CHAPTER 17: KISS

240 12 0
                                    


May tumatapik saking mukha. Pagmulat ko ng aking mata ay nakita ko ang gwapong mukha niya. Hindi ko pala namamalayang nakatulog ako kanina sa mga bisig niya. Tiningnan ako kung nasaan na kami at nasa harapan na pala kami ng bahay ni Mhia.

"Febie," tawag nito sakin. Mapupungay ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin. "Sana tanggapin mo ang pagmamahal na inaalay ko sa'yo." Napanganga ako sa aking narinig na nagmula sa kanya. Tila panaginip lang ang nangyayari kaya pasimple kong kinurot ang kamay ko. Nakaramdam ako ng sakit kaya hindi ito panaginip lang kundi totoong nangyayari at totoo ang narinig ko mula rito. Alam ko na may nasabi na siya kanina sa bar tungkol sa hangarin niya, ang pagmamahal niya, ang halik niya, ang pamang-angkin niyang mga salita at ang mga kilos niyang kakaiba. Hindi ko akalain na totoo rin pala ang mga ito.

Napahawak ako sa aking dibdib kasi nagsisimula na namang magrigudon ito. Gustong kumawala ito sa kanyang dibdib. Unti-unti akong tumingin sa kanya at tila nalulungkot ito dahil 'di man lang ako nagsalita. Gusto ko mang magsalita pero ang bilis naman yata kung agad-agad ko itong pagbibigyan at magpapaangkin rito.

"Narinig ko ang mga sinabi mo kanina, Eros pero ang bilis naman. Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo?" may pag-aalinlangan kong sagot rito. Ayoko naman na umasa ako at magmahal na lang basta-basta kahit inamin ko na mahal ko na siya dati pa. Iba na ngayon dahil sa pagkakataong ito gusto kong makasigurado na siya na talaga ang para sa akin. Ang kasama ko na bubuo ng masayang pamilya.

"Kahit ano gagawin ko, Febie. Kung kailangan kong manligaw sa'yo ay gagawin ko makuha ko lang ang puso mo," madamdamin nitong sambit. Hinawakan niya ang aking kamay . Dinala nito sa kanyang labi at hinalik-halikan nito iyon.

Naasiwa ako sa kanyang ginagawa. "Sige, manligaw ka na muna," sambit ko rito. Inaamin kong may puwang siya sa aking puso dahil may pinagsamahan na sila noon. Ang nakakalungkot lang hindi siya nito naaalala. Napangiti na lang ako ng mapait at pilit kong ngumiti sa kanya.

Bigla niya akong hinila at hinagkan sa aking mga labi. Hindi agad ako nakahuma sa kanyang ginawa. Mapusok niya akong niyapos sa baywang upang mapalapit dito. Magkukumawag sana ako dahil sa pagkabigla ngunit ang higpit na ang pagkakahawak nito sa akin na tila ayaw na niya akong pakawalan pa. Naging marahan ang kanyang paghalik sa akin. Tumugon na rin ako sa kanyang nakakadarang na pag-angkin nito sa aking labi. Kung anong intensidad ang kanyang binibigay ay gayon din ang alab ng aking binabalik sa kanya. Ako na rin mismo ang umupo sa kanyang kandungan at pinulupot ang aking mga braso sa kanyang leeg. Napapaungol ako sa sarap ng aming magkahugpong na labi. Sinasabunotan ko na rin siya dahil sa nabubuhay kong pagkatao na ngayon ko lang naramdaman. Nag-iinit ang aking pakiramdam na hindi ko mawari. May nararamdaman rin akong tumutusok sa aking puwitan na alam kong iyon ang kanyang sandata. Mas pinag-igihan ko ang paghalik sa kanya hanggang sa pareho kaming hingal na hingal na nagkahiwalay.

"This lips is mine," bulong nito. Hinawakan nito ang aking labi at hinagkan ulit ito ng ilang ulit. Hinayaan ko lang ito kung ano man gusto nitong gawin. "I want to kiss you until your mouth no longer knows how to ask for more." Yumapos ito sa akin. Napangiti na lang ako.

"I can't get enough with these lips, Eros." Hinalikan ko ito pero smack lang.

"Your taste still lingers on my lips, like I've just placed them upon yours, and I starve for you." Hinapit niya ako at hinagkan ulit. Tinugon ko ito kaagad, nakakaadik, nakakahibang, at tila ayaw ko ng umalis pa sa kanyang kandungan.

"Hmm. Hmm," ungol ko habang magkahugpong an gaming labi. Hindi ko mapigilang mapaungol dahil sa sarap at pagnamnam ng bawat minuto na magkasama kami.

Bigla itong tumigil na tila nahihirapan ito. Tiningnan ko siya na puno ng pagtataka.

"We should stop now. Ngayong kaya ko pang kontrolin ang sarili ko," nahihirapan nitong sambit.

Naunawaan ko naman ang kanyang sinabi dahil kanina ko pa iyon naramdaman. Napabuntong hininga ito at hinalikan ako saglit.

"Yeah, we should stop this," sang-ayon ko rito. Hindi ko alam kung handa ba ako na ibigay sa kanya ang pinaka-iingatan ko. Siguro kapag handa na ako at mapatunayan na mahal na nga ako nito. Naghalikan na nga kami't lahat pero hindi ko itetake a risk ang puso ko. Gusto kong makita at maramdaman ang magmamahal na sinasabi niya.

Umalis ako sa kanyang kandungan. Bigla itong nagbuga ng hangin at napakapit sa manibela. Pinagmasdan ko siya, totoo nga na kanina pa ito nagtitimpi. Kinakalma nito ang sarili at napatingin ako sa bandang iyon. Napangiwi ako sa nakita dahil medyo basa ito at nakaumbok ang kanyang sandata. Naawa ako sa kanya ngunit wala akong magagawa. Hindi ko kayang bigyang solusyon ang problema nito. Hindi ko naman alam ang gagawin rito upang mapatigil o humupa ang kanyang nadarama. Napabuntong-hininga na lamang ako sa aking upuan.

"Sorry," paumanhin ko rito. Napatingin kaagad ito sa akin.

Napangiti ito. "Hindi mo kailangang humingi ng tawad. Sadyang hindi ko mapigilan ang aking sarili na ma-arouse kasi nakakadarang at nakakapanabik kang halikan. Ngunit hindi pa iyon dapat mangyari. Hanggat kaya kong magtimpi at kontrolin ang aking sarili. Gagawin ko 'yon para sa'yo." Lumabas na ito tumakbo papunta sa may pinto kung saan ako nakaupo. Pinagbuksan niya ako ng pinto at nagmadali akong bumaba sa kanyang kotse. Napangiti ako rito dahil hindi pa pala ito nagbabago. Ang kilala kong Eros noon na gentleman ay siya pa rin ang nakikita ko kahit nagbago ang kanyang pisikal na kaanyuan. Sana lahat ng nakita noon sa kanya ay gano'n din hanggang ngayon.

"Pumasok ka na. Baka mapagalitan pa ako ng kaibigan mo. Good night and I love you," sambit nito. Hinalikan niya ako sa noo.

"Sige. Good night din sayo. Mag-ingat sa pagdarive pauwi." Naglakad na ako papunta sa bahay. Hindi ito umalis hanggang nakikita ako nitong hindi pa pumapasok nang tuluyan. Napangiti na lang ako sa kaalaman na iyon.

The Anticipated Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon