Highest Rank No.2 in #wattpadromance
May dalawang taong nagtagpo ngunit ang kapalaran nila'y 'di pinagbigyan ang bawat nararamdaman ng mga ito. Nagmahal, nasaktan, nagbago ang pananaw at ang damdamin ba ay kumupas na at unti-unting nawawala sa pagli...
ILANG TAON na ang nakakalipas at naibangon ko ang aking sarili. Dahil sa wala pa ako sa tamang eded noon ay napadpad ako sa isang kumbento. Nang nakatuntong ako sa tamang edad at nakapagtapos na dahil na rin sa tulong nila ay nagpaalam ako kina sister Teresa upang makatulong sa kanila.
Ako ay nagtatrabaho na ngayon sa isang restaurant ang Keiro's Restaurant. Isa ako sa mga chef nito at ang pinakaaasahan sa pagluluto. Laging hinahanap ang aking luto kaya minsan ay overtime ang abot ko. Hindi lang nag-iisa ang luto ang mayroon ang restaurant kaya mas dinayo pa ito ng mga tao. Hindi lang sa lasa ng mga putahe ang pinupunta ng mga tao kundi ang ambiance nito dahil malapit lang ito sa man- made mini falls. Malawak at maraming puno't halaman sa paligid. Depende rin sa mood ng mga costumers kung saan sila maaaring kumain.
"Day off bukas, Feb. May gagawin ka ba bukas?" Nagliligpit siya ng kanyang mga gamit. Napadako ako sa kalendaryo at naalala ko na anibersaryo pala namin bukas. Napangiti ako.
"Feb! Sagutin mo ang tanong ko!" Paghihimutok nito. Siya si Zarina kasamahan ko sa trabaho at pareho kami ng schedules. May balak na naman siguro ito bukas at balak akong anyayahan pero sorry na lang dahil may importanteng kaganapan bukas.
"Mayro'n at hindi ko sasabihin sayo kung anong meron bukas. Magpahinga ka na lang buong araw."
"Sayang naman balak sana kitang anyayahan na makipag- inuman."
"Que babae mong tao pero inuman ay inaaya mo sa akin. Brokenhearted ka ba?" Hindi ito umimik. Bigla itong umatungal kaya wala akong magawa kundi yakapin na lang siya.
"Tahan na. Iiyak mo na lang sa bahay niyo 'yan. Sorry kung hindi kita madadamayan ngayon," paumanhing sambit ko sa kanya. Hindi naman sa wala akong puso at awa pero uunahin ko na muna ang importanteng kaganapan bukas. Mayroon naman itong bestfriend kaya itetext ko na lang siya para ito ang umalo dito.
Hindi na siya nagsalita at niyakap ako ng mahigpit. "Mahal ko siya, Feb pero ang sakit pala na malaman na may mahal na siyang iba at agad-agad akong iniwan. Basta- basta na lang akong iniwan na walang paliwanag." Umiiyak nitong sambit.
"Makakaya mo 'yan, Zari." Inalo ko na lang hanggang sa tumahan ito. "Makakaya mo 'yan. Tiwala lang." Nagligpit na kami at umalis sa locker room ng restaurant kung saan kami nagpapalit ng mga damit.
KINABUKASAN nagising ako ng maaga. Ang saya ng araw na ito. Isang taon na kami ng boyfriend ko. Ibibigay ko ang lahat para manatili siya sa akin. May minahal ako noon pero hindi ito natugonan at iniwan ako sa hindi ko malamang dahilan. Hindi naging kami ngunit minahal ko siya.
Binati ko lang siya ng magandang umaga sa text. Hindi ko sinabi na pupuntahan ko siya. Nagtataka ako kung bakit wala pa siyang text sakin pero susurpresahin ko na lang siya baka busy lang ito o kaya tulog pa.
Mabilis akong naghanda ng mga gagamitin ko para sa surpresa sa kanya. Pinagluto ko siya ng mga paborito niyang pagkain. Pagkalipas ng ilang oras nagawa ko na din ang lahat. Naligo na ako't naghanda sa pag-alis. At sumakay na ng taxi papunta sa bahay niya.
Nandito na ako sa harap ng bahay niya pero katok ako nang katok ngunit wala man lang nagbubukas.
"Saan kaya nagpunta 'yon? Wala naman siyang trabaho ngayon ah." Tumingala ako at nakita ko namang nakabukas ang bintana kaya panigurado na nasa bahay lang ito.
Pinihit ko ang seredura at bukas naman pala ito. Pumasok na lang ako at ang tahimik ng bahay niya. Pumunta muna ako sa kusina ngunit may narinig akong hagikgik ng isang babae mula sa taas. Mula sa kwarto niya. Naghihinala man pero tinuloy ko pa ring pumanhik sa itaas. Dahan dahan akong pumanhik. Nakita kong bukas ang kwarto niya. Nakita kong may kandong siyang babaeng napakaganda.
'Kaya naman pala wala kang text sakin dahil abala ka sa iba.'
Tiningnan ko silang dalawa ang saya-saya nila. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Ang lalaking mahal na mahal ko ay may kasamang iba sa mismong anibersaryo namin. Mas lalo pa akong nasaktan nang marinig ang tugon at tanong ng babaeng kasama niya.
"Kailan mo ba hihiwalayan ang walang kwentang Febie na 'yon? Ako naman ang mahal mo bakit pinapatagal mo pa ang pakikipagrelasyon sa kanya?" tanong ng babae.
"Hindi ko naman talaga siya minahal. Sinubukan ko lang kung kaya kong mahalin siya pero kahit katiting ay wala. This is just only a dare. Makikipaghiwalay na ako sa kanya." Pagkatapos nitong sinabi ay hinalikan niya ito.
Naglandas ang masaganang luha ko at pinahid iyon. Nagpakatapang ako at tinulak ng malakas ang pinto. Nabigla ang dalawa ng makita ako.
"Gano'n pala 'yon, Mark. Ang sakit-sakit dito oh!" Tinuro ang dibdib. "Akala ko pa naman totoo mo akong minahal pero hindi naman pala. Pinalipas mo pa ng isang taon para lang dito sa walang kwentang kalokohan mo. Wow ha, grabe ka pala sumubok. Astig! Magsama kayong dalawa!" Mabilis kong kinuha ang mga pagkain na niluto ko sa ibaba. Akala nila siguro na umalis na ako pero nagkakamali sila. Bumalik ako at doon ko nakita na parang balewala lang ang nangyari kanina.
Hindi ko akalain na ganito ang mararanasan ko. Hindi pala niya ako minahal gaya ng pagmamahal ko sa kanya. Naramdaman ko ang mainit na nasa kamay ko. Napatingin ako sa kanila at unti-unting lumapit at biglang sinaboy sa babae ang mainit na sabaw ng tinola at ang bowl naman na hawak ko ay binato ko kay Mark. Sa sakit na nararamdaman ko wala na akong pakialam kung saan man ito tatama sa katawan niya.
Nagsisigaw ang babae dahil sa init nong sabaw na sinaboy ko sa kanya. Tinamaan ko sa ulo si Mark at bigla itong aambangan ako ng suntok kaya inunahan ko na ito. I kick his balls and there namimilipit siya sa sakit. Sinubukan din akong subunutan ng babae ngunit sinampal ko siya at tinulak ng malakas kaya siya ay sumubsob sa sahig. You two deserves it anyway. Bagay kayong dalawa isang manloloko at malandi.
'I know my silence and my tears will heal my pain one day.'
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.