Day off ko na naman pero hindi ako pumunta ngayon sa park para maiba naman. Pupunta ako sa bahay ng bestfriend ko. Matagal-tagal na ring 'di kami nagkakausap ng personal.
"Paano kaya kung sa bahay na lang niya ako manirahan?" Napatanong ako bigla habang nakahawak sa baba ko.
Pwede naman siguro. Masabi nga sa kanya. Bahay naman niya 'yon para na rin 'lagi akong may kasama at kausap. Hindi 'yong laging napapanis ang laway ko dahil sa wala akong makausap. At nandito lang sa isang sulok sa maliit na inuupahan ko.
Nagmadali akong niligpit ang mga damit ko habang maaga pa para 'pag pumayag ito ay ang pagkuha na lang ang gagawin namin. I will enjoy the moment with her and live her in one roof.
"Mhia! Bestfriend, I miss you!!" Kakasagot palang niya sa tawag pero sumigaw na ko.
"Woah. Relax. Ang hyper mo naman, bes. Ang sakit sa tainga," sambit nito na nanunuway.
"Ay, sorry bes. Punta ako sa bahay mo, ha? Mag-usap tayo may sasabihin ako sa'yo."
"Sige. Mabuti naman at napatawag ka ng mas maaga kung hindi, hindi mo ako makakausap ngayon."
"Ay wow, busy ang lablab ko. Lumalovelife na ba?
"Tongeks. Hindi, sasabihin ko naman sa'yo kung meron man no."
"Okay, sabi mo, eh. Basta pupunta ako dyan, ha."
"Sige. Hintayin na lang kita rito. Huwag ka na lang kumatok mamaya, ha. Hahayaan ko na lang na 'di nakalock ang pinto. Alam ko naman na makapal na mukha mo. Byers." Humahalaklak nitong sabi sabay putol ng tawag.
'Ang sama talaga ng taong 'yon. Pero syempre mahal ko 'yon bestfriend ko, eh.'
~~~~
Pagdating ko sa bahay niya. Agad na kong pumasok 'gaya ng sabi niya papasok na lang ako dahil makapal ang mukha ko. Makapal naman talaga ang mukha ko kasi naman tinuturing ko na rin itong bahay ko.
"Bestfriend! I'm here!" Sumigaw ako ng napakalas para marinig na nandito na ako sa pamamahay niya. Baka kung saan na naman 'yon.
"Nandito ako sa kusina. Pumunta ka na lang dito!" Sigaw nito.
Pumunta na nga ako doo'n at nadatnan ko siya nagbebake. Puro itlog, arina, at kung anu-ano pa sa lamesa. Nag-eekperemento na naman siguro ito.
"Ano naman ba ang plano mo sa ginagawa mo ngayon? Nong minsan kang nagluto niyan nagka-LBM ako. Masarap nga pero ayun akala ko madedehydrate ako sa nangyari!" paghihisterikal kong sambit.
"Aba, nakikikain ka na nga lang nagrereklamo ka pa."
"Hehe, 'di naman. Nagsasabi lang pero ano nga ba gagawin mo dyan ngayon?" curious kong tanong sa kanya.
"Chocolate cake." Busy pa din siyang naghahalo para sa ginagawa niyang cake.
"Well, I'll wait that cake. Nakakatakam lalo na chocolate 'yan." Pinagdaop ko ang dalawa kong kamay habang nakatingin sa ginawaga niya.
"Tsk. Makapagreklamo ka kanina, ah. Tapos ngayon maghihintay para makalamon."
"Syempre. Bibigyan mo naman ako, di ba?" Paglalambing ko sa kanya.
Pumunta ako sa likod niya at yumakap mula likod.
"Umalis ka nga dyan, Bie! Kita mo na ngang may ginagawa ako, eh." Winagwag niya ang kamay ko kaya inalis ko na lang ito sa bewang niya.
"Sungit naman nito. Naglalambing lang, eh."
"Oo na, bibigyan kita mamaya."
"Yes!" Hiyaw ko at tinaas pa ang dalawa kong kamay. Napapailing naman siya na nakatingin sa akin.
"Naparito ka? Para guluhin ako?"
"Hindi, ah. Gusto ko lang sana na may kausap. Alam mo na 'di na ako pupunta sa Park. Naisipan ko na lang na pumunta sa'yo rito at dalawin ka."
"Hmm. Kamusta ka naman?"
"Ako? Ayos naman ako, lalabs. Move on na. Ilang buwan na din naman." Nagbilang sa daliri kung ilang buwan na simula ng nasaktan siya. "Mga walong buwan na pala."
"Yeah, you're right. Is there someone in your life now?"
"No, there's no one."
"Why?"
"There are men courting me but I don't feel that "spark" thingy." Natawa ito sa sinabi ko. Ano naman kaya nakakatawa do'n?
"Ooh. It's okey. It's better to have someone in life. Every woman deserves a man who looks at her every day like the day he first realized he was in love with a girl. You know."
"Yeah, you are right. Thank you for everything because I have you in my life. I'm so thankful that I found a friend like you, like a sister."
"You're welcome and thank you too."
"I have something in my mind, lablab."
"What is it?"
"Can I live with you?"
"Sure. I love that. Para may makasama naman ako dito sa bahay ko. Nakakaumay na nga ang walang kasama. Walang kausap."
"Hmm, kung gano'n dito na ako, ha. Wala ng bawian dito na ko. At isa pa ready na gamit ko sa inuupahan kong tirahan. Nailigpit ko na at ang pagkuha na lang ng gamit ko ang kulang."
"Wow magic! Siguradong-sigurado ka na papayag ako, ah. Nakapag-empake ka na pala."
"Hmp. I know right. I'm living with my bestfriend. Woaaah! Thank you! Thank you!" Kumaripas ng takbo na lumapit sa kanya ang niyakap siya ng mahigpit.
"Ikaw talaga, oh. Don't worry; you're always welcome here in my house. You're not just a friend but a sister to me, Febie. I love you. Isa pa matagal na kitang pinakiusapan na umalis na do'n pero ngayon mo lang napag-isipan."
"I love you too, Mhia. Thank you so much." Madamdamin kong sabi sa kanya. Hindi ko mapigilan na mapahagulgol habang nakayakap ako sa kanya.
"Umiiyak ka na naman ngayon pero ako na ang dahilan."
"Tears of joy to!" Kinurot ko siya sa tagiliran. Lumayo saglit at tiningnan siya.
"Oo na. Nangungurot ka pa, eh. Halika nga dito yayakapin kita. Huwag ka ng umiyak dyan. Ang pangit mo na." Sabay turo sa mukha ko. Napasimangot naman ako sa sinabi niya ngunit lumapit din ako sa kanya at yumakap ng mahigpit. Ang swerte ko sa kanya at wala ng makakahigit pa sa kanya kung ako ang tatanungin.
Hindi ko to magiging bestfriend kong hindi siya harsh sakin. We're perfectly matched as bestfriends.
Friends are like stars, they come and go, but the ones that stay are the ones that glow. And I'm hugging tight with that star in my life, my bestfriend, Mhia. Someone like her is hard to find, difficult to leave and impossible to forget. Mhia is a friend that who listens when you speak, understand when you cry and guides your way. I have amazing bestfriend ever.
BINABASA MO ANG
The Anticipated Love (COMPLETED)
RomanceHighest Rank No.2 in #wattpadromance May dalawang taong nagtagpo ngunit ang kapalaran nila'y 'di pinagbigyan ang bawat nararamdaman ng mga ito. Nagmahal, nasaktan, nagbago ang pananaw at ang damdamin ba ay kumupas na at unti-unting nawawala sa pagli...