CHAPTER 28: CHASE

260 10 2
                                    





CHAPTER 28: CHASE

SA PAGDAAN ng mga araw ay hindi ko siya nabibigyan ng oras. Hindi ko rin nasundo kahapon dahil na rin sa rami ng aking ginagawa sa opisina. Hindi ko pa alam ang nangyayari kay Febie, hindi ko rin naalalang tawagan siya kagabi kaya baka nagtatampo na 'yon sakin.

Sa rami ng pinipirmahan kong papeles ngayon ay 'di ko pa siya nacontact. Biglang may umupo sa aking kandungan, tumingala ko para makilala ngunit bigla akong hinalikan. Hindi ako nakaalma kaagad. Sa paghiwalay ng aming labi ay napatingin ako sa pintuan ng opisina. Nagimbal ako sa kaalamang nakita kami ni Febie; ang babaeng pinakamamahal ko. Nakatalikod sa akin ngunit 'di maipagkakailang umiiyak ito. Tinulak ko si Alhy para sundan siya.

"Ano ba! Problema mo? Hindi ka ba masaya na dumating ako?" sigaw nito.

"Wala akong pakialam sa'yo, Alhy. May mahal na akong iba at hindi ikaw 'yon," sagot ko sa kanya. Tinalikuran ko siya at hinabol ang babaeng tinitibok ng puso ko.

"Bakit 'di mo sinabi sa akin na nandirito si Febie kanina?" tanong ko sa aking sekretarya.

"Hindi ko po masabi sir kasi nandyan si ma'am Alhy. Hindi ko naman po alam na darating siya at nabuksan niya kaagad ang pintuan kahit pinigilan ko na," paliwanag nito.

Ayokong mawala siya sakin ulit. Matagal ko siyang hinanap tapos ganito lang mangyayari. Hinabol ko siya kanina ngunit hindi ko na siya naabutan. Hahabulin ko pa sana siya kanina ngunit pinigilan ako ng babaeng kaharap ko ngayon; si Alhy.

"Ano ang kailangan mo?" mahinahon kong tanong. Prenteng nakaupo lang siya sa sofa na nakatingin sa akin. "Ano ang hindi mo naiintindihan sa sinabi kong hindi na kita mahal, ha?" Hinawakan ko siya sa magkabilang braso. Hindi ko mapigilan ang sarili ko kaya napahigpit ang paghawak ko.

"A-aray, Eros. Nasasaktan ako," hinahing nito. Ngunit pasensyahan na lang dahil ang babaeng mahal ko ang nakasalalay dito.

"Umayos ka. Noong mas pinili mong maging modelo ay 'yon na rin ang huling naging iyo mo ako. Sa araw na pagtalikod mo sa relasyon natin noon ay 'yon na rin ang tanda na wala na tayo. Kahit kailan ay 'di mo na ako maangkin tulad ng dati. Mahal na mahal ko si Febie, Alhy. Mas minahal ko siya kaysa sa'yo. Tanggapin mo na lang na hindi na ikaw ang laman nito." Tinuro ang dibdib. "Hindi na ikaw. May mas mahal na ko at siya ang pakakasalan ko," sambit ko rito.

"Hindi! Magiging akin ka pa rin, Eros! Akin ka lang!" histerikal nitong sambit.

"Wala ka nang magagawa, hindi mo na ako pag-aari at no'ng mas pinili mo ang pangarap mo 'yon na rin ang katapusan ng ating relasyon. You better know how hurt I am but thank you because you gave me that time to find my long lost friend who I am with. Ang nakakaintindi sa akin, ang unang babaeng pinili ng puso ko," paliwanag ko rito.

"No, Eros. I love you. Please come back to me. Forget her, please," pagmamakaawa nito.

"You're too late, Alhy. I love her so much; no one can take my heart but her. My one and only Febie Villanueva.

"Get up. Hindi ako santo para luhuran mo," wika ko. Tinalikuran ko siya at umalis na sa aking opisina. Binilisan akong sumakay sa kotse ko para puntahan si Febie sa kanilang bahay ngunit si Mhia lang ang naratnan ko.

"Bakit ka nandirito?" tanong nito.

"Ilabas mo si Febie, please," pagmamakaawa ko sa kanya.

"Paumanhin ngunit wala si Febie rito. Umalis siya kaninang umaga para puntahan ka," tugon nito.

"Sigurado ka, Mhia? Please, gusto ko siyang kausapin. Bigyan mo naman ako ng pagkakataon na makausap siya." Lumuhod ako sa kanyang harapan ngunit pinatayo ako nito.

"Para maniwala ka kahit halughugin mo ang bahay talagang wala siya rito."

Pumasok nga ako sa bahay niya. Pumunta na ako sa mga kwarto at lahat ng parte ng bahay pero wala akong nakitang bakas ni Febie. Napasabunot ako sa aking buhok. 'Di ko napigilang mapaluha sa harapan ni Mhia.

"Please, Mhia sabihin mo sa akin kung nasaan si Febie. Ayoko nang mawala pa siya sa akin. Please. Mahal na mahal ko siya," sambit ko sa kanya habang patuloy na tumutulo ang aking luha. Ang sakit na ang taong mahal ko ay inaakalang meron akong iba.

'Shit ka, Eros. Ang tanga mo talaga.'

"Maaari bang dito muna ako, Mhia? Hihintayin ko siya. Magpapaliwanag ako sa kanya," pakiusap ko sa kanya.

"Ano ba ang nangyari?" tanong nito. Hindi kaagad ako nakaimik sa tanong niya. Pero kailangan kong ipaalam sa kanya ang nangyari kaya nagkwento ako sa kanya.

"Siya ba talaga ang humalik o ikaw?" seryosong tanong nito. Nakaupo ito sa aking harapan at mataimtim niya akong inoobserbahan.

"Oo, bigla na lang siyang dumating sa opisana. May kumandong sa akin kaya tumingala ako para makilala ngunit hinalikan ako ni Alhy at nakita 'yon ni Feb," paliwanag ko.

"Magpaliwanag ka sa kanya, Eros. Marami na siyang pinagdaang sakit kaya sana naman ayusin mo 'yan. Ayoko siyang nakikitang nasasaktan," turan nito.

"Oo, Mhia makakaasa ka."

"Kahit na sinabi mo na ang dahilan hindi kita matutulungan. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon." Ilang oras na ang lumipas ngunit wala pa siya.

"Sige. Salamat. Isang pabor sana na kapag naparito siya ay sabihan mo ako, please," pagpapaalam ko rito.

"Hanapin mo siya hanggang sa makita mo siya. Hindi lahat ng bagay ay madaling makuha. Kapag nakasakit ka ng damdamin mahirap itong mawala lalo na ang puso ay nagkakalamat. Hanggang 'di ka nakapagpaliwanag sa kanya ay patuloy kang magdurusa," mahaba nitong sagot. Napaisip naman ako sa kanyang sinabi. Kung iisipin ko ito ay maaaring hindi na talaga uuwi si Febie sa bahay niya. Umalis na ako sa bahay nila na bagsak ang mga balikat.

I need to find her as soon as possible. Hindi ko kayang mawala siya ulit sa akin. Minsan ko na siyang pinakawalan kaya kung maaari ay matali na siya sa akin.

'I love you so very much, Febie. Even thou at time I do things that hurt. I try so hard to hope that you always see. How much you being in my life mean to me. I am sorry yet again for causing you pain, that is the last thing I ever wanted to do. I hope that you still know how much I love you and cherish you, Miene Liebe. Bumalik ka na sakin, please.'

The Anticipated Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon