Shiminy's Pov;
" 'nak."
Pumikit-pikit ako ng biglang tapikin ako ni mama sa braso
"M-ma?" utal ko dahil sa gulat.
"Kanina ka pa tulala , may problema ba?" nag-alalang tanong ni mama.
Umiling ako.
"Mabuti naman, tungkol pala sa sinabi ko , bibisita raw yung papa niyo sa pasko para naman daw sama-sama tayo." masayang sabi ni mama.
Yumuko ako at bumuntong hininga. Tinignan ko ulit si mama.
"Ok." sabi ko at ngumiti ng pilit.
"Ok! Buti nalang ngayong pasko sama-sama na tayo, nakaraang pasko kasi hindi nakauwi papa niyo, kaya kulang tayo." sabi ni mama at tinuloy ang paglilinis.
"Pero masaya tayo." mahinang sabi ko.
"Oo nga, pero mas masaya kapag kompleto." Hindi nalang ako nagsalita, parang biglang nadikit yung dalawa kung ngipin sa sinabi niya.
"O nga pala, nalaman ko na schoolmate kayo ng karoommate mo, nakikit-"
"Classmate ko siya." putol ko kay mama.
"O talaga? Edi maganda. Magkaibigan na ba kayo? Nalaman ko rin na lalaki siya. Naku, panigurado magkakasundo kayo." mabilis niyang sabi habang tuloy parin sa paglilinis.
"Parang malabo yung panghuli ma." sabi ko at sinubo ang kalahati ng hotdog ng buo.
"Ano ka ba, syempre wala ka pa ngang isang buwan doon. Syempre naninibago pa yun. Kawawa kasi 'nak, baka walang nagkakagusto sa kanya." sabi ni mama.
Napa-ikot nalang ako ng mata.
Kung alam mo lang ma. Kulang na ngalang tatakbo siya bilang mayor sa dami na may gusto sa kanya.
"Kung inbitahin mo kaya siya para sa mamayang tanghalian" biglang sabi ni mama.
Nanlaki naman ang mga mata ko.
"Haaa!!??" gulat kong sabi.
"Naku, wag ka nang mahiya. Maligo ka na, pagkatapos mo dyan. Tatawagan ko nalang yung kaibigan ko na may-ari ng apartment, siguro naman nandoon pa yun. Ay teka ano pala pangalan nun?" tanong bigla ni mama.
"M-miles." sabi ko at biglang namula. Ewan ko ba kung bakit, parang bigla nalang ako sumigla nang maalala ko siya.
Huli na ng takpan ko ang mukha ko dahil nakita na iyon ni mama.
Waah!! Pakshet lang!!
"Oookkk, Miles pala pangalan nun. Osya, magluto ka pala muna bago maligo, yung specialty mo ha, para masaya." sabi niya sabay labas ng isang nakakakilabot na ngiti.
Napakamot nalang ako sa ulo habang naglalakad pabalik sa kwarto.
Akala ko pa naman wala munang gyerang magaganap ngayon. Minsan talaga lalo akong naguguluhan kay Miles. Nung nalaman ko na hindi pa siya nginingitian ni Miles, napapaisip nalang ako na baka pilit lang yung pinapakita niyang ngiti sakin. Lagi siyang cold, laging nakapoker face. Minsan kalmado, minsan ang init ng ulo, kala mo talaga araw-araw nireregla. Napapaisip rin talaga ako na baka may saltik siya sa utak.
Habang nagbibihis ako narinig ko biglang bumukas ang pinto ng bahay.
"Ikaw ba si Miles?" dinig kong sabi ni mama mula sa sala.
"Oho." bigla namang nagsitayuan ang balahibo ko.
Taena! Si Miles nga. Pumunta talaga ang mokong.
BINABASA MO ANG
Me The Tibo And My Unexpected Ideal Guy
Teen FictionKakaibang astig , kacornihan ,kalibugan, asaran, kahayupan nina Shiminy at Miles. [[ Me The Tibo and My Unexpected Ideal Guy ]] Basahin niyo nalang para masaya (^-^)v