Shiminy's Pov;
Pagkabalik na pagkabalik namin sa apartment ay tinapon ko agad ang sarili sa sofa.
Habang nakahiga, pinagmasdan kong maigi si Miles. Kalmado lang ang emosyon niya ngayon, habang yung kanina makangiti sakin wagas. Kaso di mabura sa isip ko kung pilit lang ba yun o hindi. Hay bakit ba napaka-big deal sakin yun?
Napatigil naman ang tingin ko sa katawan niya at napalunok.
Yaah! Shim, tumigil ka, kunin ko yang mata mo e.
Simula kasi na nagpapakita ng kababalaghan ang mokong, bigla-bigla nalang bumibigay yung pagkalalaki ko. Waah!! Tumataas tuloy yung balahibo ko inangyan!
"Kailangan na nating gumawa ng assignment. Ina-sign pa naman ako ni Ma'am Cruz na turuan kita sa lesson at sa assignment dahil alam niya na di ka nakinig noong Thursday. Kaya inaasahan niya na maperfect yung assignment mo, kaya sana maki-operate ka." seryosong sabi ni Miles.
Ma'am Cruz? Tsk! Yung masungit na Math teacher na yun. Kasalanan ko ba na hate ko yung math, ok sana pag-plus,minus lang sisipagin pa ako. Ipapakulam ko yung teacher na yun e.
"Ano ba Miles. Tao ka ba? Kasi ako, tao ako e. At ang tao kailangan ng pahinga, alam mo ba yun?"
Tumayo ako. Tinignan ko ang paligid at wala akong nakitang Miles sa sala. So ibigsabihin , mukha na akong tanga dito nagsasalita mag-isa inangyan.Bago ako magwala dahil sa stress ay pinakalma ko muna ang sarili ko.
Inhale. Exhale.
Pumasok ako sa kwarto at nakita ko ang mokong, nakabihis na ng pambahay.
Tsk! Ilampaso ko 'to siya sa sahig e.
Dali-dali akong pumunta sa malaking cabinet at kumuha ng susuutin bago pumunta sa banyo. Nang tapos na akong magbihis ay lumabas na ako ng banyo at ang mokong ay nakahiga na, na may hawak na cellphone.
Tinignan ko siya ng masama. Yung with matching apoy sa mata tulad ng nasa anime.
Naglakad ako papunta sa kama at umupo sa sahig. Nakatalikod ako sa kanya. Habang nakatulala lang ako sa kisame , biglang nagsalita si Miles.
"Di ka ba magsasalita?" tanong niya.
Nakatalikod parin ako."Hindi! Narinig mo ba akong nagsalita? Hindi diba." inis kong sagot. Ewan ko ba bakit ako naiinis, dahil siguro kanina.
"Ok." maikling tugon niya.
Punyeta! Yun lang sasabihin niya? Sakalin ko 'to e.
"Nye nye. Bleeh." sabi ko at nagpanggap na bata.
"Hanuh ba'tong t-shirt na'to. Gusto ata akong patayin. Nananakal amputa." reklamo ko at hinihila ang harap ng t-shirt.
Nabigla naman ako ng may humila ng damit ko sa likod.
"I-inamo ka M-miles!! G-gusto k-ko pang magka-love life!!" putol-putol kong sigaw sakanya, habang tinatry na makalayo.
Gusto ata ako patayin nang mokong na to. Jusko! Gusto ko pang makapagtapos, magkaroon ng magandang trabaho, gusto ko pang ikasal at magkaroon ng isang dosenang anak. (Wow ang sipag)
Napatigil naman ako ng hawakan niya ako sa magkabilang braso at binuhat papunta sa tabi niya at pinaharap sa kanya.
Bigla naman ako nag-init at pinawisan ng lumapit siya sakin , at tinaas ang dalawang kamay. Pumikit ako dahil ganyan ginagawa ng mga Disney Princess kapag hahalikan.
Wait... Hahalikan?
"Nakabatunes kasi yung pinaka-una, kaya ka nasisikipan." sabi niya at naramdaman kung lumuwag yung sa likod. Minulat ko naman agad-agad yung mata ko.
Inangyan! Bakit ko ba yun naisip?
Hay. Nag-assume tuloy ako."Shim, alam kong gwapo ako at hindi na ako magugulat dun." bulong niya at naramdaman ko ang hininga niya na tumama sa labi ko.
Doon ko lang napansin na ang lapit na nang mukha namin. Halos magtama na yung ilong naming dalawa.
Nanlaki naman ang mata ko.
"Siraulo!" sigaw ko at tinulak siya palayo.
"Sa susunod kasi, isip muna bago lovelife." sabi niya
"Inamo! Isip muna , utot! May shota ka nga e, ako pa sinasabihan mo. Batuhin kita dyan e." nag-acting naman akong babatuhin siya.
"Nang ano?"
"Nang puso ko."
Natahimik kaming dalawa.
Napatakip agad naman ako sa bibig ko.
Feeling ko tuloy biglang lumabas yung kaluluwa ko sa sinabi ko.Nakita ko naman siyang ngumisi.
Napaurong nalang ako ng lumapit siya ng kunti sakin."Sabihin mo na kasi Shim, may gusto ka sakin."
Kumabog naman ang puso ko at naramdaman ko na namang nag-init ang pisngi ko.
Tinakpan ko ang mukha ko para di niya makita.
"H-hindi ah. Assuming ka. Kahit pumuti pa ang uwak , kahit umulan pa ng snow sa Pilipinas, hindi kita magugustuhan nuh! Tsaka may Alysa ka na." napatigil ako nang sabihin ko yung panghuli.
Napahawak ako sa aking dibdib, dahil bigla nalang ito sumakit.
"Kaya seryosohin mo siya." dagdag ko sa mahinang tono. Bigla nalang bumagsak ang balikat ko at bumalot sa mukha ko ang kalungkutan.Tumayo ako at tinalikuran siya.
Huminga ako nang malalim.Bakit ko yun naramdaman?
Bakit ako nalungkot ?
Bakit ang dami kung bakit?
Bakit di ko alam ang sagot?
Huminga ulit ako ng malalim.
Siguro may sakit ako.
Kaya ako nagkakaganito.Nang makalapit na ako sa pinto ng kwarto. Mahahawakan ko na sana yung doorknob nang biglang may dalawang brasong pumulupot sa bewang ko. Sa gulat ko ay para akong nafreeze sa kinatatayuan ko.
Di ko man lang namalayan na sumunod pala siya.
Bigla naman akong nakuryente ng maramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko.
"Pa'no pagsabihin kong" huminto siya.
Para naman akong nabuhusan ng isang temba na yelo nang mabilis niyang hinalikan ang leeg ko na kinalambot ng tuhod ko.
"Ikaw ang gusto kong seryosohin."
BINABASA MO ANG
Me The Tibo And My Unexpected Ideal Guy
Teen FictionKakaibang astig , kacornihan ,kalibugan, asaran, kahayupan nina Shiminy at Miles. [[ Me The Tibo and My Unexpected Ideal Guy ]] Basahin niyo nalang para masaya (^-^)v