CHAPTER 30: BEING WITH
Ilang linggo na rin ang lumipas nang huli naming pagkikita ni Jack. Nakisuyo na rin ako sa kanya nang araw na 'yon na ihatid na lang ako rito sa Kumbento ngunit 'di niya alam na sa mismong likod nito na ampunan ang aking pupuntahan. Tumupad naman ito sa aming usapan na 'di sasabihin kay Eros. Gusto ko munang magisip-isip. Naipaalam ko na rin kay Mhia kung nasaan ako kaya hindi na ito masyadong nag-aalala. Naintindihan naman niya ang aking desisyon kahit may rason naman daw si Eros.
Lagi ko siyang naaalala pero nasaktan ako sa aking nakita. Ang babaeng 'yon pala ay ang ex niyang si Alhy Laurel; isang sikat na modelo ngayon. Siya pala ang babaeng nang-iwan sa kanya dahil sa pangarap nitong maging matagumpay na modelo.
'Soloterang palaka ang babaeng iyon.'
Kapag naiisip ko 'yon ay naiinis ako bigla. Gabi-gabi pa rin akong umiiyak ngunit napagsabihan na ako ni sister Teresa na makakasama raw ito sa bata kaya nagpakatatag akong bumangon muli at harapin ang problema. Hindi pa ako handang harapin ang lalaking mahal ko sa una pa lamang.
Nagluluto ako ngayon sa kusina, tinutulungan ko sina sister Teresa sa paghahanda ng mga makakain ng mga bata sa ampunan. Kahit sa pagtulong ko man lang sa pagluluto ang maibabalik ko sa kabutihang loob na mayroon sa kanila. Matagal na akong umalis rito ngunit sa kasadlakan ko pala ay sila rin ang aking matatakbuhan.
"Hija, may gusto raw makipag-usap sa'yo," sambit ni sister Teresa habang nakatayo ito sa may pintuan.
"Sino raw po ba, sister?" tanong ko sa kanya. Nagpatuloy ako sa paghahalo sa nilulutong miki.
"Si Mark daw," sagot nito. "Pagbigyan mo na, hija. Upang makapagkaliwanagan na rin kayong dalawa," tungon nito at umalis na rin siya. Siguro ay pupuntahan na niya ang mga bata upang makapaghanda para sa umagahan.
Pagkaluto ko ng niluluto kong miki ay nagpaalam ako sa ibang kasamahan ko na dati ring nagturo sa akin kung paano magluto. Kaya sila ang naging inspirasyon ko upang maging magaling na chef. Paglabas ko ay nakita ko si Mark sa isang sementadong upuan sa may lilim ng puno. Masarap ang simoy ng hangin sa parteng iyon. Maraming bulaklak na namumukadkad, napakapreskong lugar at eksakto ang lugar na 'yon na tahimik at nagbibigay kaluwalhatian ang kabuoan nito.
"Gusto mo raw akong kausap, Mark. Ano pa ba ang ipapaliwanag mo? Tapos na tayo, ikaw pa nga ang may gawa 'di ba? Niloko mo lang ako," winika ko kaagad nang makalapit ako sa kanya.
Napayuko naman ito. "I'm sorry for what I've done to you, Febie. Alam kung huli na ang lahat, nasaktan kita, niloko, at lahat-lahat na. Nandito ako para humingi ng tawad sa mga nagawa ko sa'yo," sagot nito sa akin. Nakikita naman na seryoso siya sa paghingi na tawad.
"Sige pinapatawad na kita. Ang diyos nga nakakapagpatawad, ako pa kaya?" nakangiti kong tungon sa kanya.
"Maaari bang yakapin kita sa huling pagkakataon? At maging kaibigan?"
"Oo naman, walang problema." Yumakap ito sa akin kaya niyakap ko na rin siya bilang kaibigan at pagpapatawad.
"Maraming salamat, Febie. Gumaan ang aking pakiramdam sa pagpapatawad mo sa akin ngayon. Aalis na rin ako ngayon. Paalam. Gusto ko lang mahingi ng iyong kapatawaran," turan nito.
Nang umalis na siya ay pumanhik na rin ako bulwagan upang samahan sina sister Teresa sa pagpapakain ng mga bata. Nakangiti akong lumapit sa kanila ngunit sa isang iglap ay nawala ito dahil nakita ko si Eros na may nakakandong na batang lalaki sa kanya at pinapakain ito. Pumayat ito, may balbas, nangingitim ang mga mata, ngunit 'di pa rin matatawaran ang kanyang kagwapuhan.
"Gusto ka rin niyang makausap, Feb. Mas nauna lang si Mark kanina. Nakita niya ang pagyayakapan ninyo ni Mark, napakuyom ito ng kamao. Nakita ko rin ang mga mata niyang puno ng pangungulila sa'yo. Totoo ka niyang mahal, hija. Bigyan mo ng pagkakataon na magpaliwanag siya sa'yo. Magiging masaya ka," sabi ni sister Teresa.
"Salamat po, sister." Yumakap ako sa kanya. Tinuring ko rin siyang ina ko simula nang mapadpad ako sa ampunan nito. Umalis na rin ito pagkatapos at aasikasuhin niya raw ang mga bata. Iyon din ang pagkakataon na lumapit si Eros sa akin.
"Mag-usap tayo, pls," tugon nitong nagmamakaawa ngunit hindi nakaligtas sa akin na may panibugho sa kanyang mga mata.
"Halika, doon tayo sa malayo." Naglakad kami hanggang hall way. Yumakap ito sa akin ng mahigpit.
"Akin ka lang, Febie. Akin lang," mapang-angkin nitong bulong sa aking tainga. Hindi na ako nakasagot dahil hinagkan niya ako. Mapanakit, ramdam ko na may galit ito ngunit tinugon ko naman. Alam ko may kasalanan din ako.
"Nasaan ang kwarto mo?" Tinuro ko sa kanya ang daan papunta sa kwarto ko. Mabilis niya akong hinila at dinala sa loob nito. Bigla niyang pinunit ang aking damit. Natigagal ako sa naging aksyon niya.
"B-bakit, Eros?" nahihintakutang sambit ko.
"Akin ka lang, Febie. Ang katawang ito ay akin lang. Walang dapat makahawak nito kundi ako lang!" singhal na sambit nito. Hinapit niya ako at tinanggal lahat ng aking saplot gayundin ang sa kanya. Sa bilis ng pangyayari hindi ko namalayang napwesto niya ako.
"Ah!" hiyaw ko nang bigla niya akong pasukan mula sa likod, sagad na sagad. Nakaramdam ako ng sakit sa aking kuweba ngunit tinanggap ko ang kanyang mabilis na pag-ulos. Ang hirap niyang sabayan at may gigil ang kanyang pag-angkin. Dahil na rin traydor ang aking katawan ay tinanggap ko ang pagpaparusa nito sa akin. Ilang ulit niya akong inangkin hanggang sa mapagod ito at parehas kaming hingal na hingal. Sa pagbagsak ng talukap ng aking mga mata ay doon ko naramdaman ang masuyo niyang pagyakap sa maliit kong katawan.
Sa pagmulat ng aking mga mata ay namulatan ko ang kanyang mukha. Marami pa itong ipapaliwanag kaya sinampal ko ang kanyang mukha.
"Shit! Ang sakit." Napabalikwas ito kaagad. Brutal man pero kailangan ko ang paliwanag niya.
"Magpaliwanag ka, hindi 'yong nang-aangkin ka bigla at wala akong kalaban-laban sa pangroromansa mo."
"Hindi ako ang humalik sa kanya, meine Liebe. Ang naabutan mo sa opisina ay ang eksenang bigla niya akong hinalikan. Ikaw lang ang mahal ko. Ang tinitibok ng puso ko," paliwanag nito.
"May dapat ka ring malaman. Buntis ako at ikaw ang ama."
BINABASA MO ANG
The Anticipated Love (COMPLETED)
RomanceHighest Rank No.2 in #wattpadromance May dalawang taong nagtagpo ngunit ang kapalaran nila'y 'di pinagbigyan ang bawat nararamdaman ng mga ito. Nagmahal, nasaktan, nagbago ang pananaw at ang damdamin ba ay kumupas na at unti-unting nawawala sa pagli...