Shiminy's Pov;
Tatlong araw na ang nakalipas at di pa rin ako makapaniwala na makakasama ko itong hinayupak sa loob ng dalawang buwan at ito pa magkatabi pa kami matulog buti nalang king size bed tong kama.
Gabi na at nakahiga na ako sa kama, nakasuot lang ako ng large t-shirt at pajama.
Narinig ko biglang bumukas yung pinto ng kwarto. Tumalikod ako sa pagkakahiga para di siya makita. Nang gigigil ako pag nakikita ko yung mukha niya.
"Hanggang kailan ka nga ulit dito?" tanong niya.
Pisteng tuh paulit ulit nalang?
Nakailang beses na niyang tinanong yan sakin? 10 20 25 200?"Paulit ulit ka ,laging nakaunli? papasaload naman." buraot kung sabi.
"Nagtatanong lang naman." sabi niya at naramdaman kung nasa kama na siya. Di ko nalang siya pinansin at pumikit.
"Oy tulog ka na?" rinig kung tanong niya.
Napabuntong hininga nalang ako.
"Oo kaya tumahimik ka na , isturbo."
Di na siya nagsalita, kaya hinayaan ko ang sarili kung matulog. Malapit na sana ako sa daydream world ko nang biglang may kumalabit sakin.
"Ano ba! Kitang natutulog ako e"inis kong sabi.
Kaurat na siya ah.
"Kala ko tulog ka na haha" tawang sabi niya.
Naramdaman ko namang lumapit siya. Agad naman akong napamulat at umupo.
"BASTOS KA WAG KANG LUMAPIT SAKIN!!" sigaw ko sa kanya with matching turo turo.
Taka naman niya akong tinignan.
"Ha? Di naman kita hinawakan ah." siya.
Oo nga naman di naman niya ako hinawakan, bakit ko ba nasabi yun?
"B-basta wag kang lalapit sakin baka..."
"Baka...?" sabi niya na nakataas ang kilay.
"Wala! Matulog ka na." nagkibit balikat lang siya at tinalikuran ako.
Inayos ko yung kumot sa may bandang paanan at napatigil nalang ng may maamoy ako.
"Nagpabango ka ba?"
"Hindi." simpleng sagot niya.
"Utot mo sinungaling, amoy na amoy ko , nagpabango ka at takte pambaby at pambabae ang amoy haha bakla ka ata nuh? Ano pabango mo? Johnson? Ellipse?" tumatawa ako habang inaasar siya.
Pa'no ba naman kasi ang bango amoy pambaby.
Humarap siya sakin na nakahiga."Wala nga ba't naman ako magpapabango e gabi na."
Nang sabihin niya yun , napatigil ako sa pagtawa at nanlaki ang mata ko
"Bakit?"
Dahan dahan akong tumingin sa kanya."May baby siguro dito nuh! Tapos tinatago mo kasi ayaw mo malaman namin kasi dakilang ama kana!" gulat kung sabi sa kanya.
Tumawa lang siya.
"Are you crazy? Sa mukhang 'to may anak ako?" tumawang sabi niya.
Napalunok ako.
Ibigsabihin sariling amoy niya yun?
Imposible nung inamoy ko sarili ko, amoy pawis yung naamoy ko tapos siya... Omygosh I can't belibit.
Nakita kung inaamoy amoy niya ang damit niya.
"Hm I think nilagyan 'to ni yaya nang pabango 'tong damit ko kaya mabango." sabi niya.
Napahinga naman ako ng maluwag.
"Wait... Yaya mo?"
Aba galeng pala sa mayamang pamilya 'tong mokong nato. Palibre nga ako ng pagkain bukas. Haha feeling close.
"Yeah nilabhan lahat ni yaya 'tong mga damit ko bago ako lumipat dito."
Tumango tango ako.
"Teka ba't ba ako nakikipag usap sayo"
"Dahil kinakausap kita?"
Napailing nalang ako.
Nababaliw na kaming dalawa ay mali siya lang pala .
Humiga nalang ako ulit.
"San ka nakatira?" tanong niya.
Tinaasan ko siya ng kilay."Bakit mo tinatanong?"
"Wala lang, masama?"
"Bakit may sinabi ako?"
Nakita kung tumalikod siya kaya tumagilid ako at kaharap ko na ngayon ang likod niya.
Bigla ko na namang naamoy yung mala baby perfume na amoy galing sa kanya.
"Takte ako pa talaga niloloko mo. Nagpabango ka sinungaling." sabi ko at inaamoy amoy siya. Ambango takte.
Nagulat naman ako ng bigla siyang humarap sakin. Para akong maduduling sa lapit ng mukha niya.
"Ganun na ba ako kabango?" bulong niya.
Para akong nalagutan ng hininga ng ngumisi siya . Tinulak ko siya palayo at tumalikod. Taena! Anyare sakin! Ba't di ako makagalaw.
Nanginginig yung katawan ko. Putek may sakit ba ako?
"Mat-matutulog na ako." utal utal kong sabi sabay talukbong nang kumot. Takte ba't ako nanginginig di naman malamig.
"Nanginginig ka, gusto mo tumabi sakin libre lang naman. Mabawasan pa lamig mo."
"Wee? Utot mo baka manyakin mo ko" patawa ko.
Nagulat ako nang may biglang humablot sa kumot at mas nagulat ako nang bigla niya akong hilain palapit sa kanya.
"Kung gusto mo , pwede rin." ngumisi siya at nilapit ang mukha niya sakin.
Takte ano to! Puso ko kalma letche pati pulso ko nakikisabay pa.
Tinignan ko si Miles at nakita ko siyang kinindatan ako.
Waahh! Takte Kinilabutan ako.
BINABASA MO ANG
Me The Tibo And My Unexpected Ideal Guy
Teen FictionKakaibang astig , kacornihan ,kalibugan, asaran, kahayupan nina Shiminy at Miles. [[ Me The Tibo and My Unexpected Ideal Guy ]] Basahin niyo nalang para masaya (^-^)v