PROLOGUE

797 18 4
                                    

MAKALIPAS ng ilang linggo unti- unti ko na ring natatanggap na wala na sila. Wala nang tuluyan ang mga magulang ko. Naipalibing ko na rin ang mga ito. Mahirap pero kakayanin. Paano na ako? Nag-iisa na lang ako sa buhay. Wala naman akong kakilala rito dahil tinakwil sila ng mga magulang nila noon. Kwinento nila sa akin 'yon kaya hindi ko alam kung saan ako kakapit.

Nandito ako ngayon sa park. Nakaupo sa may swing - umiiyak. Hindi ko mapigilang ang pagbagsak ng aking mga luha habang nakatingin sa mga pamilyang magkakasama at masaya sa piling ng bawat isa.

Biglang may nag-abot ng puting panyo sa aking harapan. Napatingin ako sa nagmamay-ari nito. Isang lalaki na simple lang siya pero may dating.

"Salamat." Inabot ko ang panyo mula sa kanya.

"Huwag ka ng umiyak. Pumapangit ka na. Kanina pa kita tinitingnan sa malayo," sabi nito. Umupo ito sa may bakanteng swing na katabi ko.

Ang kapal naman ng lalaking ito para sabihan akong pangit.

"Ano ang kailangan mo?"

"Wala naman, gusto lang kitang makausap. Nag-iisa ka kasi tapos kita palang sa'yo ang lungkot-lungkot mo na."

"Maraming salamat."

"Huwag ka ng umiyak. Halika, bili na lang tayo ng ice cream para hindi ka na malungkot." Hinawakan niya ang isa kong kamay at hinila ako papunta sa nagbebenta ng ice cream.

Para akong bata na bibilhan niya ng ice cream. Hindi naman ako nito kilala at hindi ko rin siya kilala. Ni hindi nga siya nagpakilala sa akin.

"Heto na ang ice cream mo. Ubusin mo 'yan, ah." Nakangiting abot nito ang ice cream.

"Salamat. Ano nga pala ang pangalan mo?"

"Tawagin mo na lang akong Eros."

"Salamat, Eros dahil sinamahan mo ako at dinamayan sa ngayon. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa naramdaman kong may kasama ako," madamdamin kong sabi sa kanya.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan sa likod nito. "Basta ikaw. Walang ano man, binibini," nakangiting sambit nito. Pati mga mata niya ay nakangiti rin. Perpektong mukha in short gwapo.

Meron palang ganito na tao ngayon? Parang Greek God sa kaperpektuhan ng kanyang mukha at mapupulang labi.

"Ikaw? Ano ang pangalan mo?"

"Ako si Bie." Nilahad ko ang aking kamay para makipagkamayan sa kaniya. Tinanggap naman nito iyon.

Ang lambot naman ng kanyang kamay. Mayaman siguro ito.

SIMULA nang araw na iyon ay 'lagi na kaming nagkikita. Hindi ko alam pero masaya ako kapag kasama ko siya. Namamasyal kaming dalawa at siya palagi ang nasusunod. Kampante ako sa kanya at aaminin ko sa aking sarili na nagugustuhan ko na si Eros. Nahuhulog ako sa ugaling pinapakita niya.

"Bie, masaya ako at nakilala kita. Masaya ako dahil nang dumating ka sa buhay ko ay naging makulay ito. Kahit saglit man lang kita nakilala at nakagaanan ng loob," nakangiti niyang sambit habang nakahawak sa aking kamay.

"Ako rin naman, Eros. Dumating ka sa buhay ko nang kailangan ko ng isang taong masasandalan nang iniwan ako ng aking mga magulang na pumunta sa kabilang buhay," madamdamin kong winika. Nakatitig sa kanyang mga mata.

"Tandaan mo, Bie. Ang nag-iisang Eros na ito," tinuro ang kanyang sarili gamit ang kamay na 'di nakahawak sa akin. Nakaharap siya at nakangiti pati ang kanyang mga mata, "Ang Eros na ito, kapag nagkita tayong muli at wala pang minamahal ang bawat isa sa atin. Ikaw at ako ay magmamahalan. Paka-ingatan mo ang salita ko," sa pagkasabi niya ang katagang iyon ay nawala na ang kanyang ngiti kanina lamang kundi ang mga mata niyang puno ng kalungkutan.

Napangiti ako ng mapait. Hindi pinakita na ako ay nasaktan na tila iiwanan na nito.

"Sa tinuran mo parang may balak kang iwanan na ako," nakangiti pa rin kahit sa loob-loob ko ay gusto ko ng umiyak.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Anticipated Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon