I was six years old when I met him. It was summer that time. Every summer ay lagi kaming nagkikita pero hindi ko naman siya kilala. I'll always forgot him but right now, ipinapangako kong hindi ko na siya kakalimutan kahit anong mangyari.
"Napagod ka ba sa pag-akyat?" he asked me. Umiling ako bilang sagot. Wala paring pinagbago ang lugar na ito. Wala man lang tao bukod sa amin. Napansin ko lang na konti ang mga tao ngayon sa probinsyang ito. It's not summer kaya siguro ay konti lang ang nagbabakasyon
"Naalala ko yung araw na una mong punta rito." aniya. I was 7 years old back then nang makapunta ako dito. Hindi ko nga alam kung paano ako nakaakyat sa lugar na ito. Umiiyak talaga ako non dahil sa pagod at natatakot ako sa heights.
"Maraming nagtaka kung kaninong anak ka. Yung iba kinunan ka pa ng litrato." sa pagkakataong iyon may nag-aya sakin na bumaba pero tumanggi ako hanggang sa pinatahan ako ni Dmitri sa pag-iyak. Doon ko napagtanto na ang ganda pala ng lugar na ito.
"Summer, hindi ako nagsisi na nakilala kita."
"Hindi ako nagsisi na nakita mo ako."
"Hindi ako nagsisi kung bakit ito nangyari." nagtataka ako sa pinagsasabi niya. Naglakad siya papunta sa kampana at may kinuha doon.
"I'm sorry..."
"S-sorry for what?" hindi ko na mapigilan ang pag-garalgal ng boses ko.
"Summer, I'm sorry dahil di ko kayang tuparin ang pangako ko sa'yo." napaawang ang bibig ko nang maalala ang isinulat niya sa papel na yan.
"Y-you said you won't leave me." nagsimulang mag-init ang gilid ng mata ko."K-keep your promise." "Keep your promise for me Dmitri." I pleaded.
"Ito ang una nating pagkikita natin na hindi tag-init." naguguluhan ako sa nangyayari. Naguguluhan ako sa pinagsasabi niya. Akala ko ba okay na.
"Summer. Ikaw at ako ay pinagtagpo. Pero alam nating dalawang hindi pwede."
"You know it's not true. You know it's not!" hindi ko na mapigilang sumigaw.
"Esclavo inaalala kita. Pinilit kong alalahanin ka dahil nangako ako sayo. Nangako ako na di kita kakalimutan. Tapos...tapos..."
"Summer..." nagtangka siyang lumapit sa akin at ngunit pinigilan ko siya.
"Hindi... Hindi ko maintindihan eh. Bakit? Bakit kailangan pa mangyari to? Ginawa ko lahat para maalala ka."
"And that's why I'm proud of you. You kept your promise." Ngumiti siya sa akin at napansin ko na namumula rin ang mata niya.
"Then keep your promise too. Tuparin mo. Don't say anything na parang iiwan mo ako."
"You promised. You promised to me." bigla akong nagulat nang bigla siyang napaluhod at umiyak. Biglang humangin ng malakas. Napansin ko rin na papalubog na ang araw.
"Dmitri...please." unti-unti akong lumapit sakanya. Lumuhod ako at yayakapin sana siya nang bigla akong nagulat sa nangyari. Inulit ko ulit na hawakan siya dahilan para mapatumba ako. Biglang nagt-transform sa pagiging petals ang parteng hinawakan ko sa kanya.
"W-why?" nagtataka kong tanong. Tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Oras ko na."
"Hindi..." this time ay hinawakan ko ang isa niyang kamay at napaiyak nalang ako nang paunti-unting naglalaho ang kamay niya at may nahuhulog na petals.
"Hindi...hindi ito nangyayari." hindi ko siya kayang hawakan dahil unti-unti siyang naglalaho.
"Bakit? Anong dahilan? H-hindi naman ganito dati diba?"
BINABASA MO ANG
It Was Summer When I Met You (COMPLETED)
Fantasy(Forbidden Love Series #2) Every summer ay bumibisita siya sa akin. She was 6 years old when I first saw her. Gustong-gusto niya ako dahil napapalago ko ang mga bulaklak. Sa buong summer na palagi kaming magkasama ay nahulog na ang loob ko sa kanya...