CHAPTER 2: BESTFRIEND

391 16 2
                                    

PAGKALABAS ko ng bahay ay agad akong umalis. Akala ko napakaimporteng pangyayari ang magaganap ngayong araw ngunit hindi ako naging masaya. Masasaktan pala ako sa araw na ito. Akala ko ako lang, eh. Niloko lang pala ako ng lalaking 'yon. Isang taon akong naging tanga at nagbulag-bulagan sa katotohanang hindi ako minahal nito kahit katiting man lang.

Naglalakad ako sa daan. Hindi ko alintana ang mga taong nakatingin sakin. Anong pakialam nila, eh brokenhearted ako. Huwag lang nila ako sitahin at tanungin para hindi ko sila masigawan o kaya masuntok dahil gusto kong ilabas ang frustrations ko sa pambubugbog.

It's hard to live alone; harder to choose someone to love but the hardest thing is to admit that I have fallen in love with some who can never be mine because he's only pretending and nothing else. Wala talagang forever. Bakit pa kasi nauso ang salitang forever na 'yan napakapaasa sa mga taong gaya ko.

'Maybe there is a perfect time and a perfect person for me.'

May narinig akong hagitgit ng isang saksakyan. Nakita ko na lang na malapit na pala akong masapol ng isang kotse.

"What the hell, Miss! Kung magpapakamatay ka huwag kang mandamay!" Sigaw nito sa akin.

Tiningnan ko ang aking paligid nasa highway na pala ako. Hindi ko napansin na nakalayo na pala ang nalakad ko. Lutang na naman ako.

Tiningnan ko ang lalaki. Ang gwapo pero ang sungit.

"Sorry po."

"Aaah! Kung hindi ka lang babae baka nasuntok na kita!" Singhal nito at umalis na.

Sinundan ko ang pag- alis ng kanyang kotse. Ang bilis nitong magpatakbo. Napailing na lang ako at pumunta sa kaibigan kong si Mhia. Sino nga ba si Mhia sa buhay ko? Siya ang kaibigan ko simula ng nawala ang mga magulang ko maliban sa lalaking nakilala ko noon sa park. Nakilala ko siya noong naghahanap ako ng trabaho. Aksidente ko siyang nabangga sa isang restaurant at iyon ang pinapasukan ko ngayon. Simula noon ay naging kaibigan ko na siya at higit sa lahat I find myself because of her. Muli kong binangon ang sarili sa pamamagitan niya.

Pumara na lang ako ng taxi upang mapadali ang pagpunta ko sa bahay ni Mhia. Sigurado ako na nandoon siya sa bahay niya dahil alam ko na rin naman ang schedules niya. Pag-upo ko sa taxi at napatingin sa akin ang driver dahil patuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko na lang siya pinansin. Magbabayad naman ako.

Sa pagtigil ng taxi sa bahay niya ay nagbayad agad ako sa driver ng taxi at tinakbo ang pinto para kumatok.
"Bakit ka umiiyak?" Hinila niya ako at niyakap. Mas lalo akong napaiyak dahil sa pagyakap niya sakin. Sa kanya ko lang pinapakita ang ganitong side ko and I'm thankful that I have her anytime.

"Mhia," sabi ko sa kanya. Nakayakap pa rin siya hanggang sa mapaupo niya ako sa sofa ng kanyang sala.

"Ssshh. Tahan na. Nasasaktan ako kapag nakikita kitang ganyan. Ano ba ang nangyari?"

Kwinento ko ang nangyari kanina. Habang nagkukwento ako ay hindi ko talaga mapigilan na masaktan. Nagmamahal nga di ba. Ang relax ko pa kahapon at hindi inalo ang isang kaibigan ko sa trabaho tapos ngayon ako ang sumunod. Karma is real.

Napabuntong hininga ito. "Matagal ko ng alam na meron siyang babae, Bie. Hindi ko masabi-sabi sayo kasi ang gusto ko ikaw mismo ang makaalam at 'pag ako ang nagsabi 'di ka naman maniniwala sakin dahil kilala na kita. Alam kong 'di ka maniniwala hanggat walang pruweba."

"Okey lang 'yon. Naisip mo pa rin kung ano ang mararamdaman ko. Kilala mo na ako. Tama ka. Mas gugustuhin kong malaman mismo kaysa sa sabi lang. Naglihim ka sakin pero okay lang sakin dahil alam kong alam mo na ang ugali ko simula pa lang," malumanay na sambit ko. Medyo nahimasmasan na ako ngayon dahil nailabas ko na ang lahat at mga hinanakit ko. Mabuti na lang at good listener ang kaibigan kong ito.

"Tama na 'yan. Wala siyang kwentang lalaki kaya huwag mong sayangin 'yang luha mo sa isang tulad niya. Di niya deserve ang luhang tumutulo dyan sa mga mata mo dahil niloko ka lang niya. Iyon ang katotohanan na dapat mong tanggapin." Wika nito.

"Bakit kailangan ko pang masaktan? Ang mga taong mahalaga sa akin ay lagi naman akong sinasaktan nang walang pakundangan. Patuloy pa rin ba akong masasaktan kagaya nito? Lagi na lang. Nakakasawa na. Kailangan bang iwanan ako ng mga taong mahahalaga sa akin at lokohin ako ng ganito? Tapos malalaman kong may kapalit na pala ako na iba kahit nasa relasyon pa lamang," paghihimotok ko.

"Nandito ako 'lagi para sayo, kaibigan. Dadamayan kita parang kapatid na rin ang turing ko sayo. Nahihirapan ka sa sitwasyon mo ngayon pero kailangan mong magpakatatag. Sasamahan kita 'lagi. Huwag mong lahatin na ang lahat ng lalaki ay kaya kang iwan. May tamang tao na para sa'yo at magmamahal ng tunay at totoo. Yung hindi mo na kailangan pang hilingin na manatili siya kundi kusa niyang gagawin iyon dahil mahal na mahal ka niya. Magiging masaya ka, makikita mo rin siya. Mamahalin ka ng higit pa sa inaakala mo." Mahaba nitong paliwanag sa akin.

Wala na akong masabi kaya sinunggaban ko na lang siya ng yakap.

"Salamat, Mhia. Ikaw na lamang ang meron ako sa buhay. Maraming salamat at 'lagi kang nandyan para sa akin."

"Walang anuman. Basta ikaw. Huwag mong kakalimutan na may isang tao pang magpapasaya. Ako."

"Inum tayo sa Bar mamayang gabi?" Sumisinghot- singhot na aya ko sa kanya.

Talagang biglaan ito. Nagyaya ako. Nasaktan talaga ako, eh. Sasamahan lang naman ako nito dahil hindi naman ito umiinom.

"Sige, pero di ako iinum. Baka ikaw ay magwala 'pag nalasing ka." Sabay tawa nito.

"Oo na. Basta samahan mo ako ha. Mahal na mahal kita bestfriend. You're the best talaga."

"Hay naku, nambola ka pa. I love you too bestfriend." Sabay yakap sa kanya. "Tahan na." Yumukyok ako sa kanyang tabi at nakipagkwentuhan sa kanya. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako habang nakikipag-usap.

 Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako habang nakikipag-usap

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Anticipated Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon