EPILOGUE

395 13 8
                                    

EPILOGUE

Sa oras na iyon na pag-amin niya na nagdadalang-tao siya ay naging maingat ako sa kanya. Naging padalus-dalos ako sa pag-angkin sa kanya na walang pakundangan. Inamin ko na rin sa kanya ang lahat-lahat sa araw ring iyon.

"May dapat ka ring malaman. Buntis ako at ikaw ang ama."

Biglang nagpantig ang aking tainga sa aking narinig.

"Ano ulit ang sinabi mo?"

"Buntis ako magdadalawang buwan na at ikaw ang ama. Ilang ulit mo ba akong niromansa simula noong gabing nakuha mo ako? Hindi mabilang, 'di ba? Hindi rin tayo gumagamit ng proteksyon noon dahil nga gusto nating bumuo ng ng masayang pamilya," mahaba nitong sambit.

"Yes! Magiging daddy na talaga ako?" tanong ko sa kanya.

"Oo!"

"Maraming salamat na binigyan mo ako ng pagkakataon na makasama ko kayo ng magiging anak natin, meine Liebe," madamdamin kong sambit. Yumakap ako sa kanya. "May aaminin ako sa'yo. Ako nga pala ang lalaking iyon na bigla na lang nawala sa buhay mo noon ang nakilala mong Eros na nakikilalang Zero sa nakakarami. Sorry dahil iniwan kita nang basta-basta noon. Maraming problema ang naganap sa aking pamilya. Nagkakumplikasyon sa puso ang mommy ko, nambabae ang daddy ko at kinailangan kong samahan sa States ang mommy para magpagaling. Ang araw ring 'yon na nagkita tayo ay mahal na kita ngunit tila pagkakaibigan lang ang nararamdaman mo kaya hindi ako nagtapat sa'yo," mahaba kong paliwanag sa kanya.

"Alam ko, ikaw ang Eros na iyon na nakilala ko. At sandaling iyon ay mahal na rin kita. Ngunit sa maling pagkakataon nga lamang. Pero kahit anoman ang rason ang pagkawala mo noon ay tatanggapin ko. Pamilya ang inuuna at hinahangaan kita roon. Matatag kang lalaki at gusto mong magkaroon ng buong pamilya, hindi 'yong pamilyang nakagisnan mo na 'di buo. Kahit na anong mangyari, ang puso ko'y muling nagmahal sa taong una ko ring minahal noon. Nagmahal man ako at nasaktan, tingnan mo ngayon at magkasama na tayo," sambit nito. Sa pagkakataong iyon ay napaiyak ako. Nakakabakla man na maituring ang pag-iyak ngunit 'di matatawaran ang galak ng aking puso na sinambit ng aking pinakamamahal na babae. At minahal ako nito noon pa.

Sa araw ring iyon, pinagawa ni sister Teresa ang mga makalumang gawain ng isang lalaki, ang mag-igib ng tubig, mag-alaga ng mga bata, magluto at iba pang gawain na makaluma ngunit tinanggap ko ang hamon na iyon para sa kanya. Hindi ako nag-atubiling yakapin ang sinaunang tradisyon kung paano makuha ang puso ng isang babae. Nagharana rin ako sa mismong ampunan, nagbigay ng mga bulaklak, tsokolate, lahat-lahat na.

Ilang taon na rin ang lumipas pero hindi ko mawaglit sa aking gunita ang pangyayaring iyon. Nagpapasalamat ako sa maykapal dahil binigyan niya ako ng pagkakataong maging masaya at makabuo ng pamilya na aking pinapangarap noon pa. Masaya na ako ngayon dahil kasama ko na ang pamilya ko kasama si Mommy, ang pinakamamahal kong babae na si Febie Villanueva- Santillan, at ang nag-iisa naming anak na lalaki na bunga ng aming pagmamahalan; si Uno Santillian.

"Daddy! Daddy! Mommy is coming, aaaahh!" sigaw nitong tumatakbong papunta sa akin. Binuhat ko naman siya. Tiningnan ko ang aking asawa na hingal na hingal sa paghabol sa aming anak.

"Uno," seryosong turan ng aking asawa.

"Mommy, I'm sorry," humihikbing sagot nito.

"Anong nangyari?" naguguluhang tanong ko sa dalawa.

"Ang anak mo, limang taong gulang pa lang pero nanghahalik na. Iyong isang babae na kalaro nila, hinagkan niya. Ayon umiiyak," paliwanag nito. Napatingin naman ako sa aking anak. Nakatakip ang dalawa nitong maliliit na kamay sa kanyang mga mata.

"Bakit mo ginawa iyon, anak?" mahinahon kong tanong.

"I like her, Daddy. That's why I kiss her," sambit nito.

"What the---"

"Eros!" pagsuway ng aking asawa. Napabuntong-hininga naman ako dahil sa nangyayari.

"Uno, hindi mo dapat ginawa iyon. Bata pa kayo," sagot ko sa aking anak.

"But I saw you daddy kissing mommy!" katwiran nito.

"Yes, I kiss your mom. Because I love her kaya ka nabuo," paliwanag ko.

"Oh, that means the girl I kiss outside will be pregnant too, daddy?"

Natawa naman ako sa kanyang tinuran.

"No. But please, huwag kang manghalik ng babae dahil lang sa nagugustuhan mo siya. Naiintindihan mo ba? Paglaki mo ay malalaman mo rin ang ibig kong sabihin."

"Parehas kayong mag-ama mahilig humalik," pabulong-bulong ng aking asawa. Napailing na lang ako rito dahil nakanguso itong nakatingin sa amin. Lumapit ako sa kanya at hinapit sa baywang.

This is my family. Masaya, buo at makulay ang mundo.

"KAHIT NAGMAHAL KA, NASAKTAN AT NALOKO. MAY DARATING DING PAGKAKATAON NA MAHANAP MO ANG TAMANG TAO PARA SA'YO. SA PAGLIPAS NG PANAHON, MAKIKITA MO NA LAMANG NA MARAMI PANG MAGBABAGO NGUNIT SA PAGBABAGONG IYON AY ANG BAGONG PAGKATAO NA PUNO NG POSITIBONG BAGAY AT HANDA KANG HARAPIN ANG LABAN NG BUHAY."

~SWEETPOSSESSIVE

The Anticipated Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon