Chapter 12

414 12 0
                                    

Shiminy's Pov;

Sabado na naman, isang boring na sabado.

"Waahh! Mama, papa, kapatid, kapamilya, kapuso at iba pa, bakit niyo ito pinadarama saakin.?" sabi ko at sumandal sa pinakamamahal kung sofa.

Dalawang linggo na ako nakastuck at nakabilanggo sa apartment nato kasama si Miles. Halos araw-araw walang ginawa kundi, magbangayan, magmurahan, kabastusan. Hindi siya naaawa sakin, masama siya masama  pa sa isang...

"SHIM!!"

"Ang kaboteng bakla!!" napasigaw nalang ako sa gulat.

Nakita ko si Miles at di na naman siya nakadamit. Halos hinahubby na niya kala niya maaakit ako! Well HINDI!! It's  a big big NO! Langawan sana siya.

"Ayusin mo nga yang gamit mo nakakalat sa lamesa." sabi niya na parang nanay.

Tinignan ko siya like Really-negga-look.

"Hay Miles di ka ba naboboringan? Amboring kaya." reklamo ko.

"Pang ilang sabi mo na yan. Manood ka nalang ng tv." simpleng tugon niya na ngayon ay nakaupo at nagbabasa.

"Aayy! Sa tv dora explorer puta ano ako bata? Puros gala naman inaatupag nun hindi nag-aaral wala ata pangarap yun e." sigaw ko.

"Pinaglalaban mo?" tinignan niya ako gamit ang blankong ekspresyon.

"Siya wala pero ako Meron Meron Meron!" sigaw ko at may paturo turo pang nalalaman.

"Ewan ko sayo, matulog ka nalang." sabi niya at balik sa pagbabasa.

Psh bookworm amputa.
Dapat kasi gumaya siya sakin Boobworm ^_-.

Yumuko ako at naghalungkat sa ilalim na lamesa. Malay niyo naman baka may makita ako tulad ng cd ng porn hihihi... Pero useless ang pagod ko, puros magazine at libro lang  ang nandoon.

"Wala kang magagawa Shim, tanggapin mo nalang na bored day ngayon " mahinang sabi ni Miles na nakatutok parin sa Libro.

"Hindi mo kase alam yung feeling ko Miles! Pweh!" sabi ko at umacting na umiiyak.

Tumigil nalang ako kasi useless rin kahit umiyak pa ako ng dugo boring  parin talaga ang araw nato.

Napaayos ako ng upo ng biglang tumayo si Miles. Nabigla ako nang lapitan niya ako at nilapit ang mukha sakin.

Putaena bakit kasi hindi to siya nakadamit.

"May iniisip ka ba Shim na gagawin?" bulong niya at naamoy ko ang mabango niyang hininga.

"Wa-wala ako isip I-I mean wala akong iniisip. La-layo layo ka nga."

Waahh!! Taena Shim! Anyare sa boses mo umayos ka nga.!

"May iniisip ka ata Shim. Ano yan masarap ba yan?" lumapit pa siya lalo  sakin at nagulat nalang ako nang bigla niya akong ikulong sa mga braso niya. Naramdaman kung dumikit ang balat niya sa balat ko.

Waaahh!! Putapete ka Miles, tatadyakan talaga kita mamaya hinayupak ka.

"Come on Shim, ayaw mo nun, mapapasigaw ka sa sarap." bulong niya ng makalapit siya sa tenga ko.

Agad akong namula sa sinabi niya.

Puta ba't niya ba to ginagawa sakin baka mamaya bibigay ako e.

Tinulak ko siya gamit ang kamay ko. At dun ko lang narealize na nakahawak ako sa abs niya.

Nagkatitigan kami habang haplos ng palad ko ang abs niya. Umiwas ako at tumingin sa harap ko.

Wala na!! Taena!! Bumigay na ako!

Diniin ko yung paghahawak ko at pinisil pisil.

Shim! Six pack abs yung nahahawakan mo ngayon!

Napakagat ako sa labi ko.

Kailan ba magiging ganyan ang katawan ko.

Hinahawak-hawakan ko parin ang kanya at pinisil pisil. At inang yan mapapamura nalang talaga ako.

"Shim? Ano gina-" pinutol ko agad ang sasabihin niya.

Tinignan ko siya ." bakit ba yan na sayo ha! Sakin dapat yan e." mangiyak ngiyak kung sabi habang sinusuntok ko na siya.

Nagulat nalang ako nang hulihin niya  ang kamay ko at nilagay iyon sa leeg niya.

Napalunok nalang ako ng ngumisi siya.

"Wag kang mag-alala, kung gusto mo 'to sayo na ako."

Me The Tibo And My Unexpected Ideal GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon