KASALUKUYANG nagdadrive si Mhia papunta sa Jaros Bar. Pag-aari daw ito na kaibigan as usual 'yong pinuntahan namin noon; noong brokenhearted ako.
Hindi ko na nga naiisip ang taong 'yon. Ang nananakit sakin ng sobra. Even I have thousands of reasons to be sad, thousands of reasons to be frowning, millions of reasons to cry; someday I will found someone who is the only one reason to smile.
I'm over with him and I'm ready to risk again especially my heart. I'm wishing that someday I will meet someone who deserves my love. Love is not a thing to understand. Love is not a thing to feel. Love is not a thing to give and receive. Love is a thing only become and eternally be.
Nakaupo ako sa tabi ni Mhia. Napakaseryoso niya ngayon. Hindi siya masyadong maimik at hindi naman siya ganito kanina. Wala naman akong nakikitang makapagbabago ng templa nito.
"Mhia, may nangyari ba? Napakaseryoso mo kasi ngayon," nag-aalala kong tanong sa kanya.
Hindi pa rin niya ako sinagot. Ano kaya ang problema nito?
"Mhia, Hoy! Tinatanong kita ano bang nangyayari sa'yo? May problema ba?" tanong ko sa kanya. Hindi ko maiwasan na tumaas ang boses ko. Pasensya na. Curious ako masyado sa nangyayari sa kanya.
"Wala naman. Iniisip ko lang 'yong lalaking nakatitig sa part natin kanina. Inaalala ko 'yong mukha niya. Parang pamilyar kasi parang nakita ko na siya." nakangunot-noong sagot nito.
"Bakit masyado mo yatang pinoproblema yung lalaki na iyon? Hayaan mo na kako di ba? Masyado ka talagang nag-iisip," sagot ko sa kanya at umayos ng upo at tumingin sa kanya.
Ngumiti siya ng alanganin.
"Ano pa ba ang iniisip mo at ganyan ka makapagreact ngayon?" curious talaga ako sa pinag-iisip niya, eh.
"May pagtingin yata sa'yo 'yong lalaki. Kahit kailan kasi 'di ka masyadong maobserba sa paligid mo. Masyado kang loner." Napapailing na sagot nito.
"Huwag na masyadong mag-isip. Ini-stress mo lang kasi masyado ang sarili mo. Hindi mo naman kailangang problemahin ang hindi dapat problemahin."
"Oo na, malapit na pala tayo. At isa pa alalahanin mo ipapakilala pa kita sa kaibigan ko mamaya."
Nangingiti naman akong tumingin sa kanya. Gusto ko siyang lokohin.
"Gwapo ba? Akin na lang," seryosong wika ko. Nakita ko na medyo naasiwa siya. Napakuyom pa ang kanyang kamay sa manibela.
Tsk. Masyado kang obvious, bestfriend. Napapailing na lamang ako sa kanya.
"H-hindi pwede. Alam mo naman na may crush ako sa kanya aagawin mo pa? No way. Kahit kaibigan pa kita."
Hinarap ko siya nginisihan. "Huli ka balbon." Natawa ako ng nakakaloko. "Ang possessive mo pala, bes! Excited tuloy akong makilala 'yang sinasabi mong crush slash guy friend mo." Pumapalakpak ako habang sinasabi ang mga 'yon.
Nag-iba bigla ang tempo ng kanyang ekpresyon sa mukha. Hindi mapakali at kunting ngiti lang ang sinagot sa akin.
"U-umayos ka nga. Hindi ka na nakakatuwa, ah," naiirita nitong sagot.
"Yeah, right. Tatahimik na ako."
Umayos na ako ulit ng upo at hinintay na lang na makarating kami sa Bar. Mahirap na baka mawalan sa mood ito itapon na lang ako basta-basta. Hindi ko pa naman alam kung saan kami eksaktong lugar na pupunta.
KAKARATING lang namin ng may sumalubong sa amin na isang lalaki sa harapan ng bar. At tinulungan si Mhia na magpark ng kanyang kotse. Ang gwapo nong lalaki bagay silang dalawa kung sakali man na ito ang lalaking sinasabi niyang kaibigan. Pagkalabas namin sa kotse niya ay agad siya nitong nilapitan at nagpakilala.
"Ako nga pala si Jack, ikaw?" tanong nito. Nilahad ang kanyang kamay sakin.
Buong buo ang kanyang muscles. Sa tingin mo may biceps 'to. Alaga sa katawan, mapormado ang muscles at kitang-kita ito sa kanyang pangangatawan.
"Hmm, Febie." nakipagkamay sa kanya.
"Nice to meet you, Febie. Mabuti at naisama ka ni Mhia na pumarito?"
"Usapan din naman namin ni Mhia na pupunta rito nai-timing lang siguro na gusto niyo ring magkita," mapanuring tingin ko sa lalaki sabay tingin sa namumulang si Mhia.
"A-ah hehe. Halika na kayo sa loob. Nando'n na ang kaibigan ko," sambit nito.
Wow. Ang swerte naman ng kaibigan ko. Meron din sana na ganyang lalaki na tulad niya. Gentleman. Hays, iniwan pa akong mag-isa. Binilisan ko na lang na sa paglalakad para masundan ang dalawa.
Pagpasok namin sa Bar gano'n pa rin ang itsura nito. Maingay, maraming tao, may nagsasayawan sa gitna higit sa lahat magagaling mag-serve ang mga empleyado ng Bar. Puro rin magaganda ang katawan ng mga kalalakihang waiter at ang sexy naman ang mga waitress. Ibang klase pala ang bar na ito. Hindi ko masyadong napansin noong unang punta rito.
Umupo kami sa isang gilid ng Bar. Medyo madilim pero abot naman ng ilaw. Maganda ang pwesto na ito dahil nakikita ang bawat galaw ng ibang taong nasa loob ng Bar. Umupo lang ako sa tabi at hinayaan na mag-order ang dalawa kong kasama.
"Anong alak ang gusto mo, Feb?" tanong ni Jack sakin.
"Kahit ano na lang." Sagot ko sa kanya habang tumitingin- tingin sa mga taong nasa paligid.
Ang garbo ng kanilang mga damit. Makikita na pang-mayaman ang Bar na ito. Pati rin inumin dito ay mahal. Buti na lamang at naging kaibigan ko si Mhia kung hindi pulubi na ako kung napadpad ako dito ng wala sa oras at naglasing. Sa lansangan ako matatagpuan o binugbog. Pero joke lang naman imposible naman na bugbugin ang kagaya ko. Mabait naman sa tingin ko ang kaibigan slash crush ng bestfriend ko.
"Nasaan pala ang kaibigan mo, Jack?" tanong ni Mhai kay Jack.
"Siguro nasa comfort room lang. Iniwan ko 'yon kanina eh," sagot nito.
Hinayaan ko na lang na makapag-take time moments ang dalawa at tumahimik na lang ako sa isang tabi at uminom.
Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila kaya pinikit ko na lang ang aking mata at namnamin ang iniinum kong alak sa ngayon. Ang init sa lalamunan kagaya nang simula kong uminom. Tinagay ko ang isang baso ng minsanan. Ang sarap sa pakiramdam ang alak nakakabuhay ng kalamnan. Pinikit ko ulit ang aking mga mata.
May umupo sa aking tabi at hinayaan ko na lang muna ito. Hindi rin ako umiimik.
BINABASA MO ANG
The Anticipated Love (COMPLETED)
RomanceHighest Rank No.2 in #wattpadromance May dalawang taong nagtagpo ngunit ang kapalaran nila'y 'di pinagbigyan ang bawat nararamdaman ng mga ito. Nagmahal, nasaktan, nagbago ang pananaw at ang damdamin ba ay kumupas na at unti-unting nawawala sa pagli...