Sa araw na 'yon Hindi naman sumakit ang tiyan ko. Gumagaling na magluto si Mhia. Sa hapong ding 'yon napagdesisyonan namin na kunin na ang gamit ko.
I can't change the direction of the wind but I can adjust my sails to always reach my destination.
I saw Mhia's smile. Two things are important in our life. Our friendship first one, I should make. And second one, I should keep her, treasured her a lot.
"Alam mo—"
"Hindi pa."
"Wait lang. Binibitin mo sasabihin ko, eh."
"Go on. I'm listening."
"Yung sinabi ni Manong sa sementeryo. Dapat alagaan ko raw 'yong mga taong nananatili sa buhay ko. Huwag balewalain at dapat 'di ipadama na walang halaga ang isang tao sa buhay natin." Tumingin ako sa kanya. "Maraming salamat," Madamdamin kong sambit rito.
Hindi ko alam pero nagiging emosyonal ako sa ngayon. Ang gusto ko maging masaya na ang bawat araw ko na ilalaan sa mundong ito. Lahat ng taong nakapaligid sakin na alam kong 'di ko na kayang bitawan ay pahahalagahan ko ng taos-puso at tatanggapin sa buhay ko.
"Basta ikaw, Bie. Kahit naman sa simula pa lang ay magaan na ang loob ko sa'yo. Siguro nga pinagtagpo tayo at magkakilala dahil sa kailangan natin ang isa't isa. Kahit 'di man tayo magkadugo, kapatid na ang turing ko sa'yo. Magkakasama na tayo sa iisang bahay kaya masaya ako at nakapag-isip-isip ka na sa wakas."
"Maraming salamat. 'Di na naman ako makakahanap ng katulad mo. Naiiba ka rin naman sa mga taong nakilala ko at nakasama. I found my mirror in you. You know me better than I am as the same time as you as my friend. Still, you know my imperfection and everything. You stay in my life."
"Kinikilig naman ako. We're just like the plant as our friendship goes. Our friendship is deeply rooted; it is a plant that cannot even be uprooted by a storm."
"I guess so. As your bestfriend, I do not give promises but I do it with my actions. You know how I value our friendship is."
"Thank you so much, Mhia."
"Napapansin ko sayo, masyado ka yatang emosyonal this past few days. Is there something wrong?"
"None. I don't have any problem. I just find myself like this towards you. Maybe because I miss my parent to be with. So here I am in front of you so emotional."
Tumango ito. "Let's a hang-out tomorrow. You want?"
"I do," pagsang-ayon sa kanya.
"Same place as before, ha?"
"You're the boss." Sabay hilata sa kama.
"Inaantok na ko," sambit nito.
"Matulog ka na. Tabi tayo. Oo nga pala, sa next day off ko na lang na maghang-out, ah. You know work," inaantok na sambit ko. Habang nakayakap na sa isang malaking napakalambot na unan.
"Ang swerte naman 'yang unan na 'yan at siya ang yakap mo. Ako ngang bestfriend mo ayaw mo man lang yakapin."
"Halika na nga rito. Masyado kang emotera. Oo na ikaw na yayakapin ko." Hinila ko na siya sa higaan at niyakap siya ng mahigpit.
"Good night, Mhia."
"Good night too, Febie. Sweet dreams," sambit niya.
Masyado nang mapungay ang kanyang mga mata para bitawan pa ako. Niyakap ko na lang siya hanggang sa makatulog ako.
MAKALIPAS NG ILANG ARAW napagdesisyonan namin na after work na kaming pumunta muna sa Park para sa day off ko na mismo ang pagpunta namin sa Bar.
I smell fishy sa bestfriend ko at sa sinasabi niyang kaibigan. Iba ang ngiti nito kapag hawak nito ang cellphone niya. Parang baliw itong nakangiti na 'di mo mahulaan kung para saan ang pagngiti nito bigla. Gusto ko na sana siyang pagtripan nitong nakaraan pero hinayaan ko muna at baka masira ko ang maganda niyang mood.
KASALUKUYAN kaming nasa park ngayon. Nandito ako sa paborito kong bench kasama si Mhia. Nasisiyahan din siya sa kanyang nakikita sa park. Ang saya-saya ang mga batang naghahabulan, nag-islide, swing at iba pa. Talagang 'di ko maiwasan na alalahanin ang mga magulang ko noon na magkakasama pa kami na naglalaro sa park. May dalang basket, telang gagamitin para may maupuan.
Napapangiti na lamang ako kapag nandito ako. Narerefresh ang mga masasayang memories na nangyari sa akin kasama ng mga magulang ko.
"Febie, napapansin mo ba 'yong guy na nando'n sa may puno na 'yon? Yung may laptop sa harapan niya?" tinuro niya 'yong isang lalaki.
"Hindi naman, bakit?"
"Napapansin ko kasi na palagi siyang nakatingin sa pwesto natin. Ngayon lang ba yan dito?"
"Hindi ko alam. Kasi nagbabasa lang ako dito, tumitingin sa mga batang naglalaro at yung buong pamilya na nagkakasiyahan. Siguro lagi siyang nandyan. I don't know, maybe coincidence lang na napapatingin siya sa direksyong ito."
"Kanina ko pa kasi napapansin na nakatingin. Ikaw yata ang tinitingnan niya. Di ako nagkakamali. Kanina pang pag-upo natin dito lagi na siyang sumulsulyap dito. Minsanan na nga lang tumingin sa laptop niyam eh," maobserbang eksplenasyon nito.
"Hayaan mo na. Baka 'yong mga tinitingnan din natin na mga bata ang tinitingnan niya."
"As you say so."
"Oo. Bukas nga pala anong oras tayo pupunta sa bar?" pag-iiba ko ng topic.
"Mga 7PM siguro pagkatapos nating kumain. Mahirap na kapag 'di nakakain, madali ka matamaan ng alak."
"Di naman masyadong magpapakalasing. Iwas tayo doon para iwas disgrasya 'pag nakauwi."
"Oo. Tama ka rin naman dyan. Ipapakilala din kita sa kaibigan ko. Lasengga ka kasi no'n kaya hindi ko siya naipakilala nonn sa'yo. Heartbroken ka, eh." natatawa nitong sambit.
"Yeah, yeah. Thank you," sarcastic kong sagot.
Natatawa naman siya sa reaksyon ko.
"Gano'nn talaga ang buhay down ka kasi masyado noon. Makikilala mo rin naman siya."
"Alam mo, I smell fishy on you two; your guy friend."
"Wala."
"Nakakapanghalatahan ka masyado sa reaksyon mo." Sinundot-sundot ko ang tagiliran niya.
Hindi naman siya naimik at parang ang lalim ng iniisip nito.
"Crush ko lang siya. No more than that," nahihiya nitong sagot.
"Tingnan natin." nakakalokong na tiningnan ko siya.
"Bahala ka nga dyan." pagmamaktol nito.
Natatawa na lang ako sa kanya. Aamin din pala na may crush siya sa kaibigan niyang lalaki. Hindi rin naka-hindi na umamin sa akin. Ang galing ko magpaamin. Hashtag WERPA
"May pangbabato rin ako sa'yo balang-araw. Tandaan mo 'yan." pagmamatok nito at tumayo na. Kaya sinundan ko na lang siya hanggang sa makarating sa kotse nito.
'
BINABASA MO ANG
The Anticipated Love (COMPLETED)
RomanceHighest Rank No.2 in #wattpadromance May dalawang taong nagtagpo ngunit ang kapalaran nila'y 'di pinagbigyan ang bawat nararamdaman ng mga ito. Nagmahal, nasaktan, nagbago ang pananaw at ang damdamin ba ay kumupas na at unti-unting nawawala sa pagli...