"Ma, Pa, nag-iisa na lang ako sa buhay. Iniwan niyo ako ng minsanan, eh. Masakit 'yon para sa side ko pero kailangan kong tanggapin. Alam ko matagal na kayong sumakabilang-buhay ngunit ang hirap pa ring matanggap na ng dahil lang sa isang truck noon at lasing ang driver no'n sana nandito pa kayo, buhay na buahay na kasa-kasama ko." Naiiyak kong sinabi sa harap ng puntod ng aking mga magulang.
"Kahit po wala po kayo magiging matatag at matapang po ako sa mga pagsubok na daraan po sa akin. Naaalala ko pa no'n na sinabi niyo sakin na 'di ko kailangang ibaba ang sarili ko sa mga bagay na magdadown sa akin lalo. Dapat positibo lang. Kung may kinikimkim man akong kinikimkim na sakit, mabigat sa aking dibdib kailangan ko lang ng isang taong pagkakatiwalaan ko at sa kanya ko sasabihin lahat." Napaupo ako sa puntod nila. Hindi alintana ang napakaraming tuyong dahon na dinadala ng hangin.
"Natatandaan ba ninyo 'yong dinala kong babae rito nong huli kong punta. Ma, Pa, siya si Mhia ang kaibigan ko ngayon na bestfriend ko. Siya 'yong taong nandyan 'lagi para sa akin. Tinuturing ko na nga rin siyang kapatid."
"Kung wala siya sa buhay ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko noong kailangan ko ng kausap at heartbroken ako. I'm so blessed to have her, Ma, Pa," madamdamin kong sabi. "At may mga taong naniniwala sa akin na kaya kong lumaban sa buhay na mag-isa lang. Tinuruan ako nina sister Teresa na kahit na anong mangyari ay maniwala lang sa kanya at siya ang gagabay sa akin. Nagpapasalamat ako sa kanila dahil pinatira nila ako noon sa kumbento kung saan naroroon din ang isang bahay-ampunan."
Alam ko para na kong baliw na nagsasalita rito na mag-isa. Pero 'di ko mapigilan ang damdamin ko kapag kausap ko ang mga magulang ko kahit lapida lang ang nasa harapan ko at ang pangalan lang nila ang nakikita kong nakaulit sa mga ito.
"Ma, Pa, miss na miss ko na po kayo. Pero hwag niyo muna ako kukunin ha, gusto ko pa bumuo ng pamilya na kagaya ng pagpapalaki ninyo sa akin o mas higit pa roon ang gagawin kong pagaalaga sa pamilya ko kung sakali." Sa pagsambit ko ng mga katagang 'yon ay biglang umihip ang malakas na hangin at may malamig na parang yumakap sa akin. Napangiti ako dahil ramdam ko na nandito lang sila para sakin. Niyakap nila ako dahil sa sang-ayon sila sa aking tinuruan tungkol sa pagbuo ng isang pamilya. Kasama ng aking mamahaling lalaki at ang magiging anak namin.
Marami akong kwinento sa mga magulang ko. Doon ko nilabas lahat ng nararamdaman ko. Minsan lang ako naparito kaya sinulit ko na. Dadalawin at magsasabi ng mga bagay na alam na rin naman ni Mhia pero iba pa rin kapag magulang mo pa . Wala ngato sinasabi. Hindi man sila sasagot sa mga hinaing ko at sintemyento ng buhay. Masaya ako at ramdam ko na lagi nila akong tinitingnan sa itaas.
Nangungulila ako sa kanila at hindi ko maiwasan na balikan ang pangyayaring 'yon.
Nasa sa Park kami. Tumingin ako sa aking mga magulang. Matatanda na ang mga ito pero hindi ko sila nakitang nag-away at nagsumbatan. Hindi kagaya ng ibang magulang na kahit sa kalsada ay nagbubulyawan.
"Ma, Pa, salamat, ha." Sabay yakap sa kanilang dalawa. "Kung wala kayo siguro sa buhay ko at hindi ako ganito kaligaya. Binibigay ninyo lahat ng pangangailangan ko kahit mahirap lang tayo." Naiiyak kong sinabi habang niyayakap ko pa rin sila.
Naiiyak namang tumingin sa akin sina Mama at Papa at niyakap din ako ng mahigpit.
"Walang ano man, anak. Basta tandaan mo 'lagi na wala man kami sa buhay mo o hindi nandirito pa rin kami." Tinuro an gang dibdib at sintido. "Tandaan na 'laging nakaantabay sa'yo. Kahit na anong mangyari maging matapang ka at maging positibo." seryosong nakatingin si Papa at ngumiti. Hilam ang kanyang mga luha at kita ko sa kanya ang mapag-arugang ama.
"Opo, Pa. Hinding-hindi ko kakalimutan yan." Yumakap ulit ako rito at napahagulgol.
"Tama na 'yan. Itong mag-ama talaga na ito. At ikaw naman Papa kung makapagsalita para kang namamaalam." Naiiyak ding suway ni Mama sa amin. "Payakap din ako isama niyo naman ako, ah." natatawa nitong sabi at yumakap ito sa amin.
Habang nakasakay kami sa kotse. Maingat na nagdadrive si Papa pauwi sa bahay. Medyo gabi na rin kaya mas naging maingat siya.
"Anak! Kumapit ka. May bubunggo sa atin na truck!" Sigaw ng papa ko sa akin. Kita sa kanyang mukha ang pag-aalala at takot sa kanyang mga mata.
Naalarma ako at kumapit. Alalang-alala ako sa mga magulang ko. Paano na kami nito?
Sa pagkarinig ko ng hagitgit ng gulong at pagkabasag ng salamin. Doon din ako napapikit ng aking mga mata.
Biglang may tumapik sa aking balikat. "Hija, umuwi ka na. Maghahapon na," Isang boses ng lalaki ang nagsalita sa likod. Alam ko na si Manong 'yon.
Napatingin ako sa kalangitan. Oo nga at hapon na pala.
"Opo, manong. Maraming salamat sa paalala." Ngumiti ako rito.
"Walang anuman, hija. Aalis na rin kasi ako para naman makapaghanda ng makakain para sa mga apo ko."
"Ingat po kayo, manong."
"Oo, hija. Ikaw din."
I have learned about life. Don't trust too much; don't hope too much because that "too much" can hurt you so much.
Nakauwi na ko at nakapagligpit na rin. Halos matulog na lang ang gagawin ko.
Hindi ko pa rin lubos maisip na ganito ang buhay ko na mag-isa. Papasok na naman ako sa trabaho bukas. Laging ganito ang routine ko.
'Kailan kaya magbabago ang takbo ng buhay ko? Bahay- Trabaho- Park. Pabalik-balik lang. Walang makabuluhang pangyayari ang nagaganap kundi ipagpatuloy lang ang buhay na puno ng ngiti at positibong pananaw.'
Life must go on. Whether you choose to move on and take a chance in the unknown or stay behind locked in the past thinking of what could have been. And do not take life too seriously. You will never get out of it alive.
"Good night, self. Sweet dreams. Life always offers a second chance. It's so called tomorrow. Tomorrow is another day to face again."
BINABASA MO ANG
The Anticipated Love (COMPLETED)
RomanceHighest Rank No.2 in #wattpadromance May dalawang taong nagtagpo ngunit ang kapalaran nila'y 'di pinagbigyan ang bawat nararamdaman ng mga ito. Nagmahal, nasaktan, nagbago ang pananaw at ang damdamin ba ay kumupas na at unti-unting nawawala sa pagli...