Pagkapasok ko sa bahay ay wala pa si Mhia. Magkasama pa siguro ang dalawa at may pinuntahan pang iba. Kung nauna lang ito sa kanya ay baka nakita nito ang ginagawa nilang dalawa ni Eros sa kanyang kotse. Napahawak ako sa aking labi at para akong tanga na dinama ito. Ang sarap niya humalik. Hindi ko mawaglit sa aking isipan ang pinagsaluhan naming halik kanina. Napakainit na tagpo, nakakadarang at nakakaadik. Nawala bigla kanina ang pagkahilo niya dahil na rin siguro sa pananabik rito at nakatulog siya sa biyahe nang hinatid siya nito sa bahay. Dahil sa intensidad ng kanyang halik ay nawalan ako sa wisyo at nagbigay laya rito na halikan siya ng gano'n kadali. Hindi naman ako nagsisisi sa ginawa ko dahil sa pakiramdam na 'yon. Bago ito lahat sa kanya.
Pero ngayon bigla akong nakaramdam ng hilo at nasusuka kaya bilis kong tumakbo sa banyo. Doon ko nilabas lahat, nanghina ako dahil nilabas ko na yata lahat ng nakain at nainom kanina. Bigla akong nahilo kaya pinakalma ko ang aking sarili. Nang maramdaman kong umayos ang aking pakiramdam ay tumayo ako at nahilamos. Nagshower na rin ako at nagbabad para gumaan ang aking nararamdaman. Binilisan ako ang paliligo dahil agad akong nakaramdam ng antok. May narinig na rin akong hagitgit ng pinto kaya alam kong nakauwi na rin si Mhia. Binalewala ko na lang ito at nagbihis na ng pajama at maluwang na damit. Humiga ako at unti-unting bumibigat ang talukap ng aking mga mata.
Nagising ako sa malalakas na katok. Unti-unti akong bumangon at napahawak ako sa aking ulo. Ang bigat-bigat ng aking pakiramdam na para akong may trangkaso.
"Febie! Febie! Buksan mo nga ang pintuang ito!" nagsusumigaw at katok nang katok si Mhia. Gusto yata nitong gibain ang pintuang napasok niya kagabi. Ang tanga ko pala dahil naligo ako at pabalik-balik pala ako sa kwarto namin ni Mhia at sa kwartong ito. Dito na rin ako nakatulog at iyon nga nambubulabog si Mhia ngayon.
Pagkabukas ko ng pintuan. Binatukan agad ako nito. "A-Aray." Napahawak ako sa aking batok. "Anong kasalan ko?" naguguluhang tanong ko sa kanya.
"May hindi ka sinasabi sa akin." Humalukipkip ito sa aking harapan at naghihintay ito sa akin. Naguluhan naman ako sa sinabi niya kaya napakamot na lang ako.
"Wala naman akong dapat sabihin, ah," sambit ko rito.
"Mayro'n. Bakit gusto ni Eros na siya ang maghatid sa'yo kagabi?" mala-detective nitong tanong. Naparoll-eyes naman ako.
"Big deal ba 'yon? Eh, nagmagandang loob lang naman ang tao, di ba? Ikaw rin ang tinanong niya kagabi." Hinilot ko ang aking sentido dahil sa bestfriend ko. Umagang-umaga ay nang-iintriga na. Sinira pa nito ang tulog ko.
"Oo, ngayon lang kasi ginawa 'yon ni Eros kahit sa ex niya ay hindi nito iyon ginawa kahit minsan lang," sambit nito.
"Oooh. May ex-girlfriend pala siya." Tatango-tango akong nakatingin sa kanya.
Napabuntong-hininga ito.
"Naging malisyosa ka na, ha," paninisi ko rito.
"Hindi, ah. Nagtatanong lang, nakakabigla lang kasi iyong mga galawan niya kagabi."
"Saan nga pala kayo nagpunta ni Jack kagabi at bigla kayong nawala sa upuan?"
"May pinag-usapan lang kami sa office niya," sambit nito. Nagkibit-balikat na lang ako at sumunod sa kanya.
"Sabihan mo ako kapag nanligaw 'yon sa'yo, ha," sambit nitong bigla.
"Aye, aye, captain." Sumaludo ako sa kanyang harapan. Natawa ito sakin at nakitawa na rin ako sa kanya.
Naghanda na rin ako para pumasok sa aking trabaho. Gumayak ako kaagad at sumakay sa isang taxi. Pagkarating ko sa Kairo's restaurant ay agad akong pumasok sa kitchen dahil ang daming costumers. Hindi ko man alam ang dahilan pero mabilis akong tumulong sa mga kasama ko sa pagluluto.
Tumulong rin ako sa pagbibigay ng mga pagkain sa mga costumers para mapabilis ang aming ginagawa. Dahil sa rami ng ginagawa ay hinayaan ko ang aking cellphone sa aking bag at 'di na nabigyang pansin. Nang umayos-ayos na ang restaurant at nakapagpahinga na ay tinginan ko ang aking cellphone. Doon ko nalaman na ang dami ko na palang miss calls at text messages. I have 73 miss calls and 66 text messages. I wonder kung sino ang tumatawag at nagtetext sakin. Pagkaopen ko sa mga ito ay puro new contact number lang ang mga ito. Binuksan ko ang pinakauna sa lahat na text.
+6392723*****
Alert! The hottest man in the world has just awoken! Good morning. Achten Sie darauf, unch ich liebe dich, meine Liebe.
+6392723*****
Good morning. I just wanted you to know how much I truly do care. You're always in my thoughts.
Panakunot-noo naman ako sa mensahe kaya naghanap ako ng ibang message na maaaring pagkakakilanlan nito.
+6392723*****
After our first passionate kiss I knew I was hooked on you and I would follow you anywhere.
Doon ko napagtanto na siya pala iyon; si Eros. Napangiti na lang ako at nilagay sa loob ng bag ko ang cellphone. Wala naman akong load pang-text dito kaya hayaan ko na muna.
"Miss Febie! Febie!" nagsusumigaw na tawag sakin ni Zari. May hawak itong isang kumpol na bulaklak na may sari-saring laman. May tulips, red roses, white roses, pink roses at may mga palamuti rin ito para mas lalo itong maging maganda sa aking paningin.
"Bakit ka sigaw nang sigaw diyan? Hindi ka na nahiya, oh." Tinuro ang ibang empleyado. "Nakatingin sila sayo." Napabungisngis naman ito at agad na lumapit sa akin.
"Para sa'yo raw sabi ng delivery boy kanina. Hindi na kita tiwanag at kinuha ko na lang ito." Inabot niya sakin ang mga bulaklak. Tinapunan ko si Zari ng nagtatanong na mata.
"Sino raw ang nagpadala nito?" tanong ko rito. Hindi naman siya agad sumagot at patingin-tingin sa paligid kaya tumingin na rin ako sa paligid. Wala naman akong napapansing kakaiba sa loob at pati na rin sa labas ng restaurant.
"Bakit hindi ka makasagot ngayon sakin?" naghihinala na sambit ko rito. Umiling-iling ito at napapangiti sa akin. Nakakaimbyerna naman itong babae na ito at ayaw pa sabihin kung sino ang nagbigay nito.
"Tingnan mo kaya 'yang mga bulaklak may letter yata diyan, eh." Tiningnan ko ito at meron nga. Binasa ko ito.
~Dinner with me, meine Liebe. See you tonight @7pm. –E ~
BINABASA MO ANG
The Anticipated Love (COMPLETED)
RomanceHighest Rank No.2 in #wattpadromance May dalawang taong nagtagpo ngunit ang kapalaran nila'y 'di pinagbigyan ang bawat nararamdaman ng mga ito. Nagmahal, nasaktan, nagbago ang pananaw at ang damdamin ba ay kumupas na at unti-unting nawawala sa pagli...