don't leave me again." ang bulong saakin ni Miles. Masasabi ko sa tono ng boses niya ang lungkot. Hay, nalulungkot rin tuloy ako.

Teka. Nalulungkot ba siya dahil na miss niya ako?
Eiiii, nemen ehh~

"Miles, a-ano ba yang pinagsasabi mo. Papasok lang ako ng maaga-" napahinto ako sa pagsasalita nang higpitan niya lalo ang pagkakayakap niya sa'kin. At heto na naman ang puso ko.

"Sorry." ang bulong niya ulit saakin. Naramdaman ko ang pagluwag ng yakap niya sa'kin at nadismaya ako ng kunti dun. Dahil na rin sa nagtataka ako ay agad akong tsumempo na humarap sa kanya. Bago pa ako makaharap talaga ay agad niyang iniyuko ang ulo niya.

Hay. Curious na talaga ako.
Ang lungkot ng baby ko. Ay, malungkot na rin ako.

Tinanggal na niya ang pagkakayakap sa'kin at mas lalo akong nalungkot.

"Miles. May problema ba?" ang na itanong ko. Ayaw ko kasi na ganyan siya. Hindi ko mapigilang mag-alala sa kaniya, lalo na't nagustuhan ko na siya. Ayaw ko pa naman nalulungkot ang mga taong mahalaga saakin.

"Miles?" tawag ko ulit sa kaniya.

"Wala akong problema. Sige umalis ka na hindi rin ako makakasabay sayo kasi may pupuntahan pa ako." ang sabi nito sa magaspang na tono at tumalikod saakin. Napansin ko namang namula ang ilong niya.

Teka, umiiyak ba siya?

Bakit?

"Miles, umiiyak ka ba?"
Hahawakan ko na sana siya sa braso nang naglakad na siya palayo sa'kin. Nagtungo siya sa kama at kinuha ang bag niya.

"Hindi." mahina at malamig niyang sagot saakin. Bigla namang sumakit ang dibdib ko at bumigat ang naramdaman ko.
Naglakad siya papunta sa'kin. Habang papalapit siya saakin ay hindi ko mapigilang umasa. Umaasa na yakapin niya ako o hahalikan sa noo ngunit agad bumagsak ang mga balikat ko nang lagpasan niya ako at hindi man lang ako tinignan.

"Una na ako." ang huling sabi niya bago naglaho sa paningin ko. Nakatikom lang ang bibig ko at tumingin sa pinto.

"Hindi man lang niya hinintay ang reply ko."

Hinimas ko ang noo ko.

"Ni hindi man lang ako hinalikan."

Umasa pa naman ako.

Hay. Kainis. Nakalimutan ko na naman na may girlfriend na pala siya.

End of flashback:

Napakamot nalang ako sa ulo at bumuga ng hangin.

"Mas nauna pa siyang umalis kaysa sa'kin. Tapos may papigil-pigil pa siyang nalalaman sa una,iiwanan niya rin lang pala ako. Haayy! Umaasa talaga ako eh! Ba't niya pa kasi ako niyakap kung wala naman palang kiss. Kainis. Kulang nalang ngumuso ako para malaman niya eh. Hay! Nang-gigigil ako. Sipain ko siya eh."

Tumahimik ako ng ilang segundo bago nagsalita ulit.

"Ano bang ibig sabihin ng sinabi niyang 'don't leave me again'. Iniwan ko ba siya dati? Paano ko ba siya iniwan? Naging kami ba? Ba't wala akong maalala. Sino nakipagbreak sa'ming dalawa? Ako ba? Pwes makikipagbalikan ak- Araaayyy!! Maryusep!!!" napahiga ako sa daan dahil sa sobrang lakas ng pagkabangga sa'kin.

"Hala. Sorry, nagmamadali kasi ako. Hindi ko alam na nandyan ka. Hindi ko talaga sinasadya. Sorry, mi- Yizumhi?"

Napatingala ako at nakita ko si Yuhan. Hingal na hingal at naligo na sa pawis.

Siraulo talaga 'to siya, naghahanap ba siya ng away. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Siraulo ka talaga. Sa dinami-dami na pwede mong banggain, ako pa? Alam mo ba kung gaano kalayo ang nilipad ko sa pagkabangga mo sakin. Bali na ata 'tong buto ko eh." sigaw ko sa kaniya.

Nalungkot naman ang mukha niya at para bang naguilty siya .

"Sensya na talaga. Hindi kasi kita nakita eh. Tulungan na kita." ang sabi niya at hinawakan ang braso ko para tulungan akong makatayo. Napangiwi ako dahil sa sakit at hapdi sa may tuhod at hita ko.

Nagkasugat ata ako. Shit.
Di tuloy ako makatayo ng deritso.

"Get out of my way you ugly trash!!" napalingon kami sa likuran ko at para bang nagrarambulan ang mga tao sa banda run. Tatanungin ko na sana si Yuhan kung anong nangyari nang bigla niya akong itapon sa balikat niya. Nagulat ako at hindi nakagalaw.

"Yah! I-ibaba mo 'ko, baliw!" sinisipa ko siya pero nagulat nalang ako nang hampasin niya ang pwet ko. Agad nag-init ang mukha ko.
"Anong ginagawa mo. Manyak ka! Pag-nakababa talaga ako susuntukin ki-woahh!" para akong nahilo nang gumalaw na siya at tumakbo.

"Calm down, ibababa naman kita pag nakalayo na tayo sa kanila." sabi niya at hinigpitan ang pagkakahawak niya sa'kin sa isa niyang kamay. Ako naman ay halos masuka na at nakakain ko na ang buhok ko. Nalalasahan ko ang shampoo, bwesit.

"S-sino ba yu-u-u-un?" paputol-putol kong tanong dahil sa pagtakbo niya.

"Hindi ko rin kilala." Yuhan.

" Ha!? E, ba't k-a hina-habol?" Ako.

"Natapunan ko kasi yung girlfriend niya ng coffee at sakto naman sa dibdib ng babae natapon... Ako naman medyo nataranta kaya agad ko iyon pinunasan at sakto rin na dumating 'yong lalaki at ayon hinabol niya ako."

Napailing nalang ako. Parehas na parehas talaga sila ni Kyline. Bakit ayaw pa kasi ng dalawang 'tong magsama halata namang bagay talaga sila eh.

Minalas ata talaga ako ngayong umaga. Una, parang nagalit saakin si Miles. Hindi ko naman alam kung bakit. Pangalawa, binangga ako ni Yuhan at hinampas niya ang pwet ko, manyak siya. At pangatlo, nagkasugat pa ako, kainis. Takot pa naman ako sa dugo.

...

Ilang minuto ang nakalipas na kakatakbo ay nakarating na rin kami sa loob ng school.

Yes. Sa loob ng school. Binuhat niya ako ng ganoon hanggang sa loob. Nakakahiya dahil pinagtitinginan kami ng mga tao. May mga nagbubulungan at tumitingin sa'kin ng masama.

"May plano ka pa bang ibaba ako. 'Yong balikat mo kasi parang sinasaksak yung tiyan ko." reklamo ko. Binaba na niya ako sa harap niya. Biglang namang sumakit yung tiyan ko at na out of balance ako. Nahawakan naman agad ako ni Yuhan at inilapit niya ako sa kaniya.

Nanlaki ang mga mata ko at nagkatitigan kami. Napansin ko na lumalapit ang mukha niya saakin. Itutulak ko na sana siya nang may tumawag sa'kin. Napatingin ako kung saan nanggaling ang boses at nakita ko si Miles.

Agad bumilis ang tibok ng puso ko. Para bang nakikipaghabulan ako sa mga kabayo sa sobrang bilis nito. At agad sumigla ang pakiramdam ko ng makita ko siya.

"Miles." ang masayang tawag ko sa kaniya.

"Ano 'yang ginagawa niyo?"

Bumagsak ang ngiti ko nang makita ko kung paano kumunot ang noo niya, nag 'v' ang kilay niya , tumalim at sumama ang tingin niya sa aming dalawa.

Tinulak ko si Yuhan at hinarap siya.
"M-miles. Ma-mali 'yang iniisip mo. Na out of balance ako. W-walang ma-" naputol ang sasabihin ko nang may tumawag sa kaniya.

"Miles, babe." napatingin ako sa likod ni Miles at nakita ko si Alysa. Agad ako nakaramdam ng inis at lungkot nang pumulupot ang kamay ni Alysa sa braso ni Miles.

"Sorry I was late, babe. I hope na hindi ka nag-antay ng matagal." ang sabi ni Alysa at hinalikan niya si Miles sa pisngi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Me The Tibo And My Unexpected Ideal GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon