Ang sarap tingnan ang mga halaman na namumulaklak habang sumasabay ito sa ihip ng hangin.
Sa wakas ay napatubo ko na rin ang mga ito. Ilang taon ko rin itong pinag-aaralan at ilang beses din akong nagkamali.
Ganun naman talaga ang buhay. Sabi nila,'practice make you perfect'. Ilang pagkakamali muna ang magagawa mo bago ka magtagumpay. Ito na ang tagumpay ko. Ang ilang pawis na tumulo sa katawan ko ay namunga na rin.
Napatingala ako sa langit. Ang ganda ng panahon ngayon. Hindi gaanong mainit kahit nagsisimula na ang summer.
Makikita na nila ang pinaghirapan ko. Kahit hindi man nila ako makita,atleast yung pinagpaguran ko ang makita ng mga tao.
"Wow! Ang ganda!" hindi ko inaasahan na may tao nang bibisita ngayon. Ang inaasahan ko ay sa susunod pang linggo dito daragsa ang mga turista.
Napangiti nalang ako ng isang bata ang masayang inaamoy ang mga bulaklak. Sa tingin ko ay lima o anim na taong gulang ang batang ito.
Nakapagtataka na wala ang magulang nito. Siguro ay malapit lang ang tinitirhan nito dito.Hindi ko siya pinagbawalan nang pumitas ito ng isang bulalak. Kahit pigilan ko siya ay parang hangin lang ako sa paningin ng batang ito.
Lumakad ito papalapit sa direksiyon ko. Sumasabay sa hangin ang buhok nito at ang puting bestida na suot nito.
Ngumiti ako sa kanya kahit alam kong hindi niya ako nakikita. Masaya na ako kapag nakikita kong masaya na sila.
Nagtaka ako nang tumigil ito sa harapan ko. Imposible namang nakikita ako ng batang ito.
"Manong,para po sa inyo." inabot niya sa'kin ang bulaklak na pinitas niya. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko. Nakikita niya ako? Nakikita ako ng batang ito?
"Kayo po ba ang nagpatubo nitong mga bulaklak? Napaganda po. Gusto ko rin sanang magtanim pero hindi ako pinapayagan ng magulang ko." masiglang sabi nito sa'kin. Hindi ako makagalaw. Sa ilang daan na akong namumuhay ay wala pa sa'king nakakakitang tao. Masaya. Ganito pala ang pakiramdam ng diretso sa'kin ang papuri.
"Manong,kunin niyo na po ito." nagulat nalang ako nang hawakan nito ang kamay ko at iniabot ang bulaklak sa'kin. Hindi ako nakaimik. Nahawakan rin ako ng batang ito.
Hindi ko mapigilang mapangiti at ganun din siya.
Biglang umihip ang hangin. Nilipad ang suot nitong malaking asul na salakot.
Natahimik ito at malungkot na nakatitig sa nilipad nitong sombrero na nakasabit sa sanga ng isang mataas na puno.Narinig ko nalang ang paghikbi nito. Agad akong nataranta at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Mas lalo itong ngumawa. Lumuhod ako para magkasing tangkad na kami. Napatitig ako sa mukha niya. Namumula ang mata nito dahil sa kakaiyak. Maputi ang bata at halatang hindi taga rito. Halata ring may lahi ito dahil sa mapupungay nitong mata.
"M-manong,magagalit sakin si mommy." mas lalong lumakas ang iyak nito. "Papagalitan ako ni mommy!" ginulo ko ang buhok ng bata at ngumiti.
"Huwag ka nang umiyak. Kukunin ko iyon para sa'yo." natigil ito sa pag-iyak at tumingin sa'kin. Pinunasan ko ang luha niya gamit ang daliri ko.
"T-talaga po?" tumango ako habang nakangiti. Kung titingnan kami,para kaming magkapatid. Kaya lamang alam ko naman na kung titingnan kami ay parang baliw ang batang ito na may kausap na hangin.
Pilit kong inaabot ang sombrero nito sa sanga. Ligtas naman akong nakaakyat sa puno ngunit hindi ko ito maabot. Pag lumapit pa ako ay mahuhulog na ako dahil di magtatagal ay bibigay na rin itong sanga.
"Mag-ingat ka po manong." rinig kong pag-aalala sa'kin ng bata. Kahit isang beses lang ay gusto kong may maipasaya dahil sa may ginawa ako at hindi dahil sa pagpapatubo ko ng mga bulaklak.
Kagaya nang inaasahan ko,nahulog ako nang lumapit pa ako dito. Kahit hindi kami nakikita ay nakakaramdam pa rin nang pananakit ang katawan namin.
"M-manong,ayos ka lang po?" hindi ako tumugon at nakapikit lang ako. Masakit ang likod ko dahil sa pagkakabagsak ko. Magagaling rin naman ito mamaya.
Napamulat ako nang yakapin ako ng bata at umiyak.
"UWAAHH! MANONG,'WAG KA PONG MAMATAY." iyak ito ng iyak sa habang nakayakap sa'kin. Masaya palang mayakapan ka. Masaya palang may nag-aalala sa'yo. Hindi ako mamatay dahil matagal na akong patay.
Dahang-dahan ko na ipinatong ang salakot sa ulo nito. Agad itong kumalas sa pagkakayakap sa'kin at tumigil na rin siya sa pag-iyak.
"UWAAH! Akala ko po patay na kayo manong." pasinghot-singhot na sabi nito.
"H'wag mo akong tawaging manong. Hindi naman ako mukhang matanda eh." sabi ko.
Simula n'ong mamatay ako ay hindi na ako tumanda pa. Edad labing-walo ako namatay. Masakit man pero matagal ko nang tanggap."O-okay po,kuya." napangiti nalang ako. Mas magandang tawagin niya akong kuya.
"A-anong pangalan mo?" tanong ko. Ngumiti ito sa'kin at tumayo. Inabot niya sa'kin ang maliit niyang kamay para tulungan akong tumayo.
"Ako po si Summer."
Ang pangalan niya ay Summer. Sa edad na anim na taon ko siya n'ong nakilala ko siya.
At ito ang una naming pagkikita sa panahon ng tag-init.
__
EDITED: This story inspired on anime title 'Noragami' and 'Hotarubi No Mori E'.
__
Yakanemori
BINABASA MO ANG
It Was Summer When I Met You (COMPLETED)
Fantasy(Forbidden Love Series #2) Every summer ay bumibisita siya sa akin. She was 6 years old when I first saw her. Gustong-gusto niya ako dahil napapalago ko ang mga bulaklak. Sa buong summer na palagi kaming magkasama ay nahulog na ang loob ko sa kanya...