Nakatanga lang akong nakaupo sa tabi niya. Hindi ko lubos maisip na ako pa ang nag-initiate sa halikang naganap kani-kanilang lang. Hindi pa humuhupa ang nag-aalab kong pakiramdam kaya tinuloy ko ang pag-inum ng alak para ma-divert ko ang aking atensyon. Ang katabi ko naman ay prenteng nakaupo lang sa tabi ko at nagmamasid lang ito sa akin. Pinapakiramdaman ang bawat isa.
"Tama na 'yan," bulong nito sa akin. Sa pagdikit ng kanyang bibig sa aking tainga ay nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam. Binalewala ko lang ang kanyang tinuran hanggang sa dumating sina Mhia at Jack na may kanya-kanyang hawak na kupita na parang may dugong mapula-pula rito. Masarap siguro ito kaya itry ko kayang uminom ng gano'n. Naiinggit ako sa mapula-pulang likido na 'yon. Tumayo ako at lumapit kay Mhia. Medyo pasuray man ang lakad ko ay namaintain ko pa rin ang poise ko para makarating sa kinaroroonan nito.
"Lablab, masarap ba 'yang hawak mo?" sabay turo sa kanyang hawak na babasagin. Nasisiyahan kasi ako sa kakaibang kulay nito. Parang napakawild na inumin.
"Ah, isa ito sa pinakaespesyal na inumin dito sa bar ni Jack. Bakit?" simpleng sagot nito.
"Gusto ko sanang tikman 'yan tila napakasarap sa lalamunan," bulong ko rito upang hindi siya marinig na dalawang lalaki. Napahagikgik si Mhia dahil sa sinabi ko. Parang namamangha siya dahil sa mga salitang ginamit ko. Hindi ko alam pero naeengganyo ako sa kulay nito.
"Masarap nga ito, lablab kaso may epekto ito sa katawan kapag naparami." Hinapit niya ang aking bewang at hinila ako sa pinakamalapit na upuan. Nagulohan ako sa kanyang tinuran pero gusto ko talaga ito. Kinuha ako ang kupitang hawak niya. Hindi naman ito umalma.
"Hinay-hinay ka lang diyan, ah. Iba ang magiging pakiramdam mo kapag marami kang nainum niyan," bulong nito. Hindi naman ako umimik at ininom ito. Medyo pangit ang lasa sa una at ang init ng hatid nito sa aking lalamunan. Binalewala ko ito at ininom lahat ang laman nito.
"Ehem, maaari mo ba akong ipakilala sa kaibigan mo, Mhia? Simula ng nakaupo ako rito ay hindi niya ako pinapansin at 'di man lang ako tinitingnan. Nakaupo na nga ako sa tabi pero tila ako itong pakialam," sambit nito. Tila nagmamakaawang hindi ko ito inimik. Kung pwede lang na ihagis sa kanya ang hawak kong kupita ay ginawa ko na. Paano ko iimikin o kakausapin ang taong nakahalikan ko lang kanina? Lutang na lutang ako kanina at may kakaiba akong nararamdaman kapag ito ay malapit sa akin kaya hindi ko ito pinapansin kanina pa. Inaangkin din ako nito at ang tanga ko dahil pumayag ako kanina.
"Siya si Febie Villanueva." Pagpapakilala ni Mhia sa akin. "Febie siya si Eros Santillan." Tinuro nito si Eros at ako naman ay sinulyapan ko lang siya. Napabuntong-hininga na lamang ako dahil sa nangyayari.
"Febie? Familiar ang pangalan mo sa akin." Napahawak ito sa kanya baba at napakunotnoo ito.
'Alalahanin mo, Eros. Ako ang babae sa park na matagal mo ng kilala.'
Munti kong hiling na sana maalala nito ang nakaraan ngunit ngumiti lang ito. Nadismaya ako sa kanyang reaksyon dahil hindi niya ako maalala. Umasa pa naman ako. Nalungkot ako at tinuloy na lang ang pag-inom.
"Bakit hindi ka nagsasalita, Feb?" tanong ni Mhia sa akin. Nag-ahon ako ng ulo at tumingin ako sa kanya.
"Wala namang kailangang pag-usapan,"simpleng sagot ko rito. Tinungga ko ang may laman pang baso ngunit biglang may humablot sa hawak ko. Napatingin ako sa kumuha no'n at ang nakatiim-bagang ang lalaking nakatingin sa akin ngayon sa aking harapan. Tumingin ako sa kanyang mga mata nagtatagis ito na kahit isang segundo lang ay mag-aalab ito. Napalunok ako sa nakikita ko sa kanya. Tila galit na galit ito sa akin. Anong kasalanan ko? Wala naman akong naaalalang may nagawa akong kasalanan dito.
Tumingin ito kay Mhia. "Maaari bang ako na lang ang maghatid sa kanya?" mahinahon na sambit nito. Sa ekspresyon naman ni Mhia ay tila naguguluhan sa nangyayari kaya napapikit ako na mariin. Sumasakit na rin ang ulo ko kaya napahawak ako sa sentido ko at hinilot ito.
"Okay lang naman sa akin. Basta makikita ko 'yang buo na ihahatid mo sa bahay ko." Tinuro niya ako. Gusto ko sana magprotesta pero nakaramdam na rin ako ng hilo kaya wala na rin akong nagawa kunti tumango sa kanya.
"Oo naman. Magiging maayos at kung ano ang nakikita mong Mhia ngayon ay siyang ihahatid ko sa bahay mo," seryosong sambit nito. Napatango na rin si Mhia dahil sa kaseryosohan ng lalaki. Si Jack naman ay pangisi-ngisi lang sa isang tabi at nakikiramdam siguro sa nangyayari.
Tumabi sakin si Eros na parang walang nangyari kanina. Kalmado na ang kanyang paghinga at hindi na rin nakakunot-noo. Napadaop-palad ito na tila kay lalim ng iniisip.
'Ano kaya ang iniisip nito? Galit ba ito sakin?'
Pinikit ko na lang ang aking mata dahil sa nararamdamang kahiluhan. Nag-uusap ang tatlo pero hindi ko na sila pinakinggan at hinayaan sila kung anuman ang topic nila. Sa tingin ko tungkol lang naman ito sa business ng mga ito.
Bigla kong naramdaman na may bumuhat sa akin. Niligkis ko ang aking kamay sa kanyang leeg at sumiksik sa kanyang dibdib. Ang bango-bango nito nakakaadik. Sinamyo-samyo ko ito at wala akong pakialam kung sinuman ang bumubuhat sakin. Ang gaan sa pakiramdam na may yakap-yakap kang ganito kalapit. I feel safe and secured all the time. I tighten my arms holding his neck and kiss it a bit. Napapitlag at napasinghap ito dahil sa aking ginawa. Napahagikgik naman ako sa aking nagawa. Nasisiyahan na may kakaibang namumuo sa aking isipan na kapilyahan. Patawarin sana ako ng nasa itaas pero hindi ko mapigilan ang aking sarili na halik-halikan ito sa leeg.
Naalala ko kanina na si Eros pala ang maghahatid sa akin kaya ito siguro ang nagbubuhat sa kanya. Napangiti ako ng lihim sa alaalang mayroon kami noon. Kilala ko ang Eros ito, siya ay maaalaga at hindi ito basta-basta nananakit ng babaeng katulad ko. Sana sa pag-angkin niya sa akin ay simula ng pagmamahal nito kagaya ng mga nabanggit nito kanina lamang na mahal siya nito kahit nakatingin lang ito sa malayuan.
BINABASA MO ANG
The Anticipated Love (COMPLETED)
RomanceHighest Rank No.2 in #wattpadromance May dalawang taong nagtagpo ngunit ang kapalaran nila'y 'di pinagbigyan ang bawat nararamdaman ng mga ito. Nagmahal, nasaktan, nagbago ang pananaw at ang damdamin ba ay kumupas na at unti-unting nawawala sa pagli...