PAGKAMULAT ko ng aking mga mata ay purong puti ang aking nakikita. Nilibot ko ang lugar kung nasaan ako. NakitA ko si Zari na nakaupo sa isang upuan na malapit sa akin na nakadukmok sa maliit na lamesa kaya kinalabit ko ito. Nagising naman siya agad, namumungay pa ang kanyang mga mata kaya hinayaan ko muna itong magising ang diwa nito. Ngunit bigla itong tumayo at pinuntahan ako.
"Feb, ayos na ba ang pakiramdam mo? May masakit ba?" puno ang boses niya ng pag-aalala. Tumango naman ako sa kanya at nginitian siya.
"Ayos lang ako, huwag kang mag-alala," sambit ko. Kahit na sinabi ko sa kanya na ayos lang ako ay 'di pa rin siya mapakali. Napansin ko sa kanyang mga mata ang pag-aalinlangan. "Ano ang problema, Zari? Nasaan pala tayo ngayon?"
"Wala namang problema ngunit may sasabihin ako sayo na mahalagang bagay. Nandito tayo ngayon sa isang malapit na hospital. Dinala ka na namin agad dito para mas kampante kaming maayos ka," paliwanag nito.
"Salamat, Zari." Napabuntong hininga na lamang ako sa sandaling iyon. "Ano ang mahalagang bagay ang sasabihin mo sa akin?" curious kong tanong sa kanya.
"Congratulations, magiging nanay ka na," puno ng galak na sabi nito.
Sa sinabi niyang iyon ay napagtanto ko na 'di pala ako dinatnan noong isang buwan. Hindi naman nakapagtataka dahil hindi lang naman minsang naganap ang gano'ng eksena sa aming dalawa. Napaluha at napangiti ako sa sinabi niya. Hinawakan ang maliit kong tiyan, may batang mabubuo na sa aking sinapupunan na bunga ng aming pagmamahalan.
Tumikhim ito kaya nabaling ang aking atensyon sa kanya.
"Gusto ka rin na makausap ng manedyer natin," anunsiyo nito.
"Oo, kakausapin ko na siya. Hindi na kailangan pang tanggalin ako sa ngayong nalaman kong nagdadalang-tao ako. Magreresign na lang ako para mapagtuonan ng pansin ang bata sa sinapupunan ko kahit na maliit pa ang tiyan ko. Maraming salamat nga pala, Zari. Mabuti na lang nandoon ka kanina, hindi ko na alam ang mangyayari kung wala ka roon," mahabang wika ko.
"Kailangan mo nga 'yon. Pero mawawalan na ako ng kaibigan sa restaurant kapag umalis ka," malumanay nitong sambit.
"Huwag kang malungkot pwede mo naman akong dalawin sa bahay," pang-aalo ko rito.
"Oo ba. Samahan na lang kita mamaya kay manedyer," sambit nito.
"Maraming salamat, Zari."
Inayos na namin ang paglabas ko sa ospital. Binigyan ako ng doctor ng listahan ng vitamins para maging healthy ang baby namin ni Eros. Hapon na rin naman kaya 'di na ako nakipag-usap sa manedyer at ipagpapabukas ko na lang ang pagpunta pati na rin ang pagpapaalam kay Eros na buntis ako. Naghiwalay na lang kami ni Zari sa sakayan kanina. Ayaw pa sana niya akong payagan na mag-isa ngunit pinagpilitan kong kaya kong mag-isa. Bago umuwi ay bumili na rin ako ng mga nireseta ng doktor upang hindi na ako maabala pa kung ipagpapabukas.
Pagkauwi ko ay kumain na ako kaagad at sinabihan na lang si Mhia na kumain mamayang makauwi ito. Hindi ko pa nabanggit kay Mhia ang sitwasyon ko. Sasabihin ko na lang kapag nasabi ko na kay Eros. Nagpalit na ako ng kumportableng damit at natulog na.
KINABUKASAN hinanda ko ang aking resignation letter. Naligo na rin ng maaga kahit nahihilo na naman. Pagkababa ko ay pumunta ako sa kusina. Naratnan kong nagluluto si Mhia ngunit pagsamyo ko ng amoy na 'yon kumiwal agad ang sikmura ko kaya napatakbo ako nang mabilis sa banyo. Doon ako nagsusuka sa bowl ngunit wala naman akong mailabas. May humagod sa aking likuran, sinundan pala ako nito.
"Ayos ka lang ba?" tanong nito. Tumango lang ako at naghilamos. Mapanghinala naman itong nakatingin sa akin.
"Umamin ka nga, buntis ka ba?" deretsong tanong nito. Mapanuri ang kanyang mga mata na tinitigan ako.
"Oo, buntis ako. Kahapon ko lang nalaman. Sasabihin ko naman ito kay Eros," sagot ko sa kanya. Napabuntong-hininga naman ito sa akin. Alam ko naman na maiintindihan niya ako. Yumakap na lang ako sa kanya.
"Kailan pa? 'Di ka man lang nagsasabi," nagtatampo nitong sambit. Mas siniksik ko naman ang katawan ko kanya.
"Noong date namin. Umoo ako sa kanya. Hindi namin ginawa 'yon ng minsanan kaya inaasahan ko na rin naman ito," paliwanag ko sa kanya.
"Kailangan mong sabihin ito sa kanya. Ngunit mag-ingat ka dahil umuwi raw ang kanyang ex," paalala niya.
"Opo. Paano ko malalaman kung ex niya 'yon?"
"Malalaman mo kasi isa siyang modelo," aniya.
Tumango ako sa kanya bilang tugon. Umalis ako sa yakap niya at tinangay siya papuntang kusina. Kumain kami at nag-ayos na para umalis. Pumunta ako sa restaurant para ibigay ang resignation letter ko tinanggap naman nila ito kaya umalis din ako kaagad. Dumeretso na ako sa office ni Eros. Minsan niya na rin naman ako nitong dinala sa opisina nito kaya alam ko kung saang lugar ito maaaring puntahan.
Pagkarating ko sa harapan ng building na pag-aari niya ay pinagmasdan ko ang paligid nito. Ang lawak at nakikita kung gaano kaalwan ang buhay na tinatamasa nito.
"Manong, nandito ba si Eros?" tanong ko sa guard. Pinakilala ako ni Eros sa kanila kaya kilala nila ako.
"Opo, ma'am. Nasa opisina siya," sagot nito.
"Maraming salamat po, manong."
"Walang ano man, ma'am." Yumuko siya at umalis na sa aking harapan.
Mabilis naman akong pumasok ng building at mapanuring tiningnan ako ng mga empleyado na tila may gusto silang sabihin ngunit kahit isa man sa kanila ay ayaw akong lapitan. Sumakay na ako sa elevator sa kadahilanang nasa 15th floor ang office ni Eros. Pagkarating ko sa opisina niya ay bubuksan ko na sana ang pintuan ngunit pinipigilan ako ng sekretarya nito.
"Ma'am, huwag muna kayong pumasok may kasama po si sir sa loob," pagmamakaawa nito.
"Bakit sino ba ang kasama niya sa loob?" hindi ito kaagad nakasagot sa akin. Binuksan ko ang pintuan at doon ko nakita ang 'di ko inaasahang pangyayari. Ang babaeng nanampal sa akin kahapon ay nakakandong sa kanya habang naghahalikan. Natigagal ako sa aking nakita, hindi ko namalayan na umaagos ang luha. Hindi ko akalain na lolokohin niya ako. Tumalikod ako sa kanila na hilam ng luha ang aking mga mata.
BINABASA MO ANG
The Anticipated Love (COMPLETED)
RomanceHighest Rank No.2 in #wattpadromance May dalawang taong nagtagpo ngunit ang kapalaran nila'y 'di pinagbigyan ang bawat nararamdaman ng mga ito. Nagmahal, nasaktan, nagbago ang pananaw at ang damdamin ba ay kumupas na at unti-unting nawawala sa pagli...