Maaga kaming nagclose dahil mayro'n daw nag-rent sa buong restaurant mamayang gabi kaya ang saya ng mga kasama ko kaninang in-announce iyon. Tama lang naman iyon dahil problema ko kung ano ang idadamit ko mamayang gabi. Nandito na ako sa waiting shed at naghihintay ng masasakyan. May pumaratang isang itim na kotse sa aking harapan. Hindi ko ito pinansin at umalis upang pumunta sa may bakantang daanan para makapagpara ng sasakyan para makauwi na.
Biglang may yumakap sa akin mula sa likod. Nasamyo ko kaagad ang kanyang pabango. Napapikit ako para damhin ang pagkakataon na nakayakap ito sa akin. Ang mainit nitong katawan ay nakapagbibigay sa akin ng ginhawa at parang naaalis ang aking pagod. Bakit noong ganito ako niyayakap ni Mark ay hindi naman ganito ang nararamdaman ko pero kapag si Eros na ang nakayakap sa akin ay kay sarap sa pakiramdam na akala mo ay walang problemang darating pa. Ganito pala kapag ang lalaking yumayakap sayo ay mahal na mahal ka. Hinawakan ko ang kanyang kamay, umikot para mayakap din siya pabalik.
"Kamusta ang trabaho, meine Liebe?" Hinapit niya ang baywang ko para mas nagkalapit an gaming katawan.
"Ayos naman, nakakapagod lang kasi pagkarating ko kaninang umaga ay biglang nagdagsaan ng mga costumers. Walang tigil ang pagluluto at pagbibigay ng pagkain sa mga costumers." Mas siniksik ko ang aking ulo sa kanyang dibdib. Ang bango talaga nito.
"Kahit naman nagluto ka kanina mabango ka pa rin." Sinamyo niya ang aking leeg. Nakiliti naman ako kaya bigla ko siyang hinampas sa dibdib.
"Huwag nga diyan. Nakikiliti ako, eh." Depensa ko rito. Humalakhak ito parang musika sa aking pandinig ang kanyang tawa. Nahuhulog na talaga ako sa kanya. Hindi pala, matagal na pala akong nahulog sa kanya at mas minahal ko pa ito sa ngayon. Tinutulak ko ito para lumayo pero hindi niya ako binibitawan.
"Bitaw ka na muna. Masyado kang take advantage, ha. Hindi mo pa ako girlfriend." Bigla naman itong bumitiw. Nawala ang kanyang ngiti at nakasimangot na ito. Nagpout pa kaya nagmukha itong pato pero ang cute niya sa pagnguso nito. Gusto ko tuloy siyang halikan. Napalunok na lang ako at napakagat labi dahil sa nakikita kong mapupula niyang labi.
"Bakit ka pala nandirito?" tanong ko rito.
"Ayaw mo ba akong makita," wika nito.
"Hindi naman sa gano'n. Gusto ko lang malaman ang dahilan mo kung bakit ka nandirito sa aking harapan ngayon. Magkikita naman tayo mamaya," malumanay kong wika.
"Gusto ko lang naman na makita ka, mayakap at mahagkan. Gusto ko rin na malaman kung nasa maayos ka ba o hindi kasi hindi ka nagrereply sa message ko at 'di rin sumasagot sa tawag ko. Kaya ako naririto ngayon sa harapan mo. Gusto ko rin masigurado na makakauwi ka ng maayos kaya simula ngayon palagi kitang susunduin doon sa bahay at dito na rin sa trabaho mo. Sa ayaw at sa gusto mo ako ang masusunod," wika nito. Napanganga ako na hanggang sa semento ng daanan dahil sa narinig ko. Hindi ako makapaniwala na ganito na pala siya ngayon. Kung susumahin sa mga salita niya parang boyfriend na ito makaasta sa akin. Naalala ko 'yong kagabi na kung saan sinabihan niya akong kanya lang at tumango naman ako. Kahit hindi man sabihin sa salita ay kanya na talaga ako kasi tumango ako. Sumang-ayon ako sa kagustuhan niya. Pero bilang pormal na lalaki ay nanligaw ito sa akin at heto na nga ang hinihintay ko.
"Yeah, you already did," pagsang-ayon ko rito. Nginitian ko na lang siya bilang sagot.
"Halika na. Ihahatid na kita para makapaghanda ka ng maaga." Binuksan niya ang kotse niya at umupo naman ako rito. Pumunta na siya sa driver's seat at pinatakbo ang kotse nito. Tahimik lang ito sa pagdadrive at hindi ako kinikibo hanggang sa makarating kami sa harapan ng bahay.
Hindi ako bumaba sa kotse niya. Nakikiramdam ako rito kung ano ang gagawin o sasabihin niya.
"Can I have one kiss from you?" Hindi ako umimik. Nakatitig lang ako rito.
"Meine Liebe.. I adore your kisses. When you kiss me back I feel like I am in heaven. I want to kiss you right now so you'll know exactly how that feels too. Then kiss you again and again. Could my lips touch yours just one more time? Then another, and another.. I can never have enough of your life, of you," Nahihirapang sambit nito. Nagpakawala ako ng buntong-hininga at tiningnan siya.
"Okay. I'll give you the right to kiss me but in a private places only. And what is the meaning of meine Liebe?"
"Thank you so much meine Liebe." Napahawak ito sa kanyang baba na pangiti-ngiti. "Meine Liebe means my love," sambit nito.
Dumukwang ito sa akin. "May I have that kiss for now?" excited nitong tanong. Tumango naman ako. Dumampi agad ang kanyang malambot na labi sa akin at tinugon ko kaagad. Marahas niya akong hinalikan at may nalalasahan ako tila metal. Kinagat niya ang aking bibig at pinaloob ang kanyang dila. Hinalugad ang aking bibig hanggang sa magsawa ito. Hindi pa sana ito titigil kung hindi nito kailangang binatawan ako para makakuha ng hangin.
"Tama na 'yan," sambit ko rito. Pinunasan ko ang aking labi dahil namamanhid ito at tila nadugo ito dahil sa marahas nitong paghalik. Lumabas naman agad ito para pagbuksan ako ng pinto. Bago man ako makalabas sa kanyang kotse ay hinalikan niya akong muli at napamulagat ako dahil nakita ko si Mhia sa may terrace na nakatingin sa amin. Nakangisi itong nakatingin sa amin. Lagot ako nito paniguradong maraming itatanong ito sa akin mamaya. Tinulak ko sa si Eros, nagtataka man ito sa ginawa ko ay hindi na lang ito umalma.
"Nakita tayo ni Mhia," bulong ko rito. "Humanda ka sakin mamaya. Kasalanan mo ito." Tinulak ko siya pero tumawa lang ito ng mahina.
"You're mine, Febie. Only mine, no one owns you but me. Always remember that, meine Liebe," mapang-angkin nitong sambit. Napairap na lang ako rito at binilisang umalis sa kanyang harapan baka masipa ko pa ito dahil sa kagagawan nito. Kailangan ko ng maghanda sa mahabang eksplenasyon sa aking bestfriend.
BINABASA MO ANG
The Anticipated Love (COMPLETED)
RomanceHighest Rank No.2 in #wattpadromance May dalawang taong nagtagpo ngunit ang kapalaran nila'y 'di pinagbigyan ang bawat nararamdaman ng mga ito. Nagmahal, nasaktan, nagbago ang pananaw at ang damdamin ba ay kumupas na at unti-unting nawawala sa pagli...