CHAPTER 22: DATE

217 10 0
                                    

Habang nagdadrive siya sa aming pupuntahan ay makikita mo sa kanyang mga mata na masaya ito. Ang bibig niyang nakangiti habang nakatingin sa daanan at ang nakahawak niya sa aking kamay na kung maaari ay ayaw na niyang bitawan pa.

"Nandito na tayo," anunsiyo nito. Nilibot ko ang lugar kung nasaan kami at nandito kami ngayon sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko.

"Bakit tayo naririto?"

"Dito tayo magdedate. Pinareserve ko ang restaurant na ito para lang maisagawa ko ang ating unang date. Ito rin ang dahilan kung bakit maaga kayong lumabas kanina," paliwanag nito.

"Hmm, kaya naman pala." Tatango-tango kong wika.

"Oo," wika nito. Pagkasabi niya iyon ay bumaba na ito sa kanyang kotse at mabilis niya akong pinagbuksan ng pinto. Inalalayan niya akong pumasok sa restaurant at pagkapasok namin ay napayuko ako dahil ang ibang kasamahan ko ang aking nakikita sa loob nito. Handa silang magsilbi sa gaganaping date namin ngayong gabi. Si Zari naman ay nakikita kong pangisi-ngisi lang ito sa isang tabi habang nakatingin ito sa amin. Hinayaan ko na lang ito at kailangan ko na ring ihanda ang mga dahilan ko kung bakit ko kasama ang isang Santellan.

Pagkarating namin sa amig uupuan ay 'di ko maiwasang humanga sa dinaanan namin na puro carpeted at puno ng mga bulaklak sa paligid. Nagawa nila itong isang paraiso. May isa ring lalaki sa tabi na nakahawak sa isang bote ng wine. Wala na rin ang ibang kasamahan ko sa trabaho dahil na rin sa nakapasok na kami at hinahanda ang pagkain.

Pinaghila niya ako ng upuan at do'n na ako umupo. Sa ngayon ay magkaharap na kami sa lamesa. Hindi mawala-wala ang kanyang ngiti sa kanyang mga labi. Kanina pa ito pero iniintindi ko na lang. Alam kong masaya ito at gano'n din naman ako. Iniisip ko palang na magkakasama kami sa iisang bubong at may pamilya na ay ang saya sa pakiramdam.

"Ang ganda ng kapaligiran. Ikaw ba ang nakaisip nito?" tanong ko sa kanya.

"Actually, no. Nagpatulong ako sa mga staff kung ano ang dapat gawin at paano mapangiti ang pinakamamahal kong babae," aniya. Nginitian ko na lang ito dahil wala naman akong masabi.

Ilang minuto rin kaming naghintay nang dumating ang mga pagkain. Habang kumakain kami ay hindi ito umiimik ngunit minsan naman ay nakukuha nitong subuan ako tsaka titigan ng malagkit. Kanina pa ito pero hindi ko mabasa ang kanyang ekspresyon kaya binalewala ko na lamang. Sasabihin naman siguro nito. Habang kumakain din kami ay lumapit ang may hawak na violin kanina sa may gilid at nagsimulang tumugtong. Hindi pa man kami tapos ay tumayo ito.

"Maaari bang isayaw ang babaeng minamahal ko ng lubusan?" Nakalahad ang kanyang kamay habang medyo nakayuko ito sa aking harapan. Inabot ko naman ang aking kamay at tinayo niya ako. Sumayaw kami sa saliw ng tugtog mula sa violin. Hinapit niya ako sa baywang at ang aking mga braso ay nakakawit sa kanyang leeg. Kung tutuosin ay para kaming magkayakap lang habang sumasayaw. Mas siniksik ko ang aking kataan sa kanya na kahit hangin sa aming pagitan ay 'di makakadaan.

"I love you, meine Liebe," bulong nito.

"I love you more, Eros," sagot ko.

"No, I love you more. I will do my best to show my love to you," bulong nito sa aking tainga. Nagsitayuan ang aking balahibo sa katawan sa kuryenteng lumakbay sa aking inosenteng kaluluwa. Sumubsob ito sa aking leeg at hinalik-halikan niya ito kaya mas lalo akong naasiwa sa ginagawa nito. Tiningnan ko ang buong lugar ngunit wala na pala ang mga tao do'n.

"Umalis na tayo rito. Dadalhin pa kita sa isang lugar na sa hinagip ay 'di mo pa napuntahan." Naramdaman kong nag-init ang aking pisngi sa kanyang sinabi. Hindi naman sa green-minded ako ngunit dalawang bagay ang gusto nitong iparating sa akin.

"Sige. Nabayaran mo na ang mga ito?" Tinuro ang mga pinagkainan namin. Tumango naman ito kaya wala na akong nagawa nang hilahin niya ako at tumungo sa kanyang kotse. Napatianod na lamang ako sa agos ng kanyang kagustuhan sa ngayon.

"Saan tayo pupunta?"

"Sa isang bahay ko," simpleng sagot nito.

"Bakit sa bahay mo? Anong gagawin natin do'n? 'Di ba dadalhin mo pa ako sa isang lugar na hindi ko pa napupuntahan?" tanong ko rito. Nawiwirduhan ako sa sinasabi niya.

"Oo, dadalhin kita roon," turan nito. Nagdrive na ito. Hindi na rin ako umimik at 'di na pinatulan pa. Baka away ang magaganap kung magsasalita pa ako. Bigla naman akong nakaramdam ng antok at di napigilan na humikab sa kanyang harapan.

"Matulog ka na muna. Gigisingin kita pagkarating natin doon mamaya."

Tinanguan ko na lang siya at humikab ulit. Namimigat na ang aking mga mata kaya inayos ko ang upo ko at niliyad ang upuan para maging komportable ako sa pagtulog.

"Mahal na mahal kita kaya akin ka lang, Febie. Akin ka lang," bulong nito. Kahit antok man ay narinig ko ang katagang iyon.

Ramdam kong may bumuhat sa akin. Dahil na rin sa antok ay hinayaan ko at bigla akong nakaramdam ng malambot na bagay kung saan ako nilagay. Dumilat ako kaya kitang-kita ko na nasa isang kwarto ako. Queen size ang kama na pwedeng sampung tao ang maaaring matutulog, mga mamahaling kagamitan ang nakapalibot at nakikita ang karangyaan ng isang taong may kaya sa buhay. May lumalagasgas sa banyo kaya napaisip ako na baka si Eros ito. Hihintayin ko na munang matapos ito sa paliligo at ako ang susunod na maliligo kasi pakiramdam nanlalagkit na ako dahil na rin sa make-up na nailagay sa mukha ko. Habang naliligo ito ay nilibot ko ang kanyang kwarto at napadako ako sa isang frame na picture niya. Napatitig ako do'n at nangiti dahil 'di ako maaaring magkamali na ang kilala kong Eros noon at ngayon ay iisa. Ang minahal kong lalaki ngunit bigla itong nawala sa aking buhay nang walang dahilan. Sa tamang panahon malalaman ko rin ang dahilan kung bakit niya ako iniwan bigla noon. Minahal ko siya dahil sa katangian at ugali na mayro'n siya at sa ngayon ay gayundin ang nararamdaman ko at hinigitan pa ito sa pagdaan ng panahon.

The Anticipated Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon