"Summer,nandito na tayo" rinig kong pagising sa'kin ni mommy. Tamad kong binuksan ang talukap ng mata ko. Nasa loob pa rin kami ng van.
Tumingin ako sa bintana ng van. Maaliwalas at kulay berde ang paligid. Hindi kagaya sa manila,puro pollution d'on. Napapalibutan ka ng malalaking building at puro usok ang maamoy mo.
Lumabas ako ng van at nag-unat. Ilang oras din ang biyahe papunta dito kaya napagod akong umupo.
"Summer,pogi hunting tayo mamaya." aya sa'kin ni Autumn,ang kambal ko. Hindi kami magkamukha pero kambal kami.
Magkaibang-magkaiba kami ni Autumn. Mahilig ako sa libro at mahilig naman siya sa mga make-ups. Nasa bahay lang ako at siya naman ay palaging nasa galaan. Friendly siya at ako naman,masungit.
"Ayoko nga. Hindi mo ba alam na maiitim ang mga lalaking tagaprobinsya." diretsa kong sagot sa kanya habang nakatingin sa mga damo. Isa pa,honest ako sa lahat ng bagay kahit may nasasaktan na ako.
"Sama nito." aniya na may paghampas sa balikat ko. Totoo naman kasi. Yun yung nabasa ko sa libro.
"Woy,pasok na kayo." tawag naman sa amin ni Winter,ang nag-iisang lalaking kapatid namin at siya rin ang panganay sa'min. As you can see,puro season ang pangalan namin. Meron pa akong baby na kapatid na ang pangalan naman ay Spring. Kadalasang 4 seasons ang tawag sa'min dahil sa pangalan namin. Tatawagin kami ng tita namin na; "Nasan na ang 4 seasons na inaanak ko?".
"Tara na." naunang pumasok sa bahay si Autumn samantalang ako ay nagpaiwan lang sa labas.
Ang sama ng loob ko sa parents ko. Sabi nila hindi na nila ako isasama ngayon summer dito sa probinsya. Yun kasi yung pangako nila n'ong nakaraang taon. Tapos sinabi ni mommy na ako daw ang nagrequest na gusto kong sumama sa kanila ngayon summer. Wala naman akong maalala na sinabi ko yun. Actually,wala akong masyadong maalala noong pagbakasyon ko. Siguro ay palagi akong tulog.
May contest ako sa pagpainting pero pinapull-out ni mommy dahil uuwi daw kami.
Ano namang gagawin ko dito sa probinsya? Titingnan ko kung paano kumain ang kalabaw? Kung pa'no magsaka ang mga tao dito? Di man lang ako pinayagan na magdala ng libro o kaya ng art materials ko. Ang boring tuloy.
Humangin nang malakas at natangay ang suot kong straw hat. Kaasar naman! Inis na inis na ako ah! Tinangay nga ang hat ko at nakasabit na ito sa sanga ng puno. Bigay ni daddy yun sa'kin ngayong taon dahil nawala ko daw iyong binigay niya dati.
Tiningnan ko lang iyon ng may biglang pumasok na larawan sa utak ko.
Isang batang babae na umiiyak at itinuturo ang straw hat na nakasabit sa sanga ng puno. May kasama siyang mas matanda sa kanya na lalaki. Hindi ko makita ang mga mukha nito dahil malabo. Sumasakit rin ang ulo ko.
"Summer Arsolla." napatalon ako sa gulat ng may humawak sa balikat ko. Si Winter lang pala.
Tiningnan ko siya nang masama, "Ba't ka nanggugulat?"
"Tulala ka kasi. Pinapapasok ka na,ano bang tinitingnan mo diyan?" tiningnan niya yung taas ng puno at natawa siya. Problema niya?
"Pang-ilang beses na yang nangyari Summer ah. Sinasadya mo ba yan?" ilang beses? Bakit wala akong maalala na nangyari ang scenario na 'to?
"Ano?" kunot-noo na tanong ko.
Sasadyain ko bang ilagay ang hat ko sa sanga? Mukha ba akong si spider man para makaakyat diyan?"Yari ka kay daddy,regalo pa naman niya yan sa'yo." pananakot niya sa'kin. Pinaikot ko ang mata ko sa kanya. Sa aming magkakapatid,siya ang blackmailer.
"Whatever." tinalikuran ko na siya at iniwan doon.
Pagpasok ko ay nand'on si lola at ibang mga pinsan ko. Yung iba,kasing edad ko at yung iba ay mga bata."Ate Summer." niyakap ako ni Samantha,siya ang pinakaclose kong pinsan at kapangalan niya rin ang kaibigan ko sa manila. Nginitian ko siya at ginulo ang buhok.
"Kain na apo." lumapit ako kay lola at nagmano. Matanda na si lola pero inaalagaan niya pa rin ang mga pinsan ko.
"Musta na kayo 'la?" tanong ko at kinuha ko ang mga pinggan na dala nito.
"Ayos naman ako apo." nakarating kami ng kusina at boses agad ni Autumn ang narinig namin. Maingay talaga ang babaeng iyan. Inilalayan ko munang umupo si lola bago ako umupo.
Akala mo piyesta kong aakalain dahil sa daming putahe ang nakahain sa mahabang lamesa.
Nagdasal muna kami bago kumain.Ilang minuto rin bago ako matapos kumain. Nagpaalam akong magpapahangin lang sa labas.
Sinabi lang na 'wag daw akong lalayo dahil baka mamaya ay may makasalubong akong mabangis na hayop.
Paglabas ko ay binalikan ko kung saan ako nakatayo kanina. Nakapagtatakang nasa lupa na ang straw hat ko. Pinulot ko ito at pinagpagan bago isuot sa ulo ko. Siguro ay hinangin na naman.
Naisipan kong maglakad-lakad.
Dapat pala nagpalit muna ako ng pants o kaya shorts para hindi tinatangay itong palda ng bestida ko.Pinagsisipa ko yung maliliit na bato kada nadadaanan ko ito. Do'n ko na lang ibinaling ang inis ko.
Ilang minuto rin akong naglakad-lakad at pinagsisipa ang maliliit na bato.Wala na akong makita na mga bahay-bahay. Teka, nasa'n na ba ako?
Lumingon ako sa paligid at narealize ko na malayo na ako sa bahay ni lola.Inilabas ko ang cellphone ko pero pag minamalas ka nga naman. Wala man lang signal dito. Malayo nga sa kabihasnan.
Nagsimula akong maglakad kahit hindi ko alam ang dinadaanan ko. Hindi ko na matandaan kung saan ba ako dumaan dahil nakatuon ang atensyon ko kanina sa mga bato.
Mahahahanap naman siguro nila ako dahil sa pagkakaalam ko ay maliit lang ang bayan na ito.
Natigil ako sa paglalakad nang may mapansin akong puro magagandang bulaklak sa isang taniman,garden or flower plantation,hindi ko sure kung anong tawag d'on.
Lumapit ako doon at mukhang wala namang tao. Ang gaganda ng mga bulaklak. May mga marigold,tullips,peonies,zinniasn,at kalahati ng flower plantation na ito ay tanim ay sunflower. Napangiti ako nang walang dahilan. Feeling ko nasa paraiso ako. Ang ganda kasi eh. Masaya siguro kung dito ako magbabasa ng libro. Nakakarelax.
Napapitlag ako nang marinig ko na may gumalaw sa likod ko. Pinagpawisan ako sa kaba. Hindi ko maikakaila na takot ako kahit masungit ako.
Napalunok ako ng ilang beses, "M-may tao ba diyan?" huni ng ibon ang sumagot sa'kin. Napabuntong-hininga na lang ako. Sa edad na 16 ay dapat hindi na ako matatakutin. Isa pa,tirik na tirik ang araw kaya imposible na may g-ghost? Whatever.
Sinimulan kong maglibot-libot at tinitingnan ko nang maigi yung mga bulaklak at halaman. May nag-iisang puno dito na sa tingin ko ay matanda na. Pamilyar ang punong iyon at parang nakita ko na siya kung saan.
Napansin ko na may tao sa likod noon. Mukhang hindi niya pa napapansin ang presensya ko.
Maraming pumasok sa isip ko kagaya na lang na kung pa'no kung killer siya,rapist or magnanakaw. Magandang lugar ito para patayin ako dahil walang tao at tago. Napa-iling nalang ako sa iniisip ko. Baka siya lang ang may-ari ng lugar na ito.
Unti-unti siyang gumalaw at mukhang napansin na niya ang presensya ko.
Tatakbo na sana ako na may kasamang sigaw pero natigilan ako nang makitang isang lalaking kasing-edad ko or mas matanda sa'akin ng isa o dalawang taon. Nakangiti ito sa'kin na parang hindi lang 'to ang unang pagkikita namin.
Umayos ako nang tayo at inayos ang suot kong sumbrero at damit. Hindi ko alam pero naconcious ako sa sarili ko nang makita ko ang lalaking ito.
"E-excuse me mister,k-kayo ba ang may-ari ng flower p-plantation na ito?" nauutal na sabi ko. Namula tuloy ang pisngi ko sa pagkapahiya. Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin siya umiimik. Nakangiti lang ito sa'kin at titig na titig. May dumi ba ako sa mukha?
Pasimple kong pinunanasan ang pisngi ko para tingnan kumg meron ba pero wala."Summer..."
___
Yakanemori
BINABASA MO ANG
It Was Summer When I Met You (COMPLETED)
Fantasy(Forbidden Love Series #2) Every summer ay bumibisita siya sa akin. She was 6 years old when I first saw her. Gustong-gusto niya ako dahil napapalago ko ang mga bulaklak. Sa buong summer na palagi kaming magkasama ay nahulog na ang loob ko sa kanya...