Kabanata 28

2K 98 11
                                    

"It's over once you remember everything." nangunot ang aking noo sa sinabi niya. Kumabog ang aking dibdib nang pagkalakas-lakas. Dahan-dahan ko siyang tiningnan pero nagulat ako nang walang Aurum na nakatayo sa kanyang kinatatayuan niya kanina. Inilibot ko ang aking paningin sa flower plantation ngunit ni anino niya ay hindi ko nakita.

"W-what?" bulong ko sa aking sarili at nakaramdam ng takot sa nangyayari. I decided na umalis na sa lugar na ito dahil iba ang pakiramdam ko. Habang naglalakad pauwi, hindi parin mawala lahat ng pinag-usapan namin ni Aurum. Anong ibig niyang sabihin? The way he spoke to me, parang alam niya ang lahat. Isa pa, anong ibig niyang sabihin niya sa binigay niyang bugtong sa akin?

Inayos ko ang suot kong cap nang makita ko si Sam, ang aking pinsan, na naglalakad kasama si lola. Hindi nila kailangan malaman na nandito ako kundi mawawala lahat nang pinagpaguran kong malaman ang totoo. I need to know the truth and I'm not leaving until I didn't get my memories back.

Mukhang namili sila. Gusto ko man tulungan si lola sa pagbibitbit ay hindi ko magawa dahil makikita nila ako. I'm sure lola  will tell this to dad if nakita niya ako dito. Baka nga alam niya na lumayas ako ng bahay namin.

Nagpakawala ako ng malalim na bugtong hininga nang matiwasay ko naman silang  nalagpasan without noticing me.  Alas nwebe na ng umaga at naisipan kong umupo muna. I need to rest. Pinag-iisipan ko kung paano ko malalaman ang totoo. I don't even remember anything here. Napapikit ako at ninamnam ang hangin na tumama sa mukha ko.

"Tumingin ka sa halaman, makikita mo ako.

Tumingin ka sa bulaklak, maaalala mo ako.

At pumikit ka, mararamdaman mo ako." hindi ko alam kung bakit bumalik sa akin yung sinabi ni Aurum. What does he mean? 

Tumingin ka sa halaman, makikita mo ako. Tiningnan ko ang isang berdeng damo na nasa harapan ko pero wala rin naman nangyari.

Tumingin ka sa bulaklak, maaalala mo ako. I tried to look sa bulaklak sa isang pot but still, nothing happened.

At pumikit ka, mararamdaman mo ako.  And lastly, sinubukan kong pumikit at magconcentrate na may maalala pero wala parin. Napabuntong hininga ako. Ano ba kasi ang ibig sabihin ng bugtong na iyon. 

Tumayo ako sa pagkakaupo at naisipan kong umuwi muna sa tinutuluyan ko. Pagkauwi ko ay agad akong napahiga sa kama. Paano ko malalaman ang totoo kung hindi ko alam kung saan ako magsisimula? Damn.

Sa pag-iisip ko ay di ko namalayang makatulog at dahil narin siguro sa maaga akong nagising.

3 o'clock nang magising ako. Nakaramdam ako nang gutom dahil narin sa di ako nakakakain  ng tanghalian. Bumangon ako para bumili ng makakain. Kumain ako sa kinainan ko kaninang umaga. Di ko namalayan na  wala pala akong suot na cap.

"Summer?" napaangat ang aking tingin nang tawagin ako nang isang tindera sa karinderya. Isang medyo may katabaang babae na abot balikat ang kanyang kulot na buhok. Napakunot ang noo ko dahil di ko alam kung paano niya nalaman ang pangalan ko. 

"Ang aga niyo naman ata magbakasyon. Nasan mommy mo?" tanong niya sa akin.

"Ahm. Ako lang po ang umuwi." I pretend na kilala ko ang babaeng ito. Maybe I know her pero hindi ko lang talaga siya maalala.

"Oh. Ayos ka na hija?"

"Po?"

"Ayos ka na ba kako? Napacheck-up ka na ba ng parents mo?"

"Check-up? Am I sick?"

"Hindi. Ang ibig kong sabihin...kasi..." nagdadalawang isip siya kung sasabihin niya sa akin o hindi. I tried to smile para sabihing okay lang na sabihin niya sa akin.

"H'wag ka sanang magalit kasi ako yung nagpadala nong pictures sa daddy mo. Ako rin nagsabi na pumunta ka sa mansyon ng mga Fernandez." aniya habang sinasandokan ang isang costumer.

"Pictures? Mansyon ng mga Fernandez?" napakunot naman ang kanyang noo.

"Oo? Wala ka bang maalala, Summer?" matagal akong di nakasagot sa tanong niya. I don't know if I should tell her na may temporary amnesia ako or wag nalang.

"San ko ba makikita yung mansyon?" I didn't answer her question instead ay sinagot ko ng tanong ang tanong niya. May pangamba siyang sagutin ang tanong ko pero bandang huli ay sinabi niya rin.

__

Kinalibutan ako ng makarating ako sa lugar na tinutukoy ng matanda sa akin. Hindi ko alam kung papasukin ko ba ito o hindi nalang. Hindi. Kailangan kong pumasok sa loob. I need to know the truth at may posibilidad na baka malaman ko ang totoo sa pagpasok ko sa mansiyon na iyon.

Hindi ko alam kung trespassing bang matatawag ito pero wala na akong pake. Wala naman akong kukunin sa loob. Kailangan ko lang tumingin at nagbabakasakali na bumalik ang ala-ala ko.

Akala ko ay naka-lock ang pinto pero hindi. Hindi na ako nagdalawang-isip na pumasok sa loob. Tiningnan ko kung may switch ba ng ilaw at buti nalang ay meron. Pagbukas ng ilaw ay makikita sa loob na lahat ata ng furnitures ay nakatakip ng kulay puting tela. Nilibot ko ang aking paningin at napansin kong halatang napaglumaan na ang bahay na ito. Marahil ay minsan lang may maglinis dito.

Sinarado ko ang pinto para walang makakita sa akin rito. Dahan-dahan akong naglakad. Una kong inalis ang tela sa isang furniture at nakita kong isa itong malaking orasan. It's not working though. 

Napatakip ako ng ilong nang malanghap ko ang alikabok na galing sa tela.

Hindi ko na ibinalik ito sa pagkakatakip at pinuntahan ko naman ang isa. Isang piano at hindi ko alam kung bakit biglang sumakit ang aking ulo sa nangyari. Muntik na akong matumba pero nakakapit agad ako.

Napabuntong hininga ako. Pinakiramdaman ang paligid. Nagulat ako nang biglang may biglang kumalabog galing sa taas. I'm afraid at ghost pero dahil sa koryusidad ay nagawa kong puntahan ang pinanggalingan ng tunog. Sa isang kwarto pinanggalingan ng tunog. Pinakiramdaman ko muna kung may tao ba sa loob pero mukhang wala naman. 

Hindi ito nakalock gaya ng inaasahan ko. Hinanap ko ang switch ng ilaw at buti ay meron. Kasing-laki ito ng kwarto ko ngunit wala gaanong kagamitan rito. May isang kama na gawa sa kahoy at may mga nakasabit sa dingding na may takip na puting tela. 

Parang pamilyar ang lugar na ito. Alam kong nakapunta na ako rito. 

Inalis ko ang isang tela at isa itong painting. A simple one. Sumunod naman ang isa at parehas lang ito ng kanina. Napakapit ako sa huling at napatigil ako sa ibang nararamdaman ko. 

"Summer..."

"Summer..."

"Summer..."

Umiling ako at inalis ang nasa isip ko. Inalis ko sa pagkakatakip ang painting. Napapikit ako ng malagyan ng alikabok ang aking mata. Kinusot ko ito hanggang sa mawala ang kati.

As I opened my eyes. Napatingin ako sa painting at hindi ko mawari ang nararamdaman ko ngayon. Nakatitig ako rito. 

Naramdaman ko na may pumatak sa aking pisngi. Nang kapain ko ito ay tubig pala...

Pero hindi...

Isa itong luha na galing sa aking at hindi ko alam kung bakit ako napaluha.

Dahil ba sa painting o dahil sa presensya na nasa likod ko.

__

Yakanemori

It Was Summer When I Met You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon