CHAPTER 9: OPINION

255 13 0
                                    


Pumunta ako kahapon sa Park para magpahangin at magliwaliw. Para makapag-isip isip. Gumaan ang pakiramdam ko. Nakakita na naman ako ng mga masasayang buong pamilya na kahit gustuhin ko mang maranasan ngayon ay wala na. Miss na miss ko na sila. Bubuo na lang ako ng pamilya. Ayoko na ng mag-isa.

I want change in my life. I want a better life with a man who loved me back the way I loved him or more than that.

Pupunta na lang ako sa puntod ng mga magulang ko ngayon.

Nag-ayos na ako kaagad ng sarili ko. Sinuot ko na lang ay isang jeans, simpleng blouse at sneaker na sapatos. Luma na pero maganda pa rin. Isa sa mga naging regalo nina sister Teresa sa akin noong huling kaarawan ko sa kumbento. Sana makadalaw din ako sa kanila kapag maayos-ayos na ang buhay ko. Pumara agad ako ng taxi ng may dumaan sa harapan ng inuupahan kong bahay. Maliit ito pero pwede na para tirhan ko kasi mag-isa lang naman ako. Malapit-lapit lang naman ang destinasyon ng sementaryo kaya madali lamang ako nakarating.

Pagpasok ko pa lang sa gate ramdam ko na ang katahimikan ng lugar, maraming tuyong mga dahon ngunit marami ring magagandang halaman na namumulaklak at mga huni lang ng mga ibon ang naririnig ko sa kapaligiran. May isang lalaki sa sementeryo na naglilinis. Siya na siguro ang taong pwedeng pasalamatan dahil sa pag-aalaga niya rito at mapanatili ang ganda nito.

"Manong, kamusta na? Ang daming tuyong dahon sa ngayon, ah. Pero syempre bawing-bawi sa ganda dahil ang dami mong tanim na halaman dito at ang gaganda pang pagmasdan," sabi ko sa kanya habang nasa likuran niya.

"A-ay. Jusmeng bata ka." Gulat nitong reaksyon.

Natawa naman ako sa reaksyon niya. Oo nga naman naglilinis siya pero may bigla-biglang magsasalita sa likod niya. Wala namang tao na hindi mabibigla at magugulat kapag may biglang magsasalita kung saan man.

"Ayos naman ako, hija. Oo, ang gaganda na nila kasi kailangan naman nating alagaan ang mga ito para mapanatili ang kasiglahan at lungkot ng atmospera dito. Kahit ito man lang ang makapagbibigay ng kulay dito sa sementeryo," seryoso sambit nito.

"Oo nga po, eh. Ang ganda nitong ginawa ninyo. May iba't-ibang kulay pa ang mga bulaklak na naririto. Mabuti po at nabuhay itong mga halaman na 'yan at 'di namatay." Tinuro ang mga halaman sa may gilid na namumulaklak.

"Ang mga halaman ay parang tao lang din naman 'yan kung aalagaan mo mananatili 'yang maganda at puno ng buhay. Pero kapag hindi inalagaan syempre unti-unti 'yang malalanta, nawawalan ng kabuluhan na mabuhay 'pag di inalagaan."

"Tama po kayo. Araw-araw mo po bang dinidiligan ang mga halaman na 'yan at naglilinis po dito?"

"Hindi naman. Every other day naman hija para hindi sila masyadong masobrahan. Parang sa pag-ibig lang kapag nasosobrahan mas masasaktan ka at minsan nakakasakal kaya sila umaalis o nawawala sa buhay natin." Hugot line ni manong.

Mahugot pala si Manong. Pero ang ganda ng mga sinasabi niya. Nakakaantig damdamin at nauunawaan ko ang gusto niyang iparating.

"At higit sa lahat ang mga halaman parang tao 'yan na mabubuhay lang 'yan kapag bagay siya sa lugar na iyon at naalagaan. Pero kapag hindi inalagaan, 'di binabantayan, 'di pinapansin sa isang sulok at wala talagang pakialam sa mga bagay na nabubuhay sa paligid mo syempre mamamatay 'yan. Gaya ng pag-ibig mamamatay o nawawala ang pagmamahal ng isang tao dahil sa walang pakialam sa kanya ang pinakamamahal niyang tao. Napapabayaan kaya kapag sakali mang magkaro'n ka ng pagkakataon na makakakilala ka ng taong kaya kang bigyan ng halaga at magbigay oras para sa'yo. Do'n mo masasabi na tama ang sinasabi ko at siya na ang tamang tao para mahalin at alagaan mo." Mahaba niyang litanya at opinyon ng buhay.

"Ang haba po ng inyong sinabi. Pero nagpapasalamat po ako dahil sa mga sinabi ninyo ay marami akong natutunan sa buhay. Kahit sa simpleng bagay lamang ay may mga malalalim na kahulugan."

"Walang anuman, hija." Nakangiting sagot nito.

"Maraming salamat po. Pupunta muna ako sa puntod ng mga magulang ko."

"Sige, hija. Masyadong napatagal na pala ang pag-uusap natin. Pagpasensyahan mo na. Iilan lang kasi ang nakakausap ko at lumalapit sa akin na napaparito."

"Wala po 'yun. Napasarap nga po ng kwentuhan natin. Hindi ko namalayan ang oras. Ipagpatuloy po ninyo ang pag-aalaga rito. May magandang mangyayari rin po sa inyo balang araw."

"Maraming salamat. Pumunta ka na sa puntod ng iyong magulang para mabisita mo naman sila. Matagal-tagal na rin ng huli kitang nakita na dumalaw rito. Ngayon na lang naging busy ka yata sa buhay mo ngayon."

"Opo. Sige po, ingat po kayo 'lagi."

"Oo, hija. Do'n ka na para maipagpatuloy ko na rin ang paglilinis. Masyado na kitang naaabala dahil sa dami ng nasabi ko." Napapakamot na tugon nito.

"Ok lang po 'yon. Sige po." Nginitian ko na lang siya bago ako lumisan.

Umalis na nga ako at pumunta na sa puntod ng aking mga magulang. Kahit paano ay may nalaman na naman ako ng mga positibong bagay sa mundo dahil kay manong. Kahit minsan lang naman ako mapunta rito maraming aral at persepsyon niya sa bawat bagay na nakapaligid rito. Nailalahad niya ang kanyang opinyon at pagkaunawa sa mga bagay-bagay. Napakagandang pananaw nito sa buhay. Punong-puno ng buhay na akala mo walang problema.

Ang mga tao ay may kanya-kanyang problema at may kanya-kanya ring paraan ang kanilang gagawin para malutas ito. Kung magiging positibo kang tao lahat makakaya mo. Kung may mga tao namang gustong hilahin ka pababa hindi ka maaaring magpatalo at mabuhay sa negatibong kapaligiran. Ang paniniwala ay paniniwala mo lang walang makakabali kahit sino man. Kilala mo ang sarili mo at walang magagawa ang mga naririnig at ginagawang maling akala ng iba sa buhay mo.

Nagsindi ako ng dalawang kandila para sa mga magulang ko at mga halaman na pwede namang mabuhay sa puntod nila. Mas maaliwalas na tingnan kapag maraming nakapaligid at maganda ang aura na maibibigay nito sa namayapa na. Kahit hindi ko man sila kasama basta alam ko na nandyan pa rin sila para sakin. Ginagabayan kahit saan at hindi nila ako pababayaan lalo na ang Maykapal.

The Anticipated Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon