CHAPTER 5: TWO BESTFRIENDS

318 12 0
                                    


            'Walang hiya tong bestfriend ko ah. Talagang tungga ng tungga na parang wala ng bukas. Grabe talaga to parang walang kasama. Tsk.'

Pinanood ko siya sa mga ginagawa niya. Galing nga sa kumbento pero ganito ugali niya. Ganito pala masaktan kahit pinalaki ito ng mga madre ay may nagagawa pa rin palang hindi inaasahan. Hindi naman ito madre kaya hindi rin naman nakakapagtaka. Gabay na lang kailangan nito.

"Hoy, babae hinay- hinay lang wala ka namang kalaban sa laklakan. Tignan mo nga mag-isa ka lang. Sinamahan lang kita." Kinuha ko ang alak na hawak niya. Ang lakas ng amoy. Mabuti't nakayanan nito ang tapang ng alak.

"H-hoy ka rin. Hayaan mo ko dito. Ngayon lang ito." Sabay kuha nito ang baso sakin at uminom ulit ng alak.

"Okay. Sabi mo eh." Mapabuntong-hininga na lamang ako.

"Alam mo 'yon best."

"Hindi ko alam," sambit ko kaagad sa kanya.

"Pwede patapusin mo muna ako bago ka sumabat?" singhal nito sakin.

"Ano ba ang sasabihin mo? Di ba magpapakalasing ka pa?"

"Ang sakit dito, oh." Sabay turo sa dibdib. "Akala ko mahal niya ako pero hindi pala. Ginawa akong laruan. Dare pala 'yon, ha. Putek!" Umiiyak na wika nito.

"Bes, gano'n talaga ang buhay. Isipin mo na lang na hindi siya 'yong lalaking para sa'yo. Iyong paglalaanan mo ng pagmamahal. He doesn't deserve your love. He's such a jerk."

"Gano'n lang ba 'yon kadali? Kung gumanti kaya ako sa kanya?" umiiyak pa ring tanong nito.

"Oo, kasi walang kang mapapala sa kanya, eh. Hindi ka nga minahal di ba? Kasi hindi ka naman niya talaga mahal dahil dare nga di ba? Ipagpipilitan mo pa ba ang sarili mo sa walang kwentang kagaya niya? At isa pa 'yang sinasabi mong pagganti may mapapala ka ba? Wala di ba? Lumaki ka sa kumbento kaya dapat hindi ka ganyan mag-isip. Nilamon na yata ang utak mo kaya kung anu-ano ang iniisip mo," Mahinahon kong sambit. Pero gusto ko nang sigawan itong bestfriend ko.

"Ang sakit, ha. Ipamukha talaga sakin, bes?" wika niya sabay hagulgol.

"Kailangan para matauhan ka naman. Nakita mo na ang proof at narinig mo mismo ang sinabi niya, di ba?" tanong ko sa kanya.

"Oo," Simpleng sagot nito. Tuloy pa din ang inum nito. Hinayaan ko na lang siya.

"Okay. Tanggapin mo na lang. Marahil ay 'di lang talaga siya 'yong lalaking para sa'yo. Hindi gaya niya ang nababagay sa'yo. Ang nararapat sa'yo ay isang lalaking mamahalin ka talaga kaya next time kilatisin mo ang isang lalaking magugustuhan at mamahalin niyang puso mo." Wika niya sabay turo sa dibdib nito.

"Yes." Walang emosyong sabi nito.

"Tss. Ituloy mo na lang 'yan. Inum pa. Ako na lang bahala sayo mamaya," Wika ko. Para matigil na siya baka kung ano pa ang maisipan nitong gawin. Kunsintidor man akong bestfriend sa ngayon.

"Mhia?" tawag ng isang lalaki. Di siya lumingon at tinitignan pa rin ang kaibigan.

"Mhia? Hindi ka na namamansin ngayon, ah." Wika nito.

Parang pamilyar sa kanya ang boses nito. Pero imposible na nandito 'yon kasi nga busy 'yon sa bar office nito.

"Ang tanga mo Mhia, syempre pag-aari niya tong Bar." Sa isip niya.

Unti-unti siyang lumingon at nakita ang lalaking mahal na yata niya pero di niya pinapahalata mahirap na kung hindi rin naman matutugunan ang nararamdaman niya.

"H-Hi!" Atubiling wika niya sa lalaki.

Nakangiti ito at ang gwapo pa rin niya.

"Ngayon na lamang kita nakita, ah. At may kasama ka pa," wika nito. Sabay turo kay Febie.

"Ah. Uhm. Siya si Febie, bestfriend ko." pakilala ko kay Febie sa kanya.

"I see. Bakit siya umiinom? Kagagaling pa yata sa pag-iyak namumula pa ang mata at teary eyed pa," curious na tanong nito.

"Kasi brokenhearted ang bestfriend ko?" patanong na sagot niya kay Jack.

"What a coincidence. Brokenhearted din ang kaibigan ko ngayon. Puro broken yata nakakasalamuha ko ngayon, ah." Amazed na sambit nito sabay tawa.

"Lumayo na muna tayo saglit para makapag-isa siya. Sa malapit na lang tayong lamesa."

"Sige." At naghanap na ito ng lamesa na available na malapit sa mesa ni Febie.

"Sino namang kaibigan ang brokenhearted? Si Zero? Imposible siguro na siya 'yon, mahal na mahal nila pareho ng girlfriend niya."

"Well. Sad to say but he is. They broke up because his ex girlfriend chose the career she wants. To be a model and she have to choose between Zero and that Career. The girl chooses her career so she left Zero." Paliwanag nito.

"But they love each other, right?" Tanong niya.

"Yes, they are. But what he can do if the girl choose the career and left Zero. Zero has no choice so she let her go. Wala namang mangyayari kung ipagpipilitan niya ang gusto niya. Nalaman na nga lang ni Zero na paalis na ito at pinuntahan sa bahay nito. Lumuhod na ngat nagmakaawa ngunit walang epekto rito?" sagot nito sa kanya.

"That's life. We don't have the right to stop them. Sacrifice. But Zero feels broken too much for that." Wika niya.

"Yeah. He's broken very very broken." Wika nito sabay iling.

"How about your friend? Why she's broken?" tanong nito.

"Well, the guy she loved doesn't love her back for a year? Can you imagine that? She loved the guy but what she gets? At isa pa nalaman niya na dare pala ito. She's been hurt too much. 1 year niyang ginawang tanga ang kaibigan ko." Tiningnan ko si Febie tumahan na. Pero nakikita sa kanyang mga mata na nasasaktan ito.

"Wala naman palang kwenta ang lalaking 'yon. He doesn't deserve this girl." Sabay turo kay Febie. "Maganda naman siya kahit simple. Nakakapanghinayang lang dahil nagmahal siya ng lalaking 'di para sa kanya." Wika nito.

"Tama ka. Hindi nararapat na mahalin ang gano'ng lalaki. Minahal ng kaibigan ko ang lalaking 'yon pero ganyan din ang naging kinalabasan." Wika niya sabay tingin sa kaibigan niya. Bagsak na ng tuluyan. Wala na 'yong kaibigan niyang tungga ng tungga kanina. Tulog na.

"Bagsak na ang kaibigan mo. Tulungan na kitang dalhin siya sa kotse mo." Tumayo siya at nilapitan niya si Febie. Tinapik nito sa pisngi pero wala na talaga. Bagsak na ang bestfriend ko. Nagtulungan kaming bitbitin si Febie hanggang sa kotse ko.

The Anticipated Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon