TAPOS na niya akong bihisan at inayos na niya ang lahat bago kami bumaba. 'Lagi siyang nakaalalay sa akin kung hindi ay masasapok ko talaga siya. Paika-ika akong maglakad kasi masakit talaga ang parteng iyon ng aking katawan. Masyado naman kasi siyang malaki para sa akin. Hindi ako makapaniwala na kaya ko pala siya.
"Tatawagin ko lang si mom," paalam nito. Inalalayan niya akong makaupo sa sofa bago siya umalis. Mas lalo akong nahuhulog at napapamahal ito sa akin dahil sa mga ginagawa niya ngayon. Naa-appreciate ko ang mga galawan niya ngayon, maaalaga at mas lalo nitong pinapakita na mahal ako nito.
"Hi, hija!" Biglang tumabi sa akin ang isang ginang at yumakap ng mahigpit. Napangiwi naman ako sa ginawa niya habang nakatingin ako kay Eros na humihingi ng tulong.
"Mom, bitawan mo si Febie. Naiipit na siya." Pagsabi naman ni Eros ang mga iyon ay biglang napabitaw ito sa akin.
"Oh, sorry. Sabik lang kasi akong makilala ka at nag-iisang anak ko si Eros kaya excited akong makilala ka," paumanhin nitong turan habang nakahawak sa aking kamay. Napaisip ako bigla dahil hindi ko nakikita ang daddy niya. Tatanungin ko na lang siya siguro 'pag may quality time na kami na magkasama.
"Okay lang po. Nagagalak ko po kayong makikila. Ako po si Febie, ikaw po?" Magalang kong tanong sa kanya.
"Tawagin mo na lang akong mommy Gray," sabi nito at tumingin ito kay Eros. "Eros, alagaan mo siya, ha. Naku 'pag hindi humanda ka sakin." Napangiti ako sa kanyang tinuran at pagbabanta nit okay Eros.
"No worries, mom," sagot ni Eros. Masuyo niya akong tinitigan habang nakakapit pa rin sa akin ang kanyang ina. Mukhang naaaliw siya sa kasiglahan ng kanyang ina. Hindi man ako makapagtanong ngayon ay may tamang panahon upang malaman ang mga ito.
"At ikaw." Tinuro ako. "Mommy Gray tawag mo sakin, ha?"
"Opo, mommy Gray," pagsang-ayon ko rito. Masaya naman ako dahil nagkaroon ako ng instant nanay na matagal ko nang gustong magkaroon. Hindi ko mapigilan na mapaiyak.
"Hala! Bakit ka umiiyak, hija?" puno ng pag-aalalang wika nito.
"Masaya lang po ako dahil nagkaroon na rin ako ng isang ina. Matagal na po kasing patay ang mga magulang. Dahil sa rin sa wala akong kamag-anak rito ay napadpad ako sa isang kumbento at doon pinagpatuloy ang buhay ko," mahaba kong sagot sa kanya. Kahit hilam man ang aking mata ay tumugon ako sa kanyang yakap nang ito ay niyakap ako ng mahigpit. Naramdaman ko ulit ang init ng pagmamahal ng isang ina sa piling ng ina ng aking kasintahan.
"Nandito lang ako para sa'yo, anak. Ituring mo akong nanay mo simula ngayon," aniya. Ako na ang yumakap dito dahil masyado na akong na-overwhelm sa nararamdaman ko ngayon.
Pagkatapos ng madramang sitwasyon na iyon ay hinatid ako ni Eros sa bahay. Nadatnan kong wala si Mhia sa bahay. Umalis na rin si Eros kaagad dahil may aasikasuhin pa raw itong papeles. Nagkaroon ng emergency call kanina kaya mabilisan niya akong hinatid. Nagderetso na ako sa kwarto kahit nahihirapan akong maglakad. Nagpahinga na ako para naman may lakas ako sa susunod na araw.
SIMULA sa araw na iyon ay naging busy si Eros sa kanyang kompanya. Hindi naman ito nagkukulang dahil hatid-sundo pa rin niya ako. Katawagan ko sa gabi at kapag day-off ko naman ay namamasyal kami. Hindi naman niya ako pinabayaan simula nang araw na may nangyari samin. Mas naging sweet pa ito at mas maalaga. May oras nga lang na hindi na niya ako nabibigyan ng oras sa ngunit iniintindi ko ito kasi nagkaroon daw ng problema ang kompanya nila. Alam ko naman na mahal niya ako dahil nakikita ko sa mga mata niya kapag ito ay nakatitig sa akin.
NANDITO ako ngayon sa trabaho ko nakalagay na naman ang cellphone ko sa aking bag sa locker room namin. Hindi ko ito dinadala sa kadahilanang bawat gumamit ng gadgets habang on duty pa sa trabaho. Ngayong araw ay marami na namang tao as usual at napakainit ang panahon. Kanina pa ako nahihilo ngunit pinagpatuloy ko pa rin ang pagtulong sa pagsiserve para mapadali ang mga gawain. Sa pagbibigay ng mga pagkain ay bigla akong nahilo at natumba sa isang costumer. Suminghap ang lahat sa nangyari.
'Hala, lagot!'
'Siya 'yong sikat na modelo, 'di ba?
"What the hell!" sigaw nito sa akin ngunit 'di ko pa siya nakikita dahil sa hilong nararamdaman. Napahawak ako sa aking ulo. Ngunit 'di ko inaasahan ang dumapong kamay niya sa aking pisngi at napahawak ako rito. Kahit nahihirapan ay inayos ko ang aking sarili.
'Shit! Nanampal na. Kawawa ang babae.'
'Hindi naman daw ganyan 'yan noon.'
Mga salitang nagmutawi sa kanya-kanyang bibig mula sa mga taong nakapaligid sa amin.
"S-sorry, ma'am. Hindi ko po sinasadya, nahilo po kasi ako at nawalan ng balanse. Pasensya na po," paumanhin ko rito ngunit sinampal ako ulit nito. Hindi ko na kaya pero tinitibayan ko ang aking pakiramdam upang 'di ako pagtawanan at ganito na lang ang mangyayari sa akin. May biglang humawak sa akin. Tiningnan ko ang umalalay sakin at si Zari pala ito. Mabuti na lang dumating ito para tulungan ako at may makapitan na rin.
"Ma'am sorry po. Hindi naman niya po sinasadya," mababang tonong sambit nito.
Dinuro ako ng babae. "Tawagin mo ang manager ninyo at ipapatanggal ko ang babaeng ito. Masama na pala ang pakiramdam tapos magtatrabaho pa. At tingnan mo!" Tinuro ang damit na punong-puno ng mga pagkaing dapat iserve sa ibang table. "Ang dumi-dumi na ng damit ko. Alam mo ba kung magkano ito, ha? Mababayaran mo ba?" mayabang nitong tinuran.
Nahihiya na ako sa mga tao sa paligid. Medyo nanlalabo rin ang mata ko kaya napakapit ako sa braso ni Zari. Nakatingin siya sa akin na puno ng pag-aalala.
"Kaya ko pa, Zari," bulong ko rito.
"S-sorry po, hindi na po ito mauulit. Hindi ko po mababayaran ang damit na nadumihan na po. Hindi ko po kayang bayaran ang ganyang damit," malumanay kong sambit.
"Ipapatanggal kita!" sigaw nito sakin. Wala na akong nagawa ng dumating ang manager ng restaurant sa amin. Humingi ito ng paumanhin. Ngunit 'di ko na sila marinig pa. Biglang nandilim ang aking paningin.
BINABASA MO ANG
The Anticipated Love (COMPLETED)
RomanceHighest Rank No.2 in #wattpadromance May dalawang taong nagtagpo ngunit ang kapalaran nila'y 'di pinagbigyan ang bawat nararamdaman ng mga ito. Nagmahal, nasaktan, nagbago ang pananaw at ang damdamin ba ay kumupas na at unti-unting nawawala sa pagli...