Kabanata 17

1.9K 121 9
                                    

"Te'amo." hindi agad ako nakaimik sa sinabi niya. Alam ko ang meaning nun.

Mahal niya ako? Bilang ano? Bilang kapatid? Bilang kaibigan? O mas higit pa roon? Gusto kong malaman.

"E-esclavo..." tanging sambit ko at inalis ang pagkakahawak ng kamay niya sa kamay ko. I feel butterly in my stomach again.

"I--"

"Summer?" agad akong napalingon sa boses na iyon. Si Sig. Nakatingin siya sa akin na parang nagtataka.

Agad kong nilingon ang kinauupuan ni Esclavo pero wala siya roon.
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid pero ni anino niya ay di ko nakita.

"What are you doing here?" tiningnan niya ang kamay ko na puno ng pintura at lumandas ang paningin niya sa canvass kung saan pininta ko si Esclavo.

"Woah!" namangha siya habang nilalapitan ang painting. Samantalang ako ay nililibot ko parin ang paningin ko at nagbabakasakali na makita siya.

"Summer, ang galing mo pala." puri niya pero di ko siya inintindi.

"Wait, pamilyar itong lalaking ito." agad akong napatingin sa kanya. Maybe he know Esclavo. Of course, anak ng mayor itong si Sig.

"Yah! I know him. Pero paanong..?" he looked at me.

"What?"

"Eh ninuno ko pa ito eh." napaawang ang bibig ko sa sinabi.

"W-what did you just say?" tanong ko. Ibig sabihin...

"Nakita ko ito sa mansiyon ng lola ko Sabi ni lola, kapatid ito ng lola ng lola ko. Si lolo Dmitri ito eh." so kamag-anak ni Sig si Dmitri na kamukha ni Esclavo?

"Meron ka bang pinsan, or kapatid na nawawala?" nag-isip muna siya bago siya sumagot.

"Nope. Konti lang naman kasi ang pamilyang Aguilar dito sa bayan ng Los Mabalos." mahina akong tumango.

"M-may pinsan ka bang...kamukha niya?" sabay turo ko sa painting. Tiningnan niya ako sabay humalakhak.

"Anong nakakatawa sa tanong ko?" inis na tanong ko sa kanya. Tumigil siya sa pag-tawa.

"Para kasing...kilala mo ang lolo ko." aniya. Natahimik ako sa sinabi. Kilala ko naman talaga ang lolo niya. Si Dmitri.

"Anyway, walang nagmana ng itsura niya. Bukod doon, hindi na siya nagkaanak dahil maaga siyang nawala." kumabog ang dibdib ko.

"W-what?"

"Hays. Mamaya ko nalang ik-kwento. Tara na. Hinahanap ka na ni Autumn. Umuwi na daw." tinulungan niya akong ayusin ang mga art materials na bigay ni Esclavo. Tinago ko yung papel na bigay sa akin ni Esclavo kanina sa aking bulsa.

__

"Wow! Ang gwapo ng lolo mo Sig ah!" ani Autumn habang nasa kotse niya kami. Nasa unahan ako nakaupo habang si Winter at Autumn ay sa likod.

"Kaya lang, ang aga naman niyang namatay. Sayanh, di man lang namigay ng lahi." tahimik lang ako habang sila ay nagk-kwentuhan.

"Bakit ba namatay yung lolo mo ng ganun kaaga?" tanong naman ni Winter.

"Hindi ko alam pero ang sabi ni lola, nilason niya sarili niya bago siya ikasal. Walang nakakaalam kung bakit niya ginawa yun." malakas ang kabog ng dibdib ko habang nakikinig lang sa kanila. Bakit naman gagawin iyon ni Dmitri?

"Bakit naman niya kaya gagawin yun?"

"Baka panget yung babaeng ipapakasal sana sa kanya."

"So, ang ninuno niyo talaga ay pamilyang Fernandez pero namatay ang pangalang iyon dahil puro babae lang ang natira?" tanong ni Winter.

It Was Summer When I Met You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon