Shiminy's Pov;
Pagkagising ko ay ngiti agad ang gumuhit sa aking labi ko.
Ngayon ay Friday at walang pasok dahil may pupuntahan ngayon ang mga teachers sa...di ko alam kong saan.
Tumingin ako sa ceiling fan. Di ko maiwasang mapangiti dahil nasa bahay ako ngayon.
Yes, bahay. Umuwi kasi ako nung kagabi na walang paalam kay Miles. Psh! Kasalanan ko ba na wala siya sa apartment tsaka wala akong number niya, ayaw kasing ibigay. Loner talaga.
Dahil masaya ako, masigla akong bumangon at nagstretching. Binuksan ko ang bintana ng kwarto para lumanghap ng sariwang hangin.
Pero pagkabukas ko ay sakto namang dumaan ang truck ng basura.
"Pweh! Ambaho! Taena!" muntik na akong matumba sa baho. Kabwesit muntik nang masira araw ko dun ah.
Agad akong tumalikod dahil naamoy ko parin ang baho ng basura. Pumunta nalang ako sa banyo-slash-cr ko para mag-toothbrush at maghilamos. Pagkatapos ay bumaba na ako.
Pagkababa ko ay sakto namang pagkalabas ni Mama sa kusina.
"Yow, Ma." bungad ko.
"Oh? Nak. Good morning, kumain ka na. May piniritong itlog dyan at hotdog." sabi niya na nagwawalis.
"Si Shainy?" tanong ko na nakaupo na.
"May pasok sila, alam mo namang elementary yun."
Tumango ako.
Kumain na ako , isusubo ko na sana yung kutsara na may lamang kanin nang magsalita si mama.
"Yung papa niyo , bibisita raw siya dito sa pasko." biglaang sabi ni Mama.
Napatigil ako.
Papa?
Tsk! Baka papa ni Shainy.
Ang sinasabi kasi ni Mama na papa ay kay Shainy. Wala na akong papa, nabangga ang sinasakyan niyang bus pauwi. Sa una di ko tanggap na wala na si papa , mga ilang linggo dumaan ay natanggap ko na rin kasi ayaw ni papa na nakikita akong malungkot. Si mama naman halos mag-iisang taon bago tinanggap na wala na si papa.
Nag-t-trabaho ako noon para may pangdagdag pambili sa mga kakailanganin.
8 years old ako nung namatay si papa at nung nagsimula akong magtrabaho. Nagtitinda ako ng mga bananaque,turon at pancake. Tinitinda ko iyon sa eskwelahan nang patago. Sakto naman kasi na sunod-sunod ang bayarin kaya pati ako nagtatrabaho na. Naging ok ang mga araw, linggo , buwan at taon na lumipas, hanggang sa isang araw , dumating si mama na may kasamang lalaki. Akala ko friend lang siya ni Mama ng biglang.
"Shim anak , si Martin , magiging papa mo na siya simula ngayon."
Biglang tumigil noon ang mundo ko. Nagalit ako kay mama at sa kasama niya. Dahil dalawang taon palang nung namatay si papa.
Tahimik lang silang dalawa hanggang sa sumigaw si Mama.
"Buntis ako at si Martin ang ama. Ayaw mo ba nun Shim? May kapatid ka na!!"
Napatahimik ako. Di ko namalayan na umiiyak na pala ako.
Nagkulong ako sa kwarto ng ilang araw. Minsan naririnig ko si Mama na umiiyak. Pero di ko yun pinansin.
Isang araw, lumabas ako ng kwarto para kumuha ng pagkain. Pagkalabas ko sa kusina bigla akong nakarinig ng sigaw. Nataranta ako at agad pumunta kung saan galing ang ingay.
Pagkarating ko ay nakita ko si mama. Nakaupo siya , nakasandal sa sahig, umiiyak at sumisigaw. Tumingin siya sakin. At kita ko sa mukha niya ang takot. Bigla niyang tinaas ang isa niyang kamay at laking gulat ko nalang na balot iyon ng dugo.
"S-shim, h-humingi ka nang t-t-tulong." para akong naging bato nang makita ko si mama na ganoon.
Simula nung dinala si Mama sa ospital ay tinanggap ko na ang relasyon nila , pati nayung anak nila na kapatid ko na ngayon.
Pero may halong galit parin ang nararamdaman ko. Dahil noong araw na pinanganak si Shainy ay sinabi ko kung sino at ano talaga ako. Tinanggap iyon ni Mama pero yung kinakasama niya ay hindi. Hindi niya ako tanggap , ayaw niya sa mga tomboy na katulad ko, kaya galit ako sakanya. Ayaw ko kasi sa mga taong hindi ako tanggap.
Hindi nga ako sumipot sa kasal nila dahil ayaw kong makita si mama na ikakasal siya sa lalaking yun.
Gamit ko parin ang epilyedo ni Papa. Ayaw ko kasing palitan , wala naman akong ibang ama kundi yung dating asawa ni mama.
BINABASA MO ANG
Me The Tibo And My Unexpected Ideal Guy
Teen FictionKakaibang astig , kacornihan ,kalibugan, asaran, kahayupan nina Shiminy at Miles. [[ Me The Tibo and My Unexpected Ideal Guy ]] Basahin niyo nalang para masaya (^-^)v