Shiminy's Pov ;
Umupo ako sa isang bench sa likod ng school. Kakaunti nalang ang tao dahil hapon na.
Pinauna ko na si Kyline dahil sabi niya kailangan niya daw umuwi ng maaga, kaya ngayon ako lang mag-isa, hinihintay si Miles.
Sinabi niya kasi bago ako lumabas na sabay kami at hintayin ko raw siya sa likod ng school. Nagulat pa nga ako kasi first time niya yun sinabi at nagrequest.
Habang feel na feel ko yung pag-upo ko sa bench, nagulat nalang ako ng biglang may gumulat sakin.
"Hey Shiminy." Nang makita ko ang mukha ng nagsasalita para akong mabubulag sa silaw ng kagandahan.
Napaupo ako ng maayos at inayos ang gusot gusot kong uniform. Naglakad naman siya papunta sakin at umupo sa tabi ko.
Woohh! Pinagpawisan ako taena girlfriend ni Miles, di man lang ako nakapag-ayos.
"U-uhm hi?" utal ko.
"Why are you here? Where's Miles?" sabi nito at nagdequatro.
"A-ah" tumingin ako sa ibang direksyon. Waah! Juiceko! Masyado nang expose yung hita niya.
"Nasa room pa ata, cleaners kasi siya ngayon.""Wait, Naglinis siya?" tila gulat niyang sabi.
Tumango ako.
Nakita ko siyang nagpout.
"Hay ba't ba nila pinapalinis si Miles, ne hindi nga yan pinapalinis ng magulang niya e. Gosh! Pinapapagod nila siya."Nabigla ako sa sinabi niya.
Huh? Di niya ba alam, e halos si Miles yung naglilinis ng apartment namin habang ako tiggulo.Tumingin siya sakin.
"Teka, sino ka ba kay Miles? Nakakapagtaka lang, kasama ka niya kanina."Napalunok ako nang bigla siyang lumapit sakin.
"Friend kami?" agaran kong sabi at lumayo ng kunti.
Huminto siya
"Oh mabuti naman." sabi niya at lumayo. Nakahinga naman ako ng maluwag.
"Alam mo." umayos siya ng upo at ngumiti.
Shete keng bakla! Ganda ng Gf ni Miles. Di ako magsasawa na sabihin yun.
"Matagal na kaming magkakilala ni Miles, uhm since elementary ata? Hindi nga siya nagbago e. Unang kita ko palang sa kanya, masasabi ko na sa sarili ko na I want him to be mine forever. Ang cute niya kasi nun, ang cold niya din sa mga tao. Di niya nga ako masyadong pinapansin e. Mag bestfriend ang mga magulang namin at lagi ko siyang kinukulit pag nagkikita kami, hanggang sa sinabi ko ang feelings ko sa kanya. Una pa nga nun tinalikuran niya ako pero nung umiyak ako, bigla niya nalang ako niyakap at boom naging kami na. Ang saya-saya ko nung araw nayon hanggang ngayon. Ang bait-bait niya kasi at isa yun sa nagustuhan ko sa kanya."
Napatango ako at tinignan siya, nakatingin siya sa langit na parang may iniimagine.
"Nalungkot nga ako nang malaman ko na nagtransfer siya."
Pinakinggan ko lang siya.
"Ilang days siyang hindi nagparamdam sakin, walang text o tawag galing sa kanya kaya tinanong ko kay Tita kung saan siya nagtransfer and then nung sinabi ni Tita yung school na 'to, agad-agad akong nag-transfer."
Whoa! Ibang klase talaga si Miles. Pinapahabol ang magandang babaeng 'to sa kanya. Hinayupak talaga. Kung ako si Miles, sasalubungin ko siya.
"Ang galing pala nang storya niyo." sabi ko ng tapos na siyang magkwento.
"Yeah, you're right." sabi niya na nakatingala parin sa langit.
"I like him, no, I love him so much."Tinitignan ko lang siya at nakita ko sa mukha niya ang biglang pagkalungkot.
"Hindi pa nga niya ako nginingitian e."
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
Hindi pa siya nginingitian ni Miles? Imposible e ako nga nginingitian e, may dagdag pang ngisi.
Naalala ko nalang yung katawan na hinahawakan ko nung sabado. Nyeta! Pigilan mo ang pamumula Shim, di bagay sayo.
"Lagi siyang nauuna. Laging top 1 sa klase, minsan ngalang siya naging top 2 or 3, ganun siya katalino. Minsan nga nasolve niya yung problema ng kompanya ng magulang niya. Para siyang lucky charm."
Bigla namang umabot yung tingin ko kay Miles hanggang universe.
Imposible na lucky charm siya. E halos ipasumpa ko na siya sa sobrang kamalasan na binibigay niya sakin .
"Di ba magjowa kayo?" tanong ko.
"Jowa? Ano yun?" napangiwi naman ako. Di ba niya alam ano ibigsabihin ng jowa? Ganyan na ba ka inosente ang mga mayayaman ngayon?
"Jowa, yun yung tulad niyo, in relationship, mag-girlfriend at boyfriend." sagot ko sa tanong niya.
Tumango naman siya na parang bata.
"Yes , why?" Tumingin siya sakin.
"Sinasabihan ka na ba ni Miles nang I love you? O kahit anong sweet na word or phrase or sentence?"
Oha! Kahit tamad ako may natutunan parin ako sa subject na English.
Umiling siya at bigla na namang nalungkot ang mukha niya.
"Nah, di pa, sana nga sabihan niya ako nang ganun, tulad nang iba dyan."
Nagulat ako.
Sumingkit nalang ang mga mata ko.Taenang Miles na'to! Anong klaseng boyfriend siya. Di man lang niya pinapakilig itong magandang babaeng 'to. Tapos kapag sakin, kung ano-ano sinasabi.
"Ayaw kitang mawala."
Napayuko nalang ako nang maalala ko yung sinabi niya nung nakaraan.
Putakte! Ako yung pinapakilig niya e, di yung girlfriend niya. Taena ano na bang nangyayari sa mundong 'to.
"Di siya yung sweet type."
Napapatango nalang ako.So ang sweetness level nila ay nasa 50 percent lang. 49 percent kay Alysa, 1 percent kay Miles.
Tsk tsk. Wala pala siya samin e, baka nga 100 over 100 yung saming dalawa.
Napatigil nalang ako sa pag-iisip. Napalunok nalang ako at napahampas sa noo.
Ano ba 'tong pinag-iisip ko.
Nakakakilabot.
BINABASA MO ANG
Me The Tibo And My Unexpected Ideal Guy
Teen FictionKakaibang astig , kacornihan ,kalibugan, asaran, kahayupan nina Shiminy at Miles. [[ Me The Tibo and My Unexpected Ideal Guy ]] Basahin niyo nalang para masaya (^-^)v