CHAPTER 20: DATE KO

226 10 0
                                    

Kinakabahan ako na buksan ang pintuan. Alam kong maraming katanungan ang namumuo sa isipan nito na maaaring itapon sa akin. Pagpasok ko ng bahay ay nadatnan ko kaagad si Mhia sa sala at mapanuring tinitingnan ako nito. Parang nanay ko ito na nanunuri sa kanyang anak at naghihintay ng paliwanag dahil nabuking nito na nakikipaghalikan siya sa harap ng bahay nila.

"Ano ang nakita ko kanina, Febie? Akala ko ba walang lihiman sa ating dalawa?" nagtatampong sambit nito. Nakangisi nga siya kaninang nakita ko siya sa terrace pero iyong pakiramdam na hindi ko sinabi sa kanya ang tunay na namamagitan sa amin ni Eros ay sadyang ikakatampo nito.

Humakbang ako palapit rito at yumakap sa kanya. "Ang daya mo naman. Hindi ka man lang nagsasabi sakin. Nakita ko pa na naghalikan kayo, ha. Sa mismong harapan pa ng bahay," panenermon nito sa akin.

"Sorry na. Hindi na mauulit. Sasabihin ko naman na sa'yo na nanliligaw siya, eh," sambit ko.

"Ang alab ng halikan niyo, ha" Natatawa nitong turan. Namula naman ako sa kanyang sinabi at hinampas ko na lang siya para maidivert ang kahihiyan na nadaranas ko ngayon. Mas lalo namang lumakas ang kanyang tawa.

"May dinner date kami, lablab," sambit ko rito. Napabalikwas ito bigla at inalog-alog ako. Nahilo ako sa ginawa niya na tila mas excited pa ito sa akin. Ipagkakanulo yata ako ng kaibigan ko. Pero infariness hindi ko itatanggi na mahal ko ang lalaking iyon. Bumalik 'yong dating nararamdaman ko sa kanya ngunit hindi pa malinaw sa akin kung bakit bigla siyang nawala noon at bigla na lang akong iniwan.

"Dapat mag-ayos ka na." Tumingala ito at tiningnan ang orasan. "It's already 5 o'clock, you have to hurry. Maligo ka na at ako na bahala sa pagmemake-up sayo. Titingin ako sa mga damit na babagay sa'yo. Magmadali ka." Hinila ako nito. Patakbo niya akong dinala sa kwarto namin at pinagduldolan akong pumasok sa banyo. Mas excited pa ito kaysa sa akin. Sinunod ko na lang ang gusto niyang gawin ako. Hindi na ako umalma upang hindi ako daldalin nito ng napakahaba-haba. Masesermonan pa ako nito 'pag hindi ako sumunod tulad nga ng sabi nila 'bestfriend knows best.' Pagdating sa aming dalawa siya na lang makakaalam talaga kasi nga wala na nanay ko. Matagal ng patay kaya siya na ang bahala sa aking date ngayon.

"Opo, bibilisan ko na." Tumakbo ako sa banyo, hinanda na ang mga gamit ko panligo para mabango naman ako. Nakakahiya naman kung maaamoy ako nitong hindi naligo at mukhang excited na makipag-date sa kanya. Mabilisan kong tinapos ang paliligo at syempre sinigurado kong fresh na fresh ang katawan ko. Nagkuskos ako nang maigi at siniguradong hahalimuyak ang aking kagandahan sa gabing ito.

Pagkalabas ko ng banyo ay agad akong sinunggaban ng best friend ko. Pinaupo niya ako sa isang tokador na may malaking salamin at puno ng mga make-up sa aking harapan. Napalunok ako sa nakikita ko kasi 'di naman ako gumagamit ng mga ganitong bagay o kulorete sa mukha kundi ngayon lang.

Sinimulan na niyang lagyan ng kung anu-ano sa aking mukha. Hinayaan ko siya kung ano man ang gagawin niya. Ang mahalaga ay maka-attend ako sa date namin ni Eros.

"Ako ba talaga ito, ha?" Nakatingin ako sa harap ng salamin at 'di ko man lang makilala ang aking sarili. Tinapik-tapik ko ang saking dalawang pisngi at kinurot ito para lang malaman na hindi lang isang panaginip ang nangyayari at sa aking nasisilayan ngayon. Isang babaeng napakaganda. Ano ba ang magagawa ko ngayon lang naman ako namake-up'an kaya 'di ako makapaniwala. "A-ang galing mo," di makapaniwalang sambit ko.

"Oo. Huwag kang tumulala diyan na para kang tanga at ang laway mo ay natulo na sa kakatingin sa sarili mo," turan nito. Napahawak ako bigla sa aking bibig ngunit wala naman. Natatawa naman itong tumalikod at naglakad ito sa isang cabinet. Meron itong nilabas na pulang gownat napangiwi ako sa design nito na parang wala nang matatakpan sa aking katawan. Kung susuotin ko ito ay makikita na ang aking kaluluwa. May V-line ito sa may dibdib kaya makikita ang ibang parte ng aking dibdib, sa likod naman ay wala ng matatakpan pa na 'pag sinuot ay kitang-kita na ito, at ang sa may legs naman ay may malaking biyas na kung lalakad ka lang ng kunti ay makikita na ang iniingatan mo.

"Seryoso ka na idadamit ko 'yan?" Nakamulagat akong nakatingin sa kanya. Hindi ko mawari kung pinagtitripan ba ako ng bestfriend ko o hindi. Grabe naman kasi itong ipapadamit niya sa akin 'di naman ako prostitute para magdamit ng ganito.

"Isukat mo na muna bago ka dumakdak diyan," sambit nito.

Kinuha ko naman ang damit na iyon at isinukat. Nang naisuot ko 'na ay tinulungan niya akong ayusin ito at 'di naman pala siya masyadong revealing. Akala ko lang pala. Hindi 'yong sobrang sexy na kung makikita ka ng mga kalalakihan ay susunggaban ka kaagad. Biglang tumunog ang buzzer naman na palatandaan na may tao sa labas. Napatingin naman kami pareho sa orasan at hindi namin namamalayan na past 7PM na.

"Andyan na ang date mo. Ganyan na lang ang ayos mo. Maganda ka naman kaya wala kang ikakabahala. Baka maglaway pa iyon kapag nakita ka." Mabilis itong umalis sa kwarto at pinagbuksan niya na siguro si Eros. Hinanda ko na rin ang aking sarili sa paglabas upang makita ko na ang lalaking nang-aangkin na sa kanya raw ako. Pababa palang ako sa hagdaan ay nakita ko na siya na nakaupo. Nakatuxedo siya at nakaneck-tie ito ng pula kaya parang pinag-usapan namin ang kulay na gagamitin kahit hindi naman. Nakangiti itong nakatingin sa akin. Ang mga mata niya ay tila nakapagkit na sa akin at 'di na natanggal-tanggal pa.

"Ang ganda mo."

"Maraming salamat," sambit ko.

"Shall we go?" Nilahad niya ang kanyang kamay sa akin at tinanggap ko naman ito.

"Oo, nakapagpaalam ka na sa bestfriend ko?"

"Oo, kanina pang napagbuksan niya ako ng pinto. Nawarningan na rin niya ako at dapat ihatid kita ng alas diyes dito sa bahay ninyo," Mahaba nitong paliwanag. Mas hinigpitan niya ang paghawak sa aking kamay kaya napatingin ako sa aming kamay na magkahugpong.

The Anticipated Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon