CHAPTER 4: DRAMA

338 12 1
                                    

"Mhia, nasaan na ba tayo? Ang tagal naman ng biyahe natin. Bar lang ang pupuntahan natin, bakit ang layo?" pangungulit ko sa kanya.

"Di ba napag-usapan na natin kanina na ako ang bahala sa pupuntahan nating bar?" sagot nito.

"Eh, Oo nga. Kaso ang layo na ito."

"Ako ang masusunod ngayon. Napag-usapan na. Period." Penal na sabi nito.

"Oo na."

Flashback

"Mhia hanap na lang tayo ng bar na malapit dito sa inyo. Para 'pag nalasing ako, eh madali lang tayong makauwi sa bahay mo. Ako lang naman maglalasing di ba?" tanong ko sa kanya.

Parang wala lang sakin yung nangyari kanina. Nangungulit na naman ako sa kanya pero sa loob-loob ko gusto ko nang maiyak ulit. Kaso nga lang ayaw ko na kaawaan ako ng bestfriend ko. Baka may gawin na naman ito para mapasaya ako. Mga move niyang di ko inaasahan. Sinusurpresa ako 'lagi.

"Ako na bahala sa Bar na pupuntahan natin. Relax ka lang safe tayo sa pupuntahan natin. Kilala ko rin ang may-ari ng Bar kaya 'wag kang mag-aalala. Malay mo malibre tayo, tapos wala ka nang babayaran pa." Sabay tawa nito. Ang yaman nito pero ang kuripot.

"Wow. May kilala ka palang mag-ari ng Bar. Oh sige doon na tayo." Excited kong tugon. Lagi ko siyang kinukulit kanina pa kaya baka naiinis na ito sa akin kaya tinalikuran ko siya at pumunta sa sala. Busy kasi siya sa oven kung saan nagluluto siya na banana cake.

"Grabe ha. Ano akala mo sakin? Walang kilala? Hindi ako gaya mo na isolated na tao. Iiilan lang kilala mo sa mundong ibabaw. Isa na ako doon." Pagmamayabang nito. Sinundan pala niya ako sa sala. Hindi ko namalayan 'yon at may pagka-ninja pala itong bestfriend ko.

"LOL. Ikaw na. Mayaman ka, eh. Sanay ka na sa pakikihalubilo sa iba. Pinanganak akong mahirap, eh. At ikaw pinanganak kang may ginto sa bibig. Tapos ako naman wala man lang kumupkop sa akin noong namatay ang mga magulang ko."Madrama kong sagot. Alam ko kahinaan nito lalo na 'pag naalala at nasasabi ko sa kanya tungkol sa aking mga magulang. Pagpuppy-eyes pa ako para mapaniwala siya na naiiyak na ako.

"Oo na lang. Tama na sa kadramahan." Sabay nitong tawa. "Basta ako na lang bahala mamaya sa pupuntahan natin".

"Oo. Basta ikaw na bahala mamaya. Pero huwag mo ko pipigilan ha? Kahit ngayon lang gusto kong magpakalunod sa alak."

"Yes. I will allow you to drink too much alcohol this time but I will stop you when you can't stand yourself anymore." Paalala nito sakin.

"Yes, my love, my bestfriend. I love you. Thank you so much." Pagdadrama ko.

"Well, stop that. Kadiri ka talaga," Turan nito.

"Wow ha. Nilalambing lang kita, eh," Tugon ko naman.

"Oo na," Penal namang tugon nito sakin.

~~

'Ang sweet ng bestfriend ko. Kahit magkaiba man ang aming katayuan sa buhay.'

"Nandito na tayo," bigla nitong sambit.

"Wow. Ang gara Mhia. Ang yaman ng kakilala mo, ha." Lumabas ako kaagad sa kotse nito at pinagmasdan ang malaking bar na nasa harapan ko.

"Ah, oo. Mayaman nga siya," pagsang-ayon nito. "Mayaman nga siya. Pero 'di naman napapansin kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya.  Pero huwag ng isipin 'yon at ikaw muna pagtutuonan ko ng pansin," medyo malungkot nitong sambit.

"Huwag ka ng malungkot dyan. Sayang ang ganda mo kung paairalin mo lang ang kanegahan mo ngayon."

"Wow. Ikaw pa nakapagsabi niyan sa akin, ha? Ikaw kaya ang brokenhearted dito hindi ako." Sinapok niya ako sa ulo kaya napasapo ako sa aking batok. Ang harsh ng bestfriend ko grabe.

"Halika ka na. Pasok na tayo," Inaya na ako nitong pumasok sa loob. Mabilis namang humawak ito sa mga braso ko at hinila pa ako hanggang sa makapasok sa loob ng bar.

Mabilis itong naghanap ng pwesto at umupo. Nakahanap ito ng pwesto na medyo tago ngunit nakikita ang mga tao sa paligid. Marami ring nagsasayawan sa gitna ng dance floor at ang haharot ang mga taong naroroon.

Nag-order agad ako ng pinakamatapang na alak sa bar na ito. Si Mhia naman ang magbabayad kaya okay lang. Alam kong nasasaktan ang bestfriend kong nakikita akong ganito. Pero gusto ko munang magpakalunod sa alak para kahit paano maging manhid ang pakiramdam ko. Kahit ngayon lang. Alam ko din na hinahayaan niya lamang ako sa gusto ko. Nangungulit ako sa kanya pero alam ko naaawa na din siya sa akin. Inum lang ako ng inum. Hindi ko alintana ang mga taong nakapaligid sakin. Gusto kong maging manhid ang puso ko. Ang sakit-sakit kasi. Hindi nga ako lumuluha pero hindi maipagkakaila na nasasaktan ako.

"Mahirap ba akong mahalin? Mahirap ba?" Kausap ko ang baso na may laman na alak.

"Minahal ko siya ng sobra-sobra, alam mo 'yon. Akala ko siya na pero hindi pala. Akala ko lang pala 'yon." Hagulgol ko bigla. Wala akong pakialam kung anuman ang sabihin ng ibang tao sa akin na naririto ngayon at nakikita akong umiiyak. Parang baliw na nakikipag-usap sa isang baso.

Nandito kanina si Mhia pero ng may isang lalaki na lumapit sa amin ay bigla siyang nagpaalam. Hindi ko na lang sila pinansin kung umalis ba sila o hindi. Ang alam ko lang ay nag-uusap sila. Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila dahil sa malakas na tugtog na nagmumula sa kumakanta ngayon sa stage. Medyo rakrakan ang pagkanta nila kaya mas naenganyo rin ang mga tao sa loob ng bar.

Pinagpatuloy ko ang pag-inum hanggang sa maging manhid ako at wala ng maramdaman. May naramdaman akong tumapik sa aking mukha pero hindi ko na maimulat ang aking mga mata.

'I know you'll never love me as you have said. I know you never think of me, it make me more want to cry. I do know that I love you but somehow maybe you are not the one for me. This sad world I'll be happy even through I'm lonely tonight in the corner of this bar."

What a drama of me. I will never beg for love. I will have one someday.

The Anticipated Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon