May humawak sa aking kamay ngunit hinayaan ko lang.
"Alam mo miss 'lagi kitang tinititigan sa park tapos ngayon naman nakita kita rito. Matagal na kitang gusto makilala. Ito na siguro ang pagkakataon na makilala kita kahit pangalan mo lang," baritonong pananalita nito. Ang sexy pakinggan. Pero hindi ba ako nagkakamali sa boses na ito? Naging buo ito pero hindi ako maaaring magkamali na siya ito.
"My love for you grows more with each passing day since that day I saw in that park. Through of your gorgeous face takes my breath away, those brown eyes of yours fill my soul with happiness, those luscious lips that I love to kiss. But I don't any right to kiss you because I do not own you," madamdamin nitong sambit. Punong- puno ito ng pagmamahal.
Hindi ko kilala ang lalaki dahil hindi ko pa binuksan ang aking mga mata. Kinikilig ako sa sinabi niya. Ngunit hindi maalis sa akin ang boses na 'yon. Bakit napakafamiliar sa akin.
Minulat ko ang aking mata at nakita ko ang isang lalaking makisig, ang mukha niyang parang isang Greek God na napakaperpektong pagmasdan. Para akong namamalikmata sa nakikita ko sa aking harapan ngayon. Eros is in front of me and telling his love for me.
"Is this for real or its just a dream? Nakikita ko si Eros sa aking harapan ko?'
May pinagbago man ito ng itsura pero ang tinig niya ang familiar. Ang wangis niya ay naging seryoso lang at mas makisig na ito ngayon. Hindi nakakasawa na pagmasdan siya. Ang mata niya na para bang nilulunod ako ng puno ng emosyon. Hindi naman ako nahihilo ngunit bakit ganito ang nararamdaman ko sa taong ito? Bakit ang puso ko ay kay bilis ng tibok nito. inaamin ko na nagkagusto ako sa kanya noon pero hindi ko akalain na makikita ko ulit siya kahit wala siyang sinabing dahilan noon kung bakit bigla na lang itong nawala. Nagmahal ako noon at kapareho ang bilis ng tibok ng puso ko para ito. Hindi naman 'yon nawala kahit 17 years old palang ako noong una kaming nagkita. Naaalala pa kaya niya ako? Pero sa pagsasabi niya kanina ay tila wala itong naaalala. Kapag nandiyan siya noon kakaiba ang pakiramdam ko. Ibang-iba sa naramdaman ko sa ex kong nanloko sakin.
Hinawakan ko ang aking dibdib. Parang lalabas ang puso ko sa isang tingin ko pa lang sa kanya. Ang mapupula niyang labi, gusto kong hagkan at angkinin.
Anong nangyayari sakin? May sakit na ba ako sa puso? Nakakita lang ako ng lalaking ganitong kagwapo at kaperpekto ay hindi ko na maintindihan ang nadarama ko.
"Miss, gusto ko sanang magpakilala sayo. Ako si Sean Eros Santillan. You can call me Zero for short. Palagi kitang nakikita sa Park. At doon ako napaibig sayo kahit mula sa malayo. Alam ko nakakabigla pero inaamin ko na ako ay naguguluhan din sa aking sarili," litanya nitong puno ng pagmamahal at pag-amin. Nakatingin siya sa aking mga mata at nakatingin rin ako sa mga mata niya; napakaseryoso nito.
Hindi nga ako nagkakamali. Siya nga si Eros, ang lalaking una kong minahal noon. Ang nag-iisang lalaki na nagmalasakit na pasayahin ako sa panahong 'yon. Mga alaalang hindi ko kinalimutan kahit nasaktan ako sa paglisan niya noon.
Bigla akong tumayo at pumantay sa kanya. Humawak ako sa kanyang leeg pababa sa kanyang matitigas na dibdib. Hinila ko na lang siya bigla at hinagkan siya. Para akong sabik na sabik sa mapupula niyang labi. Napatigil ito dahil sa aking ginawa. Nabigla ko yata siya pero pinagpatuloy ko ang nasimulan kong kahibangan.
Ginalaw niya ang kanyang labi. Ang mapupula at matatamis niyang labi ay naangkin ko. Nakakahiya man pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Mas nilaliman ko pa ang paghalik sa kanya. Nagitla ako ng kinagat niya ang ibabang labi ko, napaawang ang aking labi dahil sa ginawa niyang pagkagat rito. Kinuha niya ang pagkakataon na ipaloob ang kanyang dila sa aking labi at sinuyod ang loob nito. Mas lalo akong nadarang at mas pina-igi ko ang paghalik sa kanya. Binigay ko ang intensidad na binibigay niya sakin. Kung ano ang ginagawa niya ay ginagawa ko rin. Parang uhaw na uhaw kaming pareho at parang ang tagal-tagal na nakatikim ng tubig. Parang nagmula kami sa disyerto na uhaw na uhaw sa tubig ngunit ngayon ay nagpaparamdam ng kauhawan sa pag-ibig na gustong maranasan.
Naging malikot na rin ang kanyang kamay at gano'n din ang aking mga kamay. Humawak ako sa kanyang braso papunta sa kanyang dibdib pababa. Ang tigas ng kanyang katawan. Mas nahibang ako sa paghawak sa kanya.
Hinihimas niya ang aking dibdib ngunit hindi naman siya agresibo. Ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang palad kahit may suot pa akong bra.
"Hmmm. Hmmm." napapaungol ako sa kanyang ginagawa. Nagsitaasan ang aking balahibo dahil rito.
Magkahinang pa rin ang aming mga labi. Hindi pa siguro kami bibitaw kung 'di kinulang sa hangin. Hingal na hingal ako pagkatapos ng aming halik. Pero nanghihimas pa din siya sa aking dibdib. Nakakapang-init ng katawan.
"T-tama na. Hi-hindi ko alam kung saan 'to mapupunta kung 'di mo pa ititigil 'yan," nahihirapang sambit ko. Nakakapanghina pero hindi ako nanghihinayang. Hindi ko alam ang espiritong sumanib sakin sa pagkakataong ito.
"Ang sarap mo. I can't get enough from you. What is your name, lady?" medyo bedroom voice pa rin siya. Gusto ko ulit siyang halikan pero huwag na nakakahiya na. Babae pa naman ako. Lumaki na nga ako sa kumbento pero pagdating sa lalaking ito nawawala ako sa wisyo. Hindi ko nasagot ang kanyang tanong. Nakatanga lang ako sa kanya at hindi makaimik kahit isang salita man lang.
Lumapit siya sa akin. "Simula ngayon akin ka na. Tandaan mo, akin ka lang. Walang pwedeng umangkin sa labi mong iyan kundi ako lang," mapang-angkin nitong sambit. "Si Sean Eros lang ang nagmamay-ari sayo. Wala nang iba."
Hindi ko namamalayan na sumasang-ayon ako sa kagustuhan niya. Hinalikan niya ako ulit pero hindi na kaintensidad gaya ng ginawa namin na nauna.
Naramdaman yata niya na babalik na sina Mhia at Jack kaya umupo siya sa aking tabi. "Akin ka lang," bumulong nito sa akin.
BINABASA MO ANG
The Anticipated Love (COMPLETED)
RomansHighest Rank No.2 in #wattpadromance May dalawang taong nagtagpo ngunit ang kapalaran nila'y 'di pinagbigyan ang bawat nararamdaman ng mga ito. Nagmahal, nasaktan, nagbago ang pananaw at ang damdamin ba ay kumupas na at unti-unting nawawala sa pagli...