CHAPTER 21: THE PLAN

222 10 0
                                    




Hindi ko mapigilan ang pagsilay na aking maningning na ngiti. Kinikilig ako sa sa paghawak niya sa aking kamay.

"Hintay muna. Kailangan kong magpaalam kay Mia." Tinanggal ko ang aking kamay sa magkahugpong naming mga kamay. Ayaw pa sana nito bitawan ngunit hinila ko ito. Pumunta ako sa kwarto niya pero nang binuksan ko ay wala namang tao kaya hinalughog ko ang bahay kung saan siya maaaring makita ngunit wala akong makita kahit anino nito.

"Nasaan na ang babaeng 'yon." Humihingal na umupo sa isang sofa malapit kay Eros.

"Umalis sila ni Jack," sambit nito.

"Aba, alam mo naman pala na lumabas silang dalawa bakit 'di mo ako pinigilan kaninang hinahanap ko siya," inis kong tinuran. Ang hirap kaya maglakad na may 5 incles na taking at ganito pa ang suot ko. Ang sarap manapak sa taong nasa harapan ko ngayon. Prente itong nakaupo at nakaharap sakin na parang wala lang nangyari.

"Let's go." Sambit nito. Ang seryoso ng pagkakasabi niya kaya kaya tumayo na lang ako at sumunod sa kanya. Nagngingitngit pa rin ang pakiramdam ko kaya hanggang sa kotse nito. Hindi ako umiimik o kahit isang salita man lang ay walang namutawi sa aking bibig. Nakipagpakiramdaman ako sa kanya kung ano ang kanyang gagawin ngunit wala naman itong salita, nakatutok sa daanan at walang pakealam sakin. Hindi ko alam kung ano ba kasalanan ko dito. Imbes na ako ang naghihimutok ng butsi rito ay ito pa yata ang kailangang kausapin. Mga lalaki talaga masyadong pamisteryoso.

"Bakit hindi ka nagsasalita," bulong ko rito. Landi mode naman ako ngayon kahit naiinis pa rin ako sa kanya dahil sa 'di pagsabi sa akin na wala pala si Mhia sa bahay. Napabalikwas ito bigla at nanlaki ang kanyang mga mata. "Kanina ka pa 'di nagsasalita," turan ko. Hindi na ako makatiis pa kaya tinampal ko ang legs nito. Napasinghat ito na tila nahihirapang huminga.

"Ano bang nangyayari sa'yo? Sagutin mo nga ako. Kanina ka pa, ah," sambit ko. Naiirita na ako dahil 'di man lang ito umimik. Umayos na lang ako sa aking inuupuan at tumalikod dito ngunit bigla nitong kinabig ang kanyang sasakyan sa medyo madilim na gilid ng daan. Napadako ang aking mga mata sa kanya ngayon, hindi ko masabi kong ano ba itong nararamdaman ko pero sa pagtitig niya ay para akong nahohopnitismo.

"Bakit nililigawan mo ba ako para sagutin kita? Ako ang nanliligaw kaya ako ang sagutin mo, meine Liebe." Tinuro niya ang kanyang sarili. Hinawakan niya ako na may diin sa aking magkabilang braso. Napakaseryoso nito ngunit kung susumahin ay ang daming gustong ipahiwatig ang kanyang mga mata sa akin tulad ng pagnanasa at pagmamahal. Kahit alin man sa dalawa ay tutugunan ko naman kasi mahal ko na ito. Kahit nagpapakilig na niya ako at nahulog na sa kanya ng minsanan ay 'di ko pa rin mawaglit sa aking isipan kung seryoso nga ito sa akin.

"Seryoso ka ba talaga sakin, Eros? Iyong makatutohanang sagot at mula sa puso mo magmumula, ha. Ayoko ng maloko pa at masaktan," sambit ko. Alam kong 'di ko sinagot ang tanong niya ngunit gusto kong makapanigurado na akin lang siya. Ako lang at wala nang iba na babae kundi ako lang maliban sa mama niya.

"Oo, seryosong-seryoso ako sayo, Febie. Sayong-sayo mo lang ako," aniya. Hinawakan nito ang aking pisngi at hinahaplos ito. "Please love me back at ang mommy ko ay gusto na ring magkaroon ng apo." Yumuko ito ngunit 'di nakawala sa akin ang pamumula ng kanyang tainga na ibig sabihin ay nahihiya ito at nagba-blush. Pero seryosong kaganapan ang sinasabi niya, humihiling ang kanyang mommy na isang apo.

'Handa na ba ako sa bagay na iyon? Pero kung sa kanya lang naman ako babagsak ay gusto ko na rin dahil paplanuhin namin kung paana bumuo ng isang masayang pamilya.'

"Gusto mo bang makabuo ng isang masayang pamilya?" tanong ko. Handa akong ibigay sa kanya iyon kung gugustuhin niya.

"Oo, gusto kong bumuo ng isang masayang pamilya. Iyong magkakasama sa lahat ng bagay. Wala 'yong mga third party sa pamilyang bubuoin ko. At sa pamilyang iyon gusto kong ikaw ang maybahay ko. Gusto kong ikaw ang uuwian ko sa bahay at sa pagdating ko ay handa kang alagaan ako, pagsilbihan ako bilang ama ng mga anak natin. Gusto kitang makasama habang-buhay," mahaba nitong paliwanag. Naantig ako sa kanyang sinabi dahil sa kung iisipin ko ay gano'n din ang gusto kong pamilya.

"Gusto ko ang gano'ng pamilya. Gusto ko 'yong walang iwanan at masaya lang na magkakasama sa buhay. Iyong bawat araw ay masaya, sama-sama at laging nakasuporta na kahit may mga rason minsan na gusto mo nang sumuko ay 'di mo na magawa dahil sila na ang gagawin mong lakas at inspirasyon sa lahat ng dapat mong gawin sa buhay."

"Iyon din ang gusto ko. Kung parehas naman tayong bumuo ng gano'ng pamilya why not me? Choose me, meine Liebe. Please," pagmamakaawa nitong sambit. Hindi ko mapigilan na umiyak sa kanyang harapan. Dumating ang taong gustong-gusto kong magkaro'n. Ang pumuno ng aking mga pangarap na makabuo ng isang masayang pamilya.

"Sorry, sorry kung napaiyak kita ngayon. Sorry pero mahal na mahal kita kaya 'di ko babawiin ang mga sinabi kong gusto kong bumuo ng pamilya kasama ka. Oo, mabilis itong nangyari ngunit nandito na, oh." Tinuro ang kanyang dibdib. "Laman ka nito, wala nang iba at sayo ko lang ilalaan ang pagmamahal na ito," aniya.

"Oo, Eros. Handa akong makasama ka habang-buhay. Kahit sa kunting panahon man lang na nakilala kita ay tumibok ang puso ko para sa'yo. Aaminin ko 'yon dahil 'di ko na rin mapigilan ang damdaming pumapaloob sa aking dibdib. Sinasagot na kita, Eros."

"T-talaga," nauutal nitong wika.

"Oo. Sinasagot na kita, Eros. Handa akong mahalin ka higit pa sa pagmamahal na maibibigay mo sa akin. Mamahalin din kita ng wagas at pawang katotohanan lang ang sasabihin ko sa bubuoing relasyon nating ito." Naluluhang tinuran ko habang nakatingin ako sa kanya upang maiparating dito na seryoso ang aking sinambit.

"Thank you so much. Pinasaya mo ako nang sobra ngayong gabi, meine Liebe." Yumakap ito sa akin at naramdaman ko na medyo nabasa ang aking balikat. Hindi ko maintindihan pero masaya ako ngayon.

The Anticipated Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon