Shiminy's Pov;
Nang tapos na akong kumain at uminom ng gamot ay iniwan ko nalang ang kinainan ko sa lamesa at diretsong pumasok sa kwarto.
Narinig ko pa ang sigaw ni mama sa baba pero hindi ko nalang 'yon pinansin. Agad akong pumunta sa kama ko at humiga. Bigla ko na naman naalala ang nangyari kanina.
Napapikit at napakagat nalang ako sa labi ko. Sinambunutan ko ang sarili ko bago sinasampal ang pisngi ko.
"Waaaaaahhhhhaaahhh!!!"
"Hoy! Shiminy! Ano na nangyayari sayo?!" rinig kong sigaw ni mama.
Tinikom ko naman kaagad ang bibig ko."Wala ma! Pinapractice ko lang 'yung kanta namin sa school." pagsisinungaling ko.
"Jusme , Shim! May sakit ka pa at may gana ka pa sumigaw!? Tsaka anong klaseng kanta 'yun? Pinapractice niyo ba sigaw ni Tarzan ha!? Manahimik ka Shiminy, wala na akong pambili ng mga baso. Mahirap na buhay ngayon!!"
Napabusangot naman ako sa sinabi ni mama. Pambihira, hindi ba marunong magsinungaling si mama? Kahit hindi niya sabihin, ramdam na ramdam ko. Tagos hanggang boto e.
Hindi ko nalang pinansin yung sinabi ni mama. Huminga ulit ako ng malalim at ibinuga iyon ng malakas.
"Nagugustuhan na kita."
"Nagugustuhan na kita."
"Nagugustuhan na kita."
"Nagugustuha-"
"Oo na! Oo na! Gusto ko na siya! Tama na ok!? Alam ko na!!" bigla kong sigaw. Napatalon naman ako nang biglang bumukas ng malakas ang pinto.
"Shim, ano ba! Gusto mo ba ng palo ha!? Mukha kasing na miss mo 'tong hanger e." pagbabanta ni mama, kita ko naman sa mukha niya ang inis ay mali galit na ata. Naku po delikado na 'to.
Dahan-dahan akong bumangon sa higaan at umatras.
"Ha-ha-ha ma. N-nagpapractice lang ako. Promise hindi ko na lalakasan. Sorry na, di na mauulit. Ts-tsaka may sakit ako, kawawa naman ako kung papaluin mo ko diba?" nanginginig kong sabi sa kanya. Minsan talaga nakakatakot si mama kapag nagagalit, hindi mo nalang talaga mamamalayan, may dala na pala siyang walis tambo o hanger.
"Humiga ka nalang d'yan at magpahinga. Mamaya dadalhan nalang kita ng pagkain at gamot." sabi ni mama at tila nag-iba ang boses nito. Ngumiti ako at nagbow bago sabihin ang 'ok'. Ano ba kayo ganyan ginagawa ng mga korean, japan at chinese diba?
Umalis na si mama at ako naman ay nakahinga ng maluwag.
Buti nalang naka-isip ka agad ako ng dahilan. Talino mo talaga Shim.
Miles
Nagdikit ang labi ko at napalumunok.
Waahh!! Simula noong sinabi ko 'yon sa kanya, hindi na siya mawala-wala sa isip ko.Hindi ko talaga lubos maisip na magkakagusto pa uli ako sa lalaki at sa may girlfriend pa. Naku naman, ano na gagawin ko? Sigurado naman walang gusto yun sa'kin. Ang worse pa ay classmate ko siya.
Ang mas worse pa ay roommate ko siya.
At ang pinakaworse sa lahat ay katabi ko siya matulog. Lintek na 'yan, diba nakakailang. Waah! Ano na gagawin ko?
Pero syempre hindi ko maiwasang mag-assume na baka may gusto rin siya sa'kin. Pero imposible rin 'yon e, may girlfriend na siya. Kahit gustuhin ko man na maging akin siya, hindi ko 'yon magagawa. Dahil sa una pa lang, masasabi ko na agad na, hindi kami bagay sa isa't- isa.
Ouch. T_T
... ...
Pagkatapos ng dalawang araw ay gumaling na ako. Halos nagmumukha na akong kalansay sa bahay, laging nakahiga at walang ganang kumain. Buti nalang gumaling kaagad ako. Ang bait talaga ni Lord.
BINABASA MO ANG
Me The Tibo And My Unexpected Ideal Guy
Novela JuvenilKakaibang astig , kacornihan ,kalibugan, asaran, kahayupan nina Shiminy at Miles. [[ Me The Tibo and My Unexpected Ideal Guy ]] Basahin niyo nalang para masaya (^-^)v